Bernadette's Pov: Naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko kasabay ng atakeng pinakawalan ni Donna. Hinintay kong bumaon sa akin ang palaso n'ya pero ilang segundo din matapos n'yang pakawalan iyon ay hindi ko pa din nararamdaman ang kirot na hatid niyon. Napamulat ako ng mata at nakita ang dalawang lalaki na nakaharang sa harapan ko. "Pasensya na nahuli kami," sandaling tiningnan ako ng lalaking nababalot pa sa benda ang katawan at hindi pa maayos ang pagkakasuot ng polong ilang butones lang yata ang nakasara. Pilit man n'yang itago ay ramdam kong hindi pa mabuti ang lagay n'ya. Ligtas na s'ya sa pagkakalason ng aura n'ya pero hindi pa nakakabawi ang katawan at kapangyarihan n'ya. "Kean..." Mas lalo akong naluha nang makita sila. "Ialis mo na s'ya dito Kean," the other guy commanded.

