Magaan ang pakiramdam nang magising si Erika kinaumagahan, para bang nabunutan siya ng bigat na matagal na niyang dala. Ngunit agad ding naglaho ang kaunting katahimikan sa dibdib niya nang mapansing wala na si Casimiro sa tabi niya. Dahan-dahan siyang bumangon mula sa kama, mahigpit na ibinalot ang kumot sa katawan, at nag palinga-linga sa paligid. Tahimik ang silid, masyadong tahimik. Parang hindi mo iisiping may lalaki roong nakatira dahil halos walang gamit sa loob, malinis, simple, at medyo malamig ang dating. “Casimiro…?” mahinang tawag niya, pero wala siyang narinig na sagot. Napatingin siya sa pinto ng kwarto, tapos sa maliit na aparador sa gilid. Hindi niya alam kung dapat ba siyang maghanap ng damit nang walang paalam, pero wala siyang choice. Hindi naman siya pwedeng gumala s

