"Sa Linggo, pupunta sila kuya at ang mga kaibigan niya sa El Fuego. Titingnan nila ang aming sakahan roon at mamamasyal na rin. Sinabi kong sasama tayo. Imbitahan mo si Jesyl," sabi ko kay Neri nang malaman ang lakad nila kuya sa weekend.
Usually, hindi naman ako sumasama sa mga lakad nila. Pero dahil nga kailangan kong ilakad si Jesyl kay Morris, this is a big opportunity for them to know each other.
"Alright, Maddy. Sasabihin ko sa kanya. Thank you talaga," aniya. Malaki ang ngiti.
Umirap ako.
"Treat mo ako ng lunch sa buong semester."
"Akala ko ba hindi ka namumulubi?"
"Wala kasi akong maisip na iba kaya 'yan na lang ang gawin mo. Makakatipid pa ako ng allowance."
"Tipid?" she asked like she doesn't know that word. "Alam mo pa la ang salitang 'yan? E, ang yaman yaman niyo! You're even richer than us. Kung makapagsalita 'to akala mo naghihirap."
Hindi ako nagsalita at inisip na lang kung ano ang gagawin para mapagkasundo sina Morris at Jesyl. But I think it wouldn't be hard considering that she has the looks and body. Kaya kung magpapakita siya ng motibo ay paniguradong agad na kakagat si Morris. Afterall, he's a womanizer. Papatulan niya iyon kaagad.
Kaya pagsapit ng Linggo, kalmado lang ako. I know Morris and his type. For sure, hindi siya makakatanggi kay Jesyl kaya hindi ko na kailangang mag-effort pa ng masyado sa paglalapit sa dalawa.
"Ang mga kaibigan mo, Maddy?" tanong ni kuya. Naghahanda na sa pag-alis. Kumpleto na silang lahat.
"Papunta na sila."
"Marami ba, Maddy? Naks, chicks na 'to," si Jonas.
"Si Neri lang at... uh, si Jesyl." Napatingin ako sa pagpasok nila Morris at Carson matapos ilagay ang mga dadalhing pagkain sa sasakyan. Uuwi rin naman kami mamayang hapon kaya hindi na kailangang magdala ng damit.
"Tumigil ka nga Jonas, puro pambabae 'yang iniisip mo. Magtino ka nga. Gayahin mo ako."
"Matino ka pala, Livius?" sabat ko. Tumawa si Kuya Markus.
"Harsh mo magsalita, Maddy. Huwag mo naman saktan ang damdamin ko, ouch."
Napatawa ako at napailing. Nang marinig ang pagbusina ng sasakyan sa labas ay lumabas ako at nakitang sila Neri ang dumating. Just like what I expected, she brought Jesyl na halatang excited.
"Oh my, thank you so much Maddy! I really owe you a lot," she said and smiled widely. Tipid akong ngumiti at iginiya na sila sa loob. Sinulyapan ko si Neri. She winked at me. Of course, this is what she wants.
"Hi, Neri!" si Kuya Markus. Inignora lang siya nito. Meanwhile, Jesyl greeted them all. I glanced at Morris. Nakaupo siya malapit sa sliding door ng sala. Isang beses lang niyang tiningnan si Jesyl. Ni hindi man lang bumati pabalik. My forehead creased.
"We're all done," si kuya. "Tumulak na tayo dahil medyo mahaba ang magiging biyahe natin papunta roon."
"I'm excited!" Jesyl exclaimed.
Muntik na akong mapairap.
"I think, mas mabuting hindi tayo magdala ng maraming sasakyan. We don't need that. It's just a waste of energy. Three would be enough to occupy us all," ani Kuya Sage.
"Yup. Para iwas na rin sa disgrasya," Carson agreed. Ganoon rin ang iba.
"Kaninong sasakyan?" si Kuya Markus.
"Kay Revo, Hitler at kay Morris."
"You're really good at deciding, Livius," Hitler said lazily.
"Fine. Kayo na ang bahala kung kanino kayo sasabay. Kayo, Maddy?" si kuya.
Neri looked at me. Isang tingin lang, alam ko na ang gusto niyang mangyari. Though it's a bad idea for me, it would help our plan. Kaya wala akong nagawa.
"Uh, kay Morris."
Livius smirked. Tiningnan ko si Morris. He's looking at me cockily. Nakataas ang isang kilay na para bang may kung anong iniisip.
"That's good!" si Jesyl.
"Kung ganoon, tayo na," si Kuya Sage.
