Hindi ko maintindihan bakit big deal sa kaniya na makita ni Hennessy iyon. I know my friend, wala siyang gusto sa akin at kung mayroon man, hindi ba dapat hindi niya ako tinukso sa hickey ko? Mahilig kasing mag-assume itong si Agape. Sinubukan ko na hindi makasalubong man lang si Hennessy dahil sa hiya o ‘di kaya ay si Doc Robertson. Mas lalo ata akong nakaramdam ng hiya ng matapos kong matanto na kaya kaninang umaga sa elevator ay halos tumitig na sa akin si Doc Robertson! He must have seen the hickeys on my neck. Pagbaba ko sa lobby ng hospital, natanaw ko na agad sa labas ang sasakyan ni Agape. I immediately opened the shot gun seat at pinandilatan siya. “How could you do that to me, Agape?” I asked, fuming mad. At ang siraulo, tumawa lang at agad na pinaandar ang sasakyan niya

