Bernadette's Pov: Tiningnan ko ng matiim si Zen. Hinanapan ko ng senyales na nagbibiro lamang s'ya. Hence, he stayed calm and serious. Hindi s'ya nagbibiro. Seryoso s'ya sa sinabi n'ya. "Shut it Zacharias,.sa palagay mo ba papayag akong madala mo si Bernadette sa lugar na iyon?" Queven said. Naramdaman ko ang pag-dagdag pa ng kapangyarihan n'ya at pag-abante ng puting aura n'ya. Itinulak noon ang aurang inilalabas ni Zen. Nakita kong nangunot ang noo ni Zen at dinagdagan din ang kanya. Nagtutulakan lamang ang mga kapangyarihan nila. Walang gustong magpatalo. At mukhang wala din namang mananalo. Pantay na pantay ang lakas at kapangyarihan nila. "Uno... Stop that." Mahinang saway ni Crayon sa kaibigan. Hindi ko na kinailangang tingnan pa si Crayon dahil boses pa lang n'ya alam kong

