Bernadette's Pov: Unti-unti kong naramdaman ang kakaibang lamig na bumalot sa akin. Habang halos magsikip naman ang dibdib ko dahil sa tila mala-asidong init na tumutupok sa kaibuturan ko. Ilang beses pa akong huminga ng malalim pero walang nangyari. Halos mabingi na din ako kaya kahit ang mga sinasabi nina GrandMaester ay hindi ko na maintindihan. Hindi din nakatulong na hindi mawala sa isip ko ang mga nangyari kanina. Parang multo ding bumabalik ang mga naging bangungot ko noong mga nakaraan. "You have the power to annihilate everything." EVERYTHING. Halos paulit-ulit iyon sa loob ng isip ko. Hindi ko na kaya! Nagulat pa sina Crayon nang bigla na lang akong tumayo. "Pasensya na GrandMaester pero maaari po bang magpahinga na ako?" Halos pakiusap na sabi ko. Nagkatinginan pa sila

