Bernadette's Pov: Hindi ko alam kung gaano na ako katagal na tulog. Naramdaman ko na lang ang pamilyar na dampi ng hangin at ang malamig na sahig na tuluyang gumising sa akin. Dahan-dahan akong nagmulat ng mata na agad ko ding pinagsisihan. Kinalma ko muna ang loob ko bago muling nagmulat. Kadiliman. Walang hanggang kadiliman ang nakikita ko. Hindi ko na kailangang lokohin ang sarili ko na panaginip lang ang lahat ng ito. Nasa Libyn ako. Sa dungeon, sa pinaka-ilalim na parte ng kastilyo. Nag-iisa at sa lugar na ito, ako ang pinakamahina. Kabaliktaran ng katauhang meron ako at ng tadhanang ibinigay sa akin. Bumangon ako at muling sumiksik sa pader. Wala na ang mga nilalang na pilit na umaabot sa akin. Napatingala pa ako nang makitang may apoy na ulit ang ilawan na selda ko. Sapat na