Maingay sila at nagbibiruan nang palabas kami. Narinig kong si Livius, Jonas at Hitler ang magsasama. Si Carson, Kuya Sage at Kuya Markus naman sa sasakyan ni kuya. Mukhang wala namang nagtaka kung bakit mas pinili kong sumabay kay Morris kaysa sa kapatid. It's not a big deal, anyway. Ni hindi nga nagtanong sila kuya.
"Sa backseat kami ni Neri," sabi ko. "Si Jesyl sa shotgun seat."
Napakunot-noo si Morris.
"Sila na doon sa backseat. Ikaw dito," aniya at binuksan ang pintuan ng shotgun seat. I bit my lower lip to suppress my irritation. Didn't he heard what I said?
"Ah, sige na Maddy. Ikaw na d'yan. Doon kami ni Neri sa likod," si Jesyl na nakangiti. Napasimangot si Neri. Ako kasi ang gusto niyang makatabi.
I sighed and nodded once before I slid inside the car. Hindi na pinagbuksan ni Morris sila Jesyl at agad na umikot para makapasok sa driver seat. Nang makapasok na kaming lahat ay kaagad niyang pinatakbo ang sasakyan. Nakasunod kami kina Hitler habang sila kuya ay nasa unahan.
Himala at hindi sila nagdala ng mga babae sa lakad na 'to. O baka naman, may naghihintay sa kanila roon. Seeing them without women by their sides is quiet unusual.
"Maganda ba sa El Fuego, Morris?" Jesyl broke the silence, striking a conversation with him. I glanced at the rear view mirror. She's looking at Morris. Si Neri naman ay tahimik at naka-earphones habang gumagamit ng cellphone.
"Yup," he answered boredly. Tumingin siya sa akin. "Gusto mo ng music?"
"Nope. I prefer without it."
Muli siyang tumingin sa unahan. Kinuha ko na lang ang cellphone para libangin ang sarili. When I opened the messenger app, sunod-sunod ang pagtunog nito dahil sa pagpasok ng mga messages. I didn't mind it and just replied to some important chats.
"Ang rami mo namang kachat, Maddy. Rinig ko nanliligaw si Ericson sa'yo?" Jesyl asked, referring to the famous Captain of the soccer team.
"Nanliligaw?" Morris butt in. Napatingin ako sa kanya. He looked at me sharply.
"Hindi ganoon, Jesyl. He just asked me for a date one time. But he's not courting me."
"At nakipagdate ka?" he asked.
Ba't ba napunta sa akin ang usapan?
"Ikaw Morris, may dini-date ka ngayon? Do you have any girlfriend?"
"Wala."
Ibinalik ko ang tingin sa cellphone. Letting them have a conversation is a good start in building a connection. Kaya tumahimik lang ako habang patuloy sa pagtanong si Jesyl ng kung ano-ano kay Morris.
I received a message from Neri aftwerwards.
Neri:
Mukha siyang hindi interesado. Tingnan mo, parang walang ganang sumagot.
Ako:
Pansin ko nga rin. I thought he'll consider her. Akala ko nga hindi tayo mahihirapan. But he's not cooperating.
Neri:
What should we do? Lagot ako pag hindi sila nagkamabutihan. Maiinis ang bruha at baka hindi ako papasukin sa club. Maybe you could do something about Morris?
I snorted. I noticed Morris glanced at me. Ngunit hindi ko siya tiningnan. Jesyl continue talking to him about her passions. Pero tipid na tipid lang ang mga sagot nito.
Nagtipa ako ng ire-reply kay Neri.
Ako:
What do you mean?
Neri:
Baka naman puwede mong pakiusapan na pakisamahan ng maayos si Jesyl?
Ako:
Hell, no! Gawin mo kung gusto mo. We're not close, Neri. And I won't definitely plead to him just because of that.
I received a crying emoji from her. I didn't reply again and just spend my time browsing my social media accounts. Nagselfie ako at nag-update sa i********: at twitter. Hindi na uli ako kinausap ni Morris hanggang sa dumating kami sa El Fuego pagkatapos ng dalawang oras na biyahe.
Pagbaba sa sasakyan ay bumalandra ang ekta-ektaryang corn plantation. The air feels so fresh. Apat na taon na ang lumipas no'ng huli akong bumisita ngunit ganoon pa rin kasagana ang aming plantasyon. Naalala ko pa, tuwing summer bumibisita kami rito nila mama at nanatili ng ilang linggo. Pero ngayon, si kuya na lang ang tumitingin rito dahil abala si papa sa ibang mga negosyo.
