Sa isang mall dinala ni Casimiro si Erica. Suot pa rin niya ang damit ng lalaki, pero halatang hindi kanya. Medyo maluwag ang polo, naka-fold ang manggas, at kahit pilit niyang inaayos ang sarili sa salamin ng escalator, ramdam pa rin niya ang hiya. “Are you okay?” tanong ni Casimiro habang magkatabi silang nakatayo. Tahimik lang ito, pero nakapwesto siya sa gilid, parang sinisiguradong walang lalapit masyado kay Erica. “Oo,” sagot niya..“Medyo awkward lang. Suot ko pa rin damit mo.” Casimiro glanced at her, then away. “It’s fine. At least you’re comfortable.” Pagpasok nila sa department store, agad huminto si Casimiro at tumingin sa paligid. Parang instinct na sa kanya ang magbantay. Nasa likod lang siya ni Erica habang naglalakad ito sa aisle ng women’s clothing. “Pwede ka namang

