CHAPTER SEVENTEEN

1023 Words

“Kailangan kong bumili ng mga damit… ayoko namang damit mo ang lagi kong sinusuot,” wika ni Erica, sabay iwas ng tingin dahil alam niyang nakatitig na naman sa kanya si Casimiro. Kakatapos lang nilang kumain ng lunch. Lumakas na naman ang t***k ng puso niya. Mabilis at nakakainis. Hindi niya maintindihan kung bakit gano’n. Lalo na kapag si Casimiro ang nakatingin, para bang may magnet at nakakapaso. “Kaya mo bang magmaneho?” tanong nito, seryoso ang boses. Walang bahid ng biro. Walang kahit anong ngiti. At iyon ang lalo niyang kinainisan. “Bakit ganyan ka makatingin?” nasabi niya tuloy, kahit hindi niya intensyon. Pero hindi sumagot si Casimiro. Tinitigan lang siya ulit, ‘yong titig na parang may hinahanap sa mukha niya, tapos bigla nitong ibinalik ang tingin sa bintana. Nagtaas n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD