Queven's Pov: Mabilis na isinuot ko ang blazer ko at lumabas ng silid ko. Halos takbuhin ko din ang hagdan makababa lang sa unang palapag ng dorm namin. Nakapamulsang lumabas ako dormitory. Nakita ko pa ang muntik na pagkakadapa ng isang estudyante maka-iwas lang sa akin. Hindi ko sila masisisi dahil halos madamay ang lahat noong magwala ako matapos kong magising sa clinic kahapon. Pagkatapos ng nangyaring pag-atake ng mga Hollows. Isang araw din akong tulog lang doon. Dalawang araw na mula ng mangyari iyon. At dalawang araw na ding nasa Libyn si Bernadette. Napakuyom na naman ang mga kamao ko nang maalala kung paanong tinangay ni Zen si Bernadette. Nakuha n'yang tangayin si Bernadette. Sa mismong harap ko. I can't forgive him. No. I won't forgive him. And I'll make sure na pagbabaya

