CHAPTER FOURTEEN

1440 Words
Hingal na hingal na napaupo sina Erica at Casimiro sa loob ng sasakyan, kapwa kinakapos ng hininga matapos ang matinding init na kanilang pinagsaluhan..Ilang saglit silang nanatiling tahimik, walang gustong mauna, walang may lakas ng loob magsalita. Tanging tunog ng mabilis nilang paghinga ang maririnig mo.. Dumikit ang ulo ni Erica sa sandalan, ramdam pa rin ang panginginig ng tuhod niya. Mainit ang pisngi niya, at tila umiinit pa lalo ang loob ng kotse kahit malamig ang hangin mula sa air-con. Ramdam niya ang mabilis na t***k ng puso, parang ayaw kumalma. Pilit niyang inaayos ang sarili pero hindi pa rin niya malaman kung dapat ba siyang tumingin kay Casimiro o hindi. Si Casimiro naman ay nakasandal, nakapikit, parang pilit inaayos ang sarili na kanina lang ay nilamon ng pagnanasa. Ramdam pa rin niya ang init sa buong katawan at kahit gusto niyang magbukas ng bibig para magsalita ay hindi niya magawa. “Bakit tinakasan mo ang kasal mo?” tanong ni Casimiro. Napasinghap si Erica… Hindi niya inaasahan na iyon ang itatanong sa kanya ni Casimiro pagkatapos ng mainit na tagpo na namagitan sa kanilang dalawa…Ilang segundo muna siyang tumahimik bago muling hinarap ang lalakimm Kita niya ang seryosong tanong sa mga mata nito..Isang tanong na hindi na niya kayang takasan. “Bakit tumakas ka sa araw ng kasal mo?” ulit ni Casimiro.. Huminga ng malalim si Erica. “Hindi ko siya mahal,” sagot niyang halos pabulong. “Ayokong pinipilit ako sa isang bagay na hindi ko naman gusto.” Napakunot ang noo ni Casimiro. “Pero Erica, you could’ve talked to them. Bakit kailangan mong tumakas?” “Because I don’t want anyone dictating my life,” madiin niyang sagot. “Hindi ako papayag na mabuhay sa plano ng ibang tao. Gusto ko… I want to breathe, I want to choose, I want to be free. Hindi ko kayang ikasal sa isang taong hindi ko mahal, para lang masabi nilang obedient daughter ako.” “Alam mo bang buong buhay ko, Casimiro palagi na lang nila akong tinutulak kung saan nila ako gustong pumunta? What to wear, what to say, who to love, pati future ko, sila ang nagdesisyon. Hindi na ako makahinga. Para akong ibong nakakulong….Kaya ako umalis,” dugtong pa ni Erica, ngayon ay mas mahina ang tono. “Kasi kung nanatili ako sa amin, I would’ve lost myself. At ayokong mangyari ’yon. I’d rather run away than wake up one day realizing I’m living someone else’s life.” Tahimik na napatingin si Casimiro sa kanya, at sa unang pagkakataon, nakita niya ang lalim ng sugat na matagal nang tinatago ni Erica ng mga oras na iyon.. “Hindi ka ba nag-aalala para sa kanila? Baka nag-aalala sila ngayon sa’yo, kung ano nangyari,” tanong niya, halatang sinusubukang intindihin ang sitwasyon kahit medyo inis ang tono. Napataas ang balikat ni Erica, parang wala nang pakialam. “Siguro nag-aalala sila,” sagot niya. “Pero hindi dahil worried sila sa akin bilang anak.” Tumingin siya kay Casimiro, diretso at walang takot. “Kundi para ituloy ang kasal namin. Gusto nila akong mahanap para matuloy ang naudlot na kasal. Ganun lang naman kasimple ‘yon.” Napakunot ang noo ni Casimiro. “Bakit ganyan ka mag-isip? Mga magulang mo sila Erica kaya sigurado akong nag-aalala sila sayo.* “Because that’s the truth..Hindi mo sila kilala Casimiro,” mabilis na sagot ni Erica. “They’re not worried about me, they’re worried about the wedding. About the reputation. About what people will say.” Napatawa siya ng mapait. “Kung pwede nga lang nilang kaladkarin ako pabalik sa altar habang umiiyak ako, gagawin nila.” “You think so little of them?” tanong ni Casimiro, halatang nabibigla sa bitterness niya. “No,” sagot niya agad, umiling. “I don’t think little of them. I just finally learned to see things clearly. For once, I’m choosing myself. If that makes me rebellious, irresponsible, ungrateful….fine. At least… ako ito. Hindi yung puppet na gusto nilang gawin.” Huminga siya ng malalim, saka tumingin sa malayo.