Bernadette's Pov: Pinigilan ko ang pagkawala ng hikbi ko nang tuluyan na akong higupin ng portal. Pero hindi ang mga luha ko. Hindi ko din itinago ang pait at sakit na nararamdaman ko. Sakit na tila unti-unting pumapatay sa akin. "We're here." Pinunasan ko ang luhaang mukha ko nang marinig si Zen. Hindi s'ya nagsalita mula pa kanina. Nanatiling blangko ang ekspresyon n'ya, maging ngayon na pinagmamasdan n'ya ako. Wala akong mabasa sa asul na mga mata n'ya. Para bang ibang tao na talaga s'ya. Hindi na s'ya ang Zen Zacharias na nakilala't nakasama ko. And I'm fool to believe that just once, nagustuhan n'ya ako. What he'd said noong nasa laro kami ng Glitz and Glamour, hindi iyon totoo nor infatuation katulad ng inisip ko. White lies. Ngayon ko lang naisip na baka sinadya n'ya ang lahat.