In front of the wide plantation, there lies the old mansion of our grandmother. But despite its age, nananatili itong matayog na puwede pang tirhan sa mga susunod na henerasyon.
"Wow, ang ganda!" si Jesyl.
Neri hold my arm as she stared at the place. Mukhang namamangha rin. Ngayon pa kasi siya nakapunta rito. Sa kabilang banda, rinig kong nagsimula na namang mag-ingay ang mga lalaki na pinapangunahan ni Livius sa kadaldalan.
"Papasa kang magsasaka Jonas."
"Shut up Livius! Ang guwapo ko naman para maging magsasaka lang!"
"Guwapo? Saang banda? Sa talampakan?"
"Ulol ka!"
"At least guwapo!" Nasundan iyon ng tawanan at iba pang biruan.
"Revo, Markus, Sage, Maddy!" Nakangiting naglakad palapit Mang Lucio, ang head farmer namin. Mabuti naman at hindi pa niya ako nakakalimutan kahit matagal na no'ng huli akong bumisita.
"Mabuti naman at nakabisita kayo," anito.
"Magandang umaga po," saad ko. Ngumiti ang matanda sa akin. Binati rin siya ni kuya. Kalauna'y naging teknikal ang usapan tungkol sa estado ng plantasyon. I didn't give too much attention in it. Halata namang mabuti ang kalagayan nito.
"Ganda dito. Sarap ng fresh air," Neri whispered.
"So... palagi kayo rito?" si Jesyl na halos idikit na ang katawan kay Morris.
He was unmoved, though. Nasa unahan kasi namin sila kaya kitang-kita ko ang kanilang mga kilos. I snorted. Pabebe ang Morris na 'to. Umaayaw-ayaw pa kahit ang totoo, gusto naman na nilalandi siya.
"Nope. Minsan lang."
"Puwede mo ba akong i-tour?"
"Mamasyal rin naman tayo mamaya."
"Isang malanding cheerleader," bulong ulit ni Neri at ngumisi.
"Sinabi mo pa."
"Sa mansiyon ba kayo matutulog?" tanong ni Mang Lucio.
"Hindi po. Aalis rin kami mamayang hapon pagkatapos mamasyal," sagot ni kuya.
Matapos makipag-usap si kuya sa matanda ay tumulak na kami papasok sa mansiyon para makapagmeryenda. The house is still clean. Dati pa, may trabahante kami rito na regular na nililinisan ang bahay. Hanggang ngayon ay ganoon pa rin kahit minsan na lang kaming bumisita. Our grandmother loves the surrounding, kaya mas pinili nitong dito magtayo ng mansiyon malapit sa plantasyon.
"Saan ba tayo unang mamamasyal?" tanong ni Jesyl na pilit pa ring dumidikit kay Morris.
Nakaupo ako sa sofa, kumakain ng cupcake habang katabi si Neri.
"Iikutin muna natin ang plantasyon. I still need to check some things," si kuya.
"Hoy, Livius Martin! Huwag mong ubusin ang cupcakes!" si Jonas na natatawa. Sina Hitler ay Kuya Sage ay may kung anong teknikal na pinag-uuusapan kaya bahagyang lumayo.
"Ano'ng inuubos? Gago ka!"
Patuloy lang sila sa bangayan.
"Morris, subukan mo ang cupcake ko. Mas masarap," malanding saad ni Jesyl. Nasa tapat namin sila kaya hindi puwedeng hindi ko mapansin.
Ngunit imbes na tingnan ang babaeng katabi ay diretso ang mga mata niya sa akin. Bigla tuloy akong na-conscious sa pagnguya.
"I think Maddy's cupcake is sweeter..."
Marahas akong napalunok sa narinig. My lips parted a bit. Umangat ang sulok ng labi niya sa reaksiyon ko.
Kumunot ang noo ni Jesyl habang nakatingin sa amin. Naramdaman ko ang mahinang pagkurot ni Neri sa tagiliran ko dahil sa hindi pagsasalita kaagad.
Kaya nang makabawi ay tumikhim ako at pagak na tumawa.
"What are you talking about? Mine can't be sweeter. Pareho lang ang binilhan natin ng mga cupcakes. But try Jesyl's, I think you'll like her flavor."
He smirked.
Nag-iwas ako ng tingin.
"Oo nga Morris! Tikman mo na," ani Jesyl.
