Raquel's Pov: "Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Nakakatakot na ang mga nangyayari." Napatingin ako kay Gladyz, isa s'ya sa mga naging kaibigan ko dito sa Saint Runes at ilang beses ko na din s'yang nakasama sa mga training. Hindi ko s'ya masisisi. Lahat naman kami ay iyon ang nararamdaman. Hindi nga lamang namin pinapakita iyon. Nangalumbaba ako as I watched every students passing by. Nandito kami sa library ngayon. Ito lang kasi ang lugar na kahit paano ay komportableng tambayan namin. Ipinagpaliban muna ni GrandMaester ang pagsasanay ng ilang araw para kahit paano ay makabawi kami sa pinsalang idinulot ng nakaraang pagsalakay ng mga Hollows. Maayos na naman ang ibang gusali sa Saint Runes pero hangga't maaari ay umiiwas ako sa mga bagay na makakapagpa-alala sa akin sa mga

