Sinamahan nga siya ni Casimiro papunta sa sasakyan. Diretso lang naman ang daan kung saan siya nasiraan, pero ramdam ni Erica ang bigat ng bawat hakbang niya dahil maputik at masukal. Hindi siya sanay na ganito ang kanyang nilalakaran. Nahihirapan siyang maglakad. Ang lalaki ay malayo na sa kanya. “Casimiro… wait!” pigil niya rito. Binalikan siya ng lalaki. Nagulat pa siya nang bigla na lang siyang buhatin ng lalaki. Ramdam niya ang bigat niya sa braso ni Casimiro, at bigla siyang naiilang. Tinalo pa nito ang nagbuhat ng isang sakong bigas at isinampay sa balikat nito. “H—ha! Casimiro?!” napasinghap siya, halos hindi makapaniwala sa lakas nito. “Ano… hindi mo ako kailangan buhatin. Kaya ko naman,” ani niya pero tahimik lang ang lalaki. Walang ngiti. Direktso lang ang kilos, parang normal

