Bernadette's Pov: Kain. Sayaw. Kwentuhan. Kain. Sayaw. Kwentuhan. Ilang oras ding ganoon ang naging takbo ng pangyayari. Ni hindi na namin namalayan ang oras. Lahat ay abala sa kasiyahan. Minsan na nga lang kasi magkaroon ng ganitong pagtitipon. Kahit paano ay naramdaman ng lahat kung paano maging ordinaryo. Unti-unting lumalalim ang gabi pero nanatiling buhay na buhay ang auditorium. "Queven!". Sir Reagan approached us. "Mabuti naman at nakita kita agad. Sumama ka muna sa akin. Kailangan ka ni GrandMaester," sabi pa ni Sir na ipinagtaka ko. Pasimpleng tiningnan ko muna ang paligid bago humarap kay Sir. "May problema ba Sir?" Nakangiting umiling naman si Sir. "Wala naman, kailangan lang s'yang makausap ni GrandMarster." "I'll be back," paalam ni Queven at bahagyang pinisil ang ka