"No. I'm full."
"Sige na, kaunti lang. Masarap 'to."
"I don't like sweets."
"Hoy, ano 'yon?" tanong ni Neri nang makalabas uli kami sa mansiyon. We're heading to the plantation, as planned. Nasa likuran kami nila Jesyl at Morris. Sila kuya naman ay nasa unahan, maingay na naglalakad.
"What is it?" I whispered.
"Iyong cupcake chuchu kanina. Ang lagkit ng tingin sa'yo ni Morris, pansin ko. Huwag mo sabihing...hmm." Her eyes narrowed.
Nanlaki ang mga mata ko nang makuha ang ibig niyang sabihin.
"What the hell is that, Neri? Huwag ka ngang mag-isip ng ganyan."
Tumawa siya.
"Anyway, what should we do about them? He's unresponsive to Jesyl's moves. It's very obvious na gusto siya ng babae pero hindi naman siya sumasabay. Kung sumasagot man ay walang gana. Maybe it's better if you do something."
Napangiwi ako.
"Kung hindi siya interesado, wala na akong magagawa d'yan Neri. If she didn't reach his standards, then I can't force him."
She pouted. "Maddy naman, e."
Tumigil muna kami sa gilid at sumilong sa malaking puno nang may mga trabahanteng kinausap sila kuya. It's cloudy day. Kaya hindi masyadong masakit ang sinag ng araw sa balat dahil natatabunan ng mga ulap. Good thing I'm wearing an appropriate attire for the place. Isa pa, malamig at presko rin ang hangin kaya hindi ka makakaramdam ng init.
"Maddy!" Isang malakas na sigaw ang umagaw sa atensiyon ko.
Maneuvering a black stallion, I saw Serio with that familiar smile on his face.
Mabilis niyang pinatakbo ang kabayo palapit sa amin. Napangiti ako nang maalala siya. Anak siya ni Mang Lucio. He's a friend of mine back then. Sa tuwing bumibisita kami rito ay pinapasyal niya ako sa kabilang lupain. He's just two years older than me, as what I've remembered.
"Sino 'yan?" si Neri. "Guwapo, ah."
"Serio!" I waved.
"Long time no see," aniya nang makababa sa kabayo. Binati niya si kuya at ang dalawang pinsan ko. Saglit lang siyang tiningnan ng mga ito dahil sa masinsinang pakikipag-usap sa iilang magsasaka.
Meanwhile, the other boys are so noisy with their usual nonsense talk. Si Jesyl nama'y patuloy ang panlalandi kay Morris. I glanced at them once only to see his dark stare at me. Hindi ko 'yon natagalan at mabilis na ibinalik ang tingin kay Serio na nasa harap. Wala sa sarili kong sinuklian ang ngiti niya.
"Mas lalo kang gumanda, Maddy."
"Guwapo mo rin," I said. "By the way, si Neri. Kaibigan ko."
Naglahad ng kamay si Neri. "Hi, Serio."
"Nice to meet you," aniya.
"Sa Maynila ka nag-aaral?" tanong ko.
"Hindi. Sa Lucena. I'm pursuing Civil Engineering. Ikaw? Huhulaan ko, Culinary Arts?"
I smiled. He still remembered it. "Yup."
"Wow. Childhood sweethearts pala kayo? Ang cute! Bagay kayong dalawa!" singit ni Jesyl na halos ikairap ko.
Serio laughed awkwardly. Halata ang pagkailang sa narinig.
"We're not--"
"Hindi sila bagay," si Morris. Napatingin ako sa kanya. He just stared at me blankly.
"Bagay kaya sila."
I looked at Serio apologetically. Alam kong naiilang siya sa naririnig.
"We're just friends, Jesyl."
"Oh, ganoon ba." Peke siyang tumawa. "You look good together kasi kaya di ko napigilan. Sorry. But I know you'll make a good couple."
What the hell is she saying?
"We don't have plans for that."
"Chill," Neri whispered. Alam na alam niya kung kailan ako naiirita at nagpipigil ng inis. I sighed heavily.
"Anyway, gusto ko rin sanang sumakay ng kabayo. I've never tried riding one. Saan ka kumuha n'yan, Serio?" ani Jesyl.
"May kuwadra kami doon malapit sa bahay namin. Marami kaming mga kabayo. Kung gusto niyo, puwede kayong gumamit ng iilan."
"Oh! That's good!"
