Kanina pa hindi mapakali si Erica sa loob ng bahay. Hindi siya mapakali, paikot-ikot lang siya sa sala. Hindi niya maalis sa isip ang narinig niya kanina.Hindi kasi alam ni Casimiro na nakikinig siya sa extension ng telepono habang kausap nito ang kapatid niyang si Drew. Hindi niya narinig ang buong usapan dahil nag-uusap na ang mga ito nang angatin niya ang telepono pero malinaw sa kanya ang isang bagay, na gusto nitong makipagkita sa Kuya Drew. “Bakit? Dahil pa sa ginawa ni Kuya?” bulong niya sa sarili. Gusto sana niyang magtanong. Gusto niyang pigilan ito. Pero nang bumaba siya ng sala kanina, wala na si Casimiro. Hindi man lang ito nagpaalam sa kanya. Mukha itong nagmamadali nang umalis. At ngayon… Kanina pa siya nakaupo sa sofa, hawak ang remote pero halos hindi naman siya nakating

