Umalingawngaw ang ringtone sa tahimik na sala. Nakatingin si Thessa sa pangalan sa screen bago niya sinagot. Wala sa tabi niya ng mga oras na iyon si Drew dahil nasa trabaho ito… “Hello? What do you want?” Hindi agad nagsalita si Casimiro. Pero ramdam niya ang bigat ng hininga nito. “Nakita ko kung paano ka tratuhin ng pamilya ng pinili mo,” bungad nito, walang paligo-ligoy. “Is that the life you chose? Paano ang anak natin, Thessa? Hahayaan mo lang na ganun ang trato sa kanya?” Napapikit si Thessa. “Casimiro, hindi ito ang oras—” “Then when?” putol niya. “You left me. Sumama ka sa iba. Fine. Hindi ko matanggap pero tinanggap ko. Pero anak natin ang nadadamay.” “Hindi ko siya pinapabayaan,” sagot ni Thessa, pilit kalmado. “Mahal ni Drew ang anak natin na parang kanya.” “Talaga ba?” m

