GrandMaester's Pov: Marahang itinulak ko ang pintuan ng opisina ko at agad na naupo sa upuang nasa likod ng lamesa ko. Kagagaling ko lang sa auditorium para magbigay ng maiksing speech. Kahit sandali ay nalimutan ko ang mga problemang kinakaharap at kakaharapin pa ng eskwelahan. Alam ko ding hindi na maganda ang sitwasyon namin pero ayoko namang ipagkait ang ganitong klase ng kasiyahan sa mga bata kaya pinahintulutan ko na ang promenade. "GrandMaester." Napatingin ako kay Liu. Ni hindi ko napansing kasunod ko nga pala. Isa s'ya sa mga pinagkakatiwalan kong propesor. Napahugot ako ng hininga at namomroblemang tinapik tapik ang lamesa. "Anong balita kay Qrisano?" Tanong ko na ang tinutukoy ay ang ama ng piniling Guardian. May isang buwan na din nang bigyan ko s'ya ng misyon at han

