Bernadette's Pov: Natapos ang mahabang litanya ng mga propesor ng wala akong naiintindihan. Masyadong malayo ang nilipad ng utak ko kaya kahit anong tungkol sa sinabi nila, walang pumasok sa isip ko. At kahit pa nga wala pang dalawang oras ang announcement ay wala talaga akong naipon sa isip ko. Maliban sa paulit-ulit na "Keep that in your mind" ni Sir Liu. Mabuti na nga lamang at hindi nakisali si GrandMaester ngayon kundi mapipilitan talaga akong makinig. "Hay salamat. Natapos din." Napatingin ako sa mga estudyanteng nasa likuran namin. Hindi ko maiwasang magkunot ng noo nang makita ang mga itsura nila. Mukhang hindi lamang ako ang hindi nakinig sa announcement ng mga propesor. "Ay... Tapos na?" Nagtataka pang umayos ng upo ang isang lalaking may magulong buhok. Pupungas- pungas pa

