Napahawak sa ulo si Paul habang kaharap niya ang ama ng mapapangasawa ng kanyang anak na si Erica. Mabigat ang sitwasyong kinaharap niya, lalo na’t nasa harap niya ang taong dapat sana’y magiging biyenan ng anak niya—si Henry Alagar. “Wala pa rin bang balita kung nasaan ang anak niyo?” tanong ni Henry, diretso, walang paligoy. “Don’t tell me you still have no contact with her. Naiintindihan niyo ba kung anong gulo ang ginawa niya? This is a huge scandal for our family. A very big one.” Nagbuntong-hininga si Paul, pilit na pinapakatatag ang sarili. “Henry… ginagawa namin ang lahat. Hindi rin namin alam bakit bigla siyang—” “Ran away? Yun ba ang tawag niyo doon?” mabilis na putol ni Henry. “Your daughter walked out on the wedding day. On the actual day. Do you have any idea how humiliatin