“Kaya kung nag-aalala man sila ngayon, it’s not for me. It’s for what I’m supposed to represent.” Tumango si Casimiro sa sinabi ni Erica.. “Ikaw Casimiro, pwede ka magkwento sa akin..Pwede kang mag-open… Lahat ng mga tinatanong mo ay sinasagot ko…Pagkatapos ng lahat ng nangyari sa atin, siguro naman pwede mo na akong pagkatiwalaan.” Napatingin si Casimiro sa kanya, kita ang bahagyang gulat. Tila hindi niya inasahan na tatanungin niya.. “Ang dami mo ng nalalaman tungkol sa akin. Mga bagay na ni minsan, hindi ko nasabi kahit kanino. Pero ikaw? Wala pa akong alam sa’yo.” Tumitig siya sa mga mata ni Casimiro, pero hindi rin lubos na kampante. “Hindi ko hinihingi lahat. Hindi ko hinihingi ang buong buhay mo pero kahit kaunti. Just something real. Para hindi ako naglalakad na bulag sa tabi mo.” “If I trusted you with my secrets, with my fears, you can trust me with yours too.” Tahimik si Casimiro. “I’m not asking you to bare your soul,” dagdag ni Erica, halos bulong. “Kung gusto mo ng kausap, nandito lang naman ako.” Huminga ng malalim si Casimiro. “Ano bang gusto mong malaman sa akin bukod sa may asawa ako?” tanong niya. Walang pag-alinlanga walang paligoy-ligoy... Natigilan si Erica. Parang may malamig na hangin na dumaan sa pagitan nila. Hindi siya agad nakasagot, parang natuyot ang lalamunan niya at pumikit ang utak. “What?” bulalas niya. Mabagal siyang napatingin ulit kay Casimiro, pero ngayon ay puno na ng pagkalito at hindi makapaniwala. “May… asawa ka na?” Kumunot ang noo niya, unti-unting sumisikip ang dibdib. “Casimiro…” napahawak siya sa sariling dibdib, hindi alam kung matatawa, o sisigaw. “Bakit hindi mo sinabi sa akin? Pagkatapos kong ibigay sa’yo ang sarili ko ng paulit-ulit sasabihin mo na may asawa ka?” “Bakit hindi mo sinabi sa akin na may asawa ka na?!” halos pasigaw na tanong ni Erica, nanginginig ang boses. “Paano kung bigla na lang siyang sumulpot dito at sinabunutan ako? Ginawa mo ba akong laruan, Casimiro? At nagawa mo pang saktan ang asawa mo—” “Wait,” pigil ng lalaki sa kanya.. Natigil siya. Hindi dahil wala siyang sasabihin, kundi dahil biglang napatingin si Casimiro sa kanya. “Erica…” malumanay pero mabigat ang tono ng lalaki. Pero hindi pa rin tumigil si Erica,.tuloy-tuloy ang buhos ng emosyon na kanina pa niya pinipigilan. “I trusted you with my body, with parts of myself I never gave anyone. Tapos ganito? You hid something that big from me? Para saan? For fun? For thrill? Para ba mas exciting kung may tinatago ka?” Humigpit ang hawak niya sa upuan, ramdam ang panginginig ng kanyang mga daliri. “Hindi ako laruan, Casimiro. Hindi ako side girl. Hindi ako secret adventure—” “At bakit mo iniisip na gano’n ang tingin ko sa’yo?” putol ni Casimiro, may halong lungkot at pagkapagod sa boses. Saglit na naputol ang sasabihin ni Erica at dahan-dahan siyang napatingin ulit sa lalaki. “May asawa na ako…” saglit siyang tumingin sa malayo, bago muling binalik ang tingin kay Erica. “Pero wala na siya.” Napasinghap si Erica, hindi niya inasahan ang kasunod. “Patay na ang asawa ko, Erica,” mahinahon pero basag ang boses ni Casimiro. “Ilang taon na ang nakalipas.” Nanlaki ang mga mata niya. “W… what?” bulong niya, hindi makapaniwala. Kasunod noon, agad kumabog ang dibdib niya—hindi dahil sa galit, kundi dahil sa biglaang pag-unawa na may mas malalim pang sugat si Casimiro kaysa sa inakala niya. Nagpatuloy ang lalaki, mabagal..Puno ng lungkot ang mga mata. “She’s not going to show up. She can’t hurt you, and she can’t be hurt by me. She’s gone.” Saglit siyang napapikit. “And I didn’t tell you because I don’t talk about her. To anyone.” Napatitig si Erica, hindi na galit, pero gimbal at halo-halong emosyon. “Casimiro…” bulong niya, halos hindi makahanap ng tamang salita. “Akala ko… alam mo ’yon…” “Akala mo buhay pa siya?” mahina pero may konting pait na tanong ni Casimiro. Tumango si Erica, halos hindi maramdaman ang sariling katawan. “Oo… I thought… I thought you were cheating on someone alive.” Natigilan si Casimiro, saka mahina ang tinig na nagpakawala ng katotohanang hindi niya matagal ng itinago. “No,” bulong niya. “The only person I betrayed was myself. By pretending I had no past.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD