Chapter 56- Control

2150 Words

Bernadette's Pov: Nangingiting sumabay ako sa mga kapwa estudyante ko palabas ng dormitory. Sariwa pa din sa akin ang nangyari kahapon. Ramdam na ramdam ko pa din ang malambot na labi n'ya sa labi ko. Nahihiyang tinampal ko ang pisngi ko. Shucks! Naiinitang pinaypayan ko ang sarili ko pero hindi iyon nakabawas sa nararamdaman kong init. "Hintayin mo naman kami!" Nagulat pa ako nang bigla na lang may humawak sa magkabilang braso ko. "Halos mahulog kami sa hagdan maabutan ka lang," hinihingal na sabi pa ni Donna. "Saka tinatawag ka namin ni hindi mo kami pinapansin," nakasimangot namang dagdag pa ni Venice. Napangiwi ako nang makita ang itsura nila. Mukha ngang napatakbo sila ng wala sa oras. "Pasensya na. May iniisip lang ako," palusot ko at agad na hinawakan ang mga braso nila.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD