Leigh's Pov: "Bestie sure ka? Mukhang walang planong umalis ang lalaking 'yan e" Muling sabi ng kaibigan kong si Aimee at inginuso si Seven na kasalukuyang nakikipag-usap kay Calyx. Habang nakaabrisete sa kanang braso n'ya ang manequin na si Glace. Literal na uminit na naman ang ulo ko sa tanawing nasa harap ko. Nandito kasi kami sa cafeteria at kasalukuyang hinihintay si Seven. Napag-utusan kasi ako ng isang propesor na dalhin sa office n'ya ang ilang reports tungkol sa nakaraang klase namin sa Chemistry. Kahit naman sobrang busy namin sa pagte-training ay nagagawa pa din naming mag-take ng mga normal subjects. Iyon nga lang, swerte na ang tatlong beses sa isang linggo. Muli akong napatingin sa hawak kong dalawang libro at may kakapalang bundle ng papel na naglalaman ng mga reports

