DALHIA
Nakatingin lang ako sa salamin. "Yung mahaba mong buhok kailangan na natin putilin." Pag-uusap ko sa sarili ko.
Kinuha ko yung gunting at pinutol yung buhok ko hanggang balikat.
Naligo na ako at nagbihis. Palabas na sana ako marinig ko si dad.
"Kailangan niyang gawin iyon para malaman ko kung mahal niya talaga ang anak ko." Sabi nito.
Pumunta ako doon sa gawi niya kung saan may kausap siya sa phone.
"Gawin ang ano dad?"
"P-princess. What are you doing here? What happen to your hair?"
Ni isa doon wala akong isinagot. "Doing what dad?"
"I just want to know if gagalawin niya yung dating kasintahan niya." Sabi niya.
Para bang binuhusan ako ng malalig na tubig dahil sa sinabi ni dad. Paano niya nagagawa sa akin ito?
"It's that so?" Malamig na tanong ko.
Hindi ko na siya hinintay na sumagot dahil tumakbo ako papalabas ng bahay namin at pinuslit ko yung car key ni mommy.
Ilan minuto lang ay dumeretso ako sa loob ng bahay ni christian at pumunta sa 2nd floor.
Pumasok ako sa kwarto niya ng matigilan ako kung ano ang nakikita ko.
Nag-umpisang nagpatakan yung luha ko dahil sa nakikita ko. "Christian." Umiiyak pero sigaw na sabi ko.
Para bang nagdilim yung paningin ko. Lumapit ako sakanila saka sinabunutan yung si anna.
"Aray!" Biglang daing nito.
"Kakauwi mo palang dito, at nawala lang ako ng ilan araw o linggo nilandi mo na kaagad yung pagmamay-ari ko!" Galit na sabi ko sakanya saka siya sinampal.
Pinadyak ko si christian dahilan para magmulat ito ng mata, mukhang nagulat siya ng makita niya ako. "Loves." Gulat na tawag nito.
Sinampal ko din siya. He deserve that. "Manloloko!" Galit na sabi ko bago tumakbo papalabas ng kwarto niya.
Lumabas na ako at pumasok sa driver seat. Pinunasan ko muna yung luha ko bago nagmaneho papauwi sa bahay namin.
Napaka! Magsama silang lahat! Ngayon palang alam ko ng mag-isa talaga ako! Wala akong kakampe!
Pagkarating ko sa bahay, pumasok ako at nadatnan ko sina mommy at daddy.
Tumingin ako ng walang emosyon kay dad. "Are you happy now dad? Kuntento ka na ba sa ginawa mo?!" Galit na sabi ko.
Tumingin si mommy sakin. "Anong ginawa ng daddy mo princess?" Tanong ni mom.
"Si dad lang naman ang may pakana kung may nangyari kay christian at sa ex niya."
Tumingin ng masama si mommy kay dad. "Hindi ko inaasahan na magagawa mo ito sa sarili mong anak!" Galit na sabi ni mom.
"Ginawa ko lang iyon para malaman ko kung mahal niya talaga si dalhia." Pagdadalihan nito pero hindi pa din humuhupa ang galit na nararamdaman ko.
"f**k with that reason dad!" Galit na sabi ko.
Naglakad na ako papunta sa hagdan ng marinig ko yung galit na boses ni dad.
"Don't you ever use that word to me dalhia gail!" Galit na sabi nito.
Hindi ko siya pinansin at dumeretso ako sa kwaro ko at nilock yung pintuan.