Christian's POV
Pagkaalis ni gail tumingin ako kay Anna na nakatingin lang sakin.
"What are you doing here?" Tanong ko.
Lumapit siya sakin at hinawakan ako sa pisngi pero umiwas ako. "Namiss lang kita darling." Palambing na sabi nito.
"Masaya na ako Anna. Ano pa bang gusto mo?" Seryosong tanong ko.
"Be mine again." Sagot nito.
"Nagpapatawa ka ba? Masaya na ako sa iba, hindi na kita kailangan sa buhay ko." Sabi ko bago umakyat papunta sa kwarto ko.
Inilabas ko yung phone ko at tinawagan si dalhia. Nakakailang ring pero hindi niya sinasagot.
"Napano kaya siya? Hindi niya sinasagot." Tanong ko sa sarili ko.
Dalhia's POV
Pagkarating namin sa bahay, sumalubong sakin si Mommy na nakangiti.
Niyakap ko siya. "Buti pinauwi ka na princess?"
"Yang anak mo, napakalandi!!" Galit na sabi ni dad.
Napayuko ako dahil sa sinabi niya, hindi naman niya sana to sinabi ng ganon kalakas.
"Umakyak ka na muna anak, mag-uusap lang kami ng daddy mo." Sabi nito.
Tumango lang ako saka dumeretso sa kwarto ko. Inilabas ko yung phone ko ng makita ko na nakailang missed call si christian pero hindi ko muna siya tatawagan. Tatakas na lang ako pag may pagkakataon.
Tinawagan ko si cassi at nakailan ring lang ay isinagot na niya.
"Hello dalhia?"
"Hello Cassie, nasaan ka?" Tanong ko.
"Nasa bahay ako, bakit?"
"Pwede mo ba akong puntahan? Gusto ko lang ng makakausap." Sabi mo.
"Yeah sure, hintayin mo ako after 20 minutes nandyan na ako." Sabi nito.
Ibinaba ko na yung tawag at dumapa na lang ako saka pumikit. Pakiramdam ko sobrang pagod ako kahit hindi naman.
Cassandra's POV
Mapatapos tumawag ni dalhia ay nagbihis na ako at nagmaneho papunta sakanila.
Nadatnan ko na nagtatalo sina Tito denver at Tita Abigail.
"Kinukunsinti mo kasi yang anak mo!" Galit na sabi ni tito denver.
"Bakit hindi mo na lang hayaan yung anak mo? Malaki na siya para ibaby mo pa! Hayaan mo siyang magmahal! wala naman masama doon! Hindi yung kinokontrol niyo pa siya! Baka magulat na lang ako mapagod ang anak natin at lumayas yan ng kusa dahil sainyo ng panganay mo!" Paliwanag ni tita abigail.
Tumingin sila sa gawi ko. Nag-alangan tuloy ako.
"Pinapapunta po ako ni dalhia, tita." Sabi ko.
"Go upstair, nasa kwarto niya." Nakangiting sabi nito.
Sumunod ako at umakyat, pagkarating ko dumeretso ako sa kwarto ni dalhia at sinarado yung pintuan.
Lumapit ako sakanya, mukhang tulog pa siya. Tinitigan ko lang siya habang nakapikit.
Niyugyog ko siya bago umupo sa tabi niya, mukhang nagising na ito dahil sa ginawa ko.
"C-cassie, a-anong ginagawa mo?" Gulat na tanong nito.
"Sorry, hindi ko sinasadya, sabi mo kasi kailangan mo ng kausap ee." Sabi ko.
Umupo ito paharap sakin. "Anong gusto mong pag-usapan?"
"Pakiramdam ko wala na kasi akong kakampe, pakiramdam ko nag-iisa ako kahit hindi naman." Natatawang sabi nito.
Kilala ko si dalhia, ito na naman siya, baka anong magawa niya na ikakapahamak niya. "Huwag kang mag-isip ng ganyan dalhia, nandito kami, ako." Sabi ko.
"Pero hindi ko maramdaman na may kasama ako? Bakit ganon? Nadedepress na naman ba ako?"
Niyakap ko siya. "Huwag mong isipin na ganon okay? Nandito ako hindi kita iiwan." Sabi ko.
Humiwalay ito ng pagkakayakap sakin. "Magpahinga ka na, may gagawin pa ako sa bahay, pag may kailangan ka tawagin mo ako." Sabi ko.
Tumango lang siya. Niyakap ko muna siya bago lumabas ng kwarto niya.