Bernadette's Pov: Mabagal na naglalakad ako palabas ng cafeteria. Kakatapos lamang ng training ko at katulad dati ay late na din ako nag-lunch ngayon. Wala din akong kasabay kumain at iilan din lang ang mga nakasabay kong estudyante na kumain sa cafeteria. We're facing a crisis, tulad ng sabi ni GrandMaester. May tatlong araw na mula ng sabihin n'ya iyon. At mula noon ay ramdam ko na ang katotohanan sa sinabi n'ya. Halos lahat ng estudyante ay abala sa pagsasanay. Ni hindi ko na din makita ang pagiging makulit nila. Napalitan iyon ng kaseryosohan at kagustuhang makatulong sa oras na muling sumalakay ang mga Hollows. Kahit ako ay naging triple ang training. Hindi ko na nga lamang kasama ang kahit sinong estudyante maliban kay Sir Daecyll. S'ya na lamang ang tanging gumagabay at nagsasa

