Mabigat ang amoy ng alak at usok sa loob ng bar. Tahimik ang sulok na mesa kung saan nagkaharap sina Drew at Casimiro. Parehong may baso sa harap pero wala ni isa ang umiinom sa kanilang dalawa na kapwa nagbabaga ang mga mata. Naunang nagsalita si Drew. “Anong kailangan mo sa akin?” malamig niyang tanong. “Natatakot ka na maagaw ni Jake ang kapatid ko sa’yo?” Bahagyang ngumiti si Casimiro, pero hindi umabot sa mata niya. “Ganyan ka na ba katakot ngayon, ha?” dugtong ni Drew. Naningkit ang mga mata ni Casimiro. “Hindi bale sayo na maipakasal si Erica sa lalaking hindi niya mahal,” sagot niya ng mababa ang boses, “para lamang pagtakpan ang kasinungalingan ninyo.” “Anong sinasabi mo?” tanong ni Drew. “Ang panloloko ninyo ni Thessa sa akin,” dugtong ni Casimiro. Sandaling tumahimik si