Nang bumalik sila kuya ay iminungkahi ni Jesyl na sumakay kami ng kabayo sa pamamasyal. Since Serio offered, they all agreed to the suggestion. Magandang ideya daw iyon para hindi kami mapagod sa paglalakad.
Wala namang problema dahil sa tingin ko marunong silang lahat na magpatakbo ng kabayo. Well, except for Jesyl and Neri. But we can do something about that. Puwede naman silang sumabay sa iba.
"I don't know how to handle a horse. Sabay ako sa'yo, Morris."
Nasa labas na kami ng kuwadra, nilalagyan ng gears ang mga kabayo.
"Jonas," he called. "Isabay mo siya."
"Pero sa'yo ko gustong sumabay."
Napabuntong-hininga ako. Ba't na todo ang pag-ayaw niya kay Jesyl? Kunwari good boy, gano'n? f**k him.
"Maddy, kanino ka sasabay?" Kuya Sage asked. I shook my head.
"I'm into equestrian when I'm in States, kuya. So, I can easily maneuver a horse. No need to worry about me."
"Paano ako? I don't know how to do it!" maktol ni Livius. Kuya Markus and Jonas laughed.
"Tangina mo, 'insan! Hintayin mo na lang kami dito!" si Carson.
"Kawawang Livius Martin!" kantyaw nila.
"What about me?" Neri asked me. Hindi rin kasi siya marunong. Sasabihin ko na sanang sa akin siya sasabay nang lumapit si Livius.
"Pasabay Maddy," he said and smiled.
"Pero..." Napatingin ako kay Neri.
"Markus!" he called.
"What?"
"Isakay mo itong si Neri. Ayokong magpaiwan 'no! Kaya sasabay ako kay Maddy."
"What, Livius?" Kunot noong tanong ni Morris. Si Jesyl naman ay nasa harap niya, patuloy pa rin sa pangumgumbinsi.
Tumikhim ako at ibinalik ang tingin kay Livius.
"Kung sa mga kaibigan mo kaya?"
"Sa tingin mo magpapasabay 'yan ng lalaki? Maddy naman! Mga gago 'yan, alam mo!"
Well, tama rin siya.
"Ikaw, Neri? Okay lang sa'yo?"
She rolled her eyes.
"Ako pa ba ang magpapaka-choosy?" aniya at nagmartsa papunta kay Kuya Markus na hindi umapila. Of course, kapag babae ang pag-uusapan hindi 'yon tumatanggi. Mabuti na lang at si Neri iyon kaya kampante ako.
"Hindi ka ba mahihirapan n'yan, Maddy?" Kuya asked. Sumampa na ako sa kabayo. Ganoon rin ang iba.
"Hindi naman."
"What, Revo? You're just letting her?" apila ni Morris. I looked at him sharply.
Nangengealam na naman.
Kuya smirked. "Yes. Why? Have a problem with that?"
"f**k you."
Hindi ko na lang sila pinakinggan at bumaba ang tingin kay Livius. Sinabihan ko siyang sumampa na kaya ganoon nga ang ginawa niya. Si Serio nama'y hindi na sumama dahil titingnan pa raw niya ang manggahan nila. Jesyl, until the end, failed to convince Morris. Wala na siyang nagawa pa kung hindi ang sumabay kay Jonas.
Hinawakan ko ang renda at naghanda na sa pagpapatakbo. Napasulyap ako kay Morris sa unahan. Mukha itong aburido.
"Puwede humawak, Maddy? Baka kasi mahulog ako. Sayang naman kung magkabangas ang guwapo kong mukha, di ba?"
"Dami mong satsat, Livius. Humawak ka sa baywang ko. Hawak lang ha. Huwag kang magkakamali dahil talagang ihuhulog kita."
He laughed and put his hands on my waist.
"Talagang hindi ako magkakamali, Maddy. Baka mapatay pa ako ng isa d'yan."
"Huh?"
Tumawa lang siya.
"Hinay-hinay sa paghawak, Livius kung mahal mo pa 'yang mga kamay mo!" sigaw ni kuya.
Nasundan iyon ng tawanan ng iba bago kami tumulak paalis doon. Morris glanced at us with a stormy eyes. Muntik nang ma-out of balance si Livius dahil sa biglang pagbitaw sa akin. At baka nahulog pa kung hindi ko lang siya nahawakan.
"Huwag ka namang manakot, Morris!"
"Hold to my waist again, Livius. Huwag kang bumitaw bigla dahil baka mahulog ka talaga," I told him instead of giving attention to what he just said.