Dalhia's POV
Matapos namin mag-usap ni cassie, humiga ulit ako.
Nakatingin lang ako sa kisame ng may kumatok sa pintuan at bumukas iyon.
"Mom." Nakangiting sabi ko.
Lumapit ito sakin at hinaplos yung buhok ko, namimiss ko na tuloy si christian. Palagi niyang ginagawa iyon sa tuwing nahihirapan akong matulog.
"Princess, ano bang nangyari? Nandito lang si mommy."
Niyakap ko siya. "Mom, hindi mo alam kung gaano napanatag yung kalooban ko pero pakiramdam ko talaga nag-iisa pa din ako." Sabi ko
"Princess." Nag-aalalang tawag nito.
Ngumiti lang ako sakanya. "Don't worry mom, nasa katinuan pa naman ako." Sabi ko.
"Princess, huwag mong isipin na ganon. Nandito ako." Sabi nito.
Tumango lang ako, wala akong magagawa ganito talaga ako. Madalas depress, nawawalan ako sa katinuan.
"Kain na tayo princess, darating na yung mga kuya mo kasama yung girlfriend at asawa ng mga kuya mo." Sabi nito.
Tumango ako saka tumayo. Lumabas na kami sumakto naman na dumating si kuya damien at kuya daewon.
Dumeretao kami sa dinning area. Nag-umpisa na kaming kumain, sobrang tahimik lang pero biglang ibinasag ni dad yung katahimikan.
"From now on, hindi ka na aalis dito dalhia." Sabi nito.
"Dad naman." Pagmamakaawa ko.
"That's final, ayoko sa lahat yung sinusuway ako kung yung anak ko napakalandi!"
Bigla tuloy akong napayuko, pakiramdam ko para akong napahiya dahil doon.
"Denver! Sumosobra ka na! Hindi ka na nakakatuwa!" Galit na sabi ni mommy.
"M-mom. D-dad, mauna na po muna ako sa taas." Paalam ko bago tumakbo papaakyat sa kwarto ko.
Pagkapasok ko inilock ko yung pintuan, yun na din yung oras na sunod-sunod nagpatakan yung luha ko.
"Bakit ganon naman si dad? Nagmahal lang ako." Natatawa pero naiiyak na tanong ko.
Napasabunot ako sa sarili kong buhok. Ayoko ulit maramdaman to, pero wala bumabalik yata ulit yung depression na naramramdaman ko.
"Urrrrgghhh!" Sigaw ko.
Parang unti-unti akong nakakapasok sa maitim na mundo. Nakita ko na lang yung sarili ko na pinagbabato yung mga gamit sa loob ng kwarto ko.
Nanghihina akong napaupo sa sahig at para akong bata na pinalo ng magulang, iyak ako ng iyak.
Narinig ko na lang na may kumakatok sa pintuan pero hindi ko pinansin, para saan pa? Nawawala na yata ako sa sarili ko.
"Princess, buksan mo yung pintuan." Sabi ni mommy mula sa labas.
"Princess." Nag-aalalang tawag ni kuya damien.
"Umalis na kayo, hindi ko kayo kailangan!" Sigaw na sabi ko.
May napansin akong lampshade at ibinato yun sa pader dahilan para masira.
"Princess!" Tawag nila sa labas.
"Umalis na kayo!" Pagtataboy ko.
Hindi ko sila kailangan! Hindi! Nag-iisa na lang ako! Nag-iisa!