CHAPTER 16

512 Words
Christian's POV Kasalukuyan akong kumakain ng maisipan kong tawagan si dalhia. Ilan ring lang ay sinagot na niya ito. "H-hello?" "Loves, kamusta ka na?" Tumawa lang ito sa kabilang linya. "Maayos na maayos." Sabi nito. Ramdam ko na hindi ito okay. "Loves, tell me. Okay ka lang?" Nag-aalalang tanong ko. "Oo naman, ibaba ko na to, saka na tayo mag-usap." Sabi nito bago ibinaba. Napabugtong hininga na lang ako. Nag-aalala na ako sakanya, ilan linggo na ganon yung sinasabi niya kahit hindi naman talaga siya okay. Naramdaman ko na lang na may humalik sa leeg ko. Tumingin ako sakanya. "Tigilan mo ako, anna. Hindi ka nakakatuwa." Seryosong sabi ko pero tumawa lang ito. "Makukuha din ulit kita." Sabi niya bago ako iniwan. - Pagkatapos kong kumain napagdesisyonan kong bumili ng stock na pagkain sa bahay dahil wala ng pagkain. Habang kumukuha ako ng can goods, sumakto naman na kasabay ko si tita abigail. "Tita, kamusta po si dalhia?" Tanong ko. "Ikaw pala christian." Nakangiting sabi nito pero nawala din kaagad. "Hindi ko ba alam, nag-aalala na ako sakanya, ilan linggo na kasi siyang hindi lumalabas ng kwarto, hinaharitan na lang namin ng pagkain sa labas ng kwarto niya. Noon kasing nalaman ni denver yung tungkol sainyo nagkulong akala niya lumalandi ang bunso namin kaya ayun si dalhia nasa kwarto niya at naririnig na lang namin yung mga nababasag na gamit at sumisigaw ito na hindi niya kami kailangan at pinagtatabuyan niya kami." Kwento ni tita. Napabugtong hininga na lang ako dahil doon. "Nag-aalala na ako sakanya tita, pasensiya na kung ganon pa humantong hindi ko sinasadya na mainlove ulit ako sakanya." Ngumiti lang ito. "Okay lang yun, mas gusto kita sa prinsessa namin, ang asawa ko lang yung makitid ang utak hindi maunawaan yung nangyayari kaya kung kailan tumanda na kami doon pa kami madalas nag-aaway." Sabi nito. "Still tita, pasensiya na sa nagawa kong gulo." "Ano ka ba naman bata ka, wala kang kasalanan sa mga nangyayari, kung sakali man na humantong yung araw na wala na naman sa katinuan ang anak ko dahil sa depression. Mahintay mo sana siya." Sabi nito. Tumango ako. "Oo naman tita, mahal ko yung anak niyo kahit anong mangyare." Sabi ko. Nagpaalam na si tita kaya ipinagpatuloy ko ng pinamimili ko. Pagkatapos, nagbayad na ako saka dumeretso ng uwi sa bahay. Nilagay ko sa kitchen counter yung mga pinamili ko at kumuha ng bottle of rum sa kabinet. Napabugtong hininga na lang ako at inumpisahan uminom. Anna's POV Pagkalabas ko ng kwarto nadatnan ko si christian na umiinom. Nilapitan ko siya saka inagaw sakanya yung bote ng alak. "Tama na yan, tara na magpahinga ka na." Pag-awat ko sakanya. Inakay ko siya paakyat at dumeretso sa kwarto niya. Ihiniga ko siya sa kama niya. Inalis ko yung damit niya at short, kasunod inalis ko din yung suot ko. Tumingin ako sakanya. "Pasensiya na kung gagawin ko to, mahal lang kita." Sabi ko bago humiga at ikinumot yung katawan namin. Hindi ko maiwasan na hindi haplusin yung katawan niya, dahil sobrang kisig pa din ng pangangatawan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD