"What?" tanong ko kay Neri nang kalabitin niya ako. Bahagyang lumayo si Kuya Markus sa amin. Ngayo'y may kausap ng mga babae.
"Hm, a handsome guy is watching you," she said and grinned. Ininguso niya ang isang direksiyon. I saw a man on the pool. Just like what she said, a handsome one. I smirked. Well... not bad for a sight.
"Guwapo 'no?"
Pinahawakan niya muna ang cocktail glass sa akin at nagtanggal ng sandals at umupo sa gilid ng pool. Hinayaang mabasa ng tubig ang mga paa. Ganoon rin ang ginawa ko at tumabi sa kanya.
"Yup. Your type?"
She took a sip on her cocktail. Ngumisi at umiling. "I just find him hot. Other than that, I don't have any plan on going out with him. I mean..." Ngumuso siya. "You know, 'yong parang may something na kulang."
Tumawa ako.
"Ikaw, ano'ng tipo mo? Um, the sporty? Like basketball players? Academic achievers? Nerdy type? Business-minded like sons of tycoons? Puwede ring in line sa career na gusto mo para mag-match kayo. Aspiring chef, perhaps?"
A question I don't know the answer. Kaya imbes na sumagot, nagkibit-balikat lang ako. I don't have the specific type. Ewan ko ba kung ano'ng problema sa'kin. Iyong parang naghahanap ka ng hindi mo alam.
"Wala ka ba talagang natipuhan doon kahit isa? I'm sure boys from the west are wilder and hotter. Didn't you try any of them?"
"Nope, I didn't." I twisted my lips.
"I go out with some of my classmates on parties and night outs, but I don't go on dates with random boys. Alam mo naman ang mga lalaki roon, katulad nila kuya. Girls to the left, girls to the right. Kahit sino, basta pasado sa taste, pinapatos. Kumbaga, mga fuckboys."
"Well..." She shrugged and laughed.
Dumating ang serbidorang inutusan ko at inabot ang isang baso ng pineapple juice. Nang kunin ko iyon ay nahagip ng tingin ko si sa malayong gilid si Morris. Ngayo'y tatlo na ang babaeng nakaaligid sa kanya. He's a bit far, but still I know his eyes are watching me.
I erased him in my mind. Ibinalik ko ang atensiyon kay Neri at uminom ng juice.
Siya namang paglangoy palapit sa amin ng dalawang lalaki. It's the one we're talking about earlier. Ang isa nama'y siguro kaibigan nito. Both of them are topless and looking so cool. Tumigil sila sa harap namin, nakangiti.
"Hi, I'm Jake." Inalahad ng lalaking nakatingin sa akin kanina ang kanyang kamay. Ganoon rin ang ginawa ng kanyang kasama kay Neri.
"Maddy," I said and reached for his hand. Mas lalo siyang ngumisi. I don't mind talking with boys. I'm a socially prominent person that's why I'm used to this. At alam ko naman kung kailan ko kailangang dumistansya. Isa pa, ito naman talaga ang pinunta ko dito.
To meet new people.
"Oh. Ikaw ang tinutukoy nilang kapatid ni Revo? No doubt, you're a Mongreco."
I smirked and comb my hair with my fingers. Inilapag ko sa gilid ang baso ng juice.
"Should I take that as a compliment?"
"That's definitely a compliment."
Meanwhile, Neri started talking with the guy named Baron. Kapagkuwa'y umahon si Jake at tinabihan ako bago niya ipinagpatuloy ang pakikipag-usap sa'kin. I noticed kuya's glance at us. Looking a bit alarmed.
"Kapatid ko 'yan, Abella!" he said loudly. May halong pagbabanta iyon. Napailing ako.
"Don't mind him," I said.
Mukhang hindi naman siya naapektuhan doon at tumawa lang. Kuya is not that strict, anyway. Pero alam kong kahit abala siya sa mga babaeng kausap ay napapansin niya pa rin ang mga kilos ko.
"It's a bit scary to hit you, no doubt the men here are hesitating to come near you. Dami mo kasing backer," aniya.
"Perks of being the only girl, I guess?"
Kahit noon, ramdam kong wala masyadong nakikipaglapit na lalaki sa akin. In this generation, girls at fifteen usually have many suitors. But back then, I only have few courageous suitors. Siguro ang rason, takot lang kay kuya at sa mga pinsan ko. Pero ngayo'y mukhang hindi naman sila mangengealam kung hindi alanganin ang sitwasyon ko. I'm also on the legal age. I can decide on my own.
"Hoy, Jake! Ano 'yan?" si Kuya Markus na nawala ang atensiyon sa mga kausap.
"Nakikipag-usap lang! I'm harmless, dude!"
"Naku, siguraduhin mo 'yan!"
Tumawa lang ito at muling bumaling sa akin. We talked about some things. Nilingon ko saglit si Neri ngunit mukhang masaya itong nakikipag-usap kay Baron kaya inabala ko na lang ang sarili sa mga tanong ni Jake.
"So, plano mo pa lang maging chef. That's a good career. Magiging isang ideal wife ka pala kapag nagkataon."
I chuckled.
"Hmm... I think so?"
Maya-maya ay nagpaalam ako sa kanila na pupunta saglit sa comfort room. Neri seems enjoying her conversation with the guy, kaya tumango lang at hindi na ako tiningnan.
Bago pumunta sa banyo ay dumaan muna ako sa kitchen para uminom ng tubig. May kasambahay na nagtanong kung ano'ng kailangan ko, but I insisted that I can get some water on my own. May kasamahan siyang dumating at sinabing pinsan ako ni Kuya Markus kaya hinayaan na lang akong mag-isa. Maybe she's new that's why she don't know me, o baka naman nakalimutan lang talaga ako.
I can't blame them, though. Ilang taon na rin kasi ang lumipas.
Tahimik akong nagsalin ng tubig sa isang baso mula sa pitsel nang may pumasok sa kusina. Nag-angat ako ng tingin.
I saw Morris.
For a while, our gaze met. Nailang ako sa di matukoy na rason. Maybe because of how I treated him differently back then. I admit, it was childish.
I cleared my throat and looked down on the glass I'm filling with water. I was about to put down the pitcher when he get it from my hand. Nagsalin siya sa sariling baso. Bahagya akong napaatras dahil sa lapit namin.
"Jake is a playboy. He can't be trusted."
I glanced at him. Inalapag niya ang pitsel pagkatapos magsalin ng tubig.
"Obvious naman," tipid kong sagot. He's at it again. Pero kumpara noon, ginagawan ko na siya ng rason sa pangengealam niya sa buhay ko. Maybe, he really cares for me as a sister. Afterall, I've already known them for a decade now. Siguro gusto lang niyang mapabuti ako kaya ganoon.
Pero hindi ko pa rin mapigilang mairita. I'm just suppressing it. Dahil as much as possible, ayaw kong mas lalong mainis pa sa kanya. Because if I'll continue to see his intentions negatively, I'll just feed my hatred for him.
"Don't get closer to him," madiin niyang saad habang umiinom ako ng tubig. I put down my glass and smiled cockily.
"Don't worry too much, Morris. I can handle myself. Hindi mo kailangang mag-alala. I'm just having some fun time with him. He's a smooth talker."
His brow shot up. Pinasadahan ako ng tingin.
"And look at what you're wearing..." I shivered with the way he looked at me. "Such a skimpy dress. Kaya halos mabali na ang mga leeg ng lalaki do'n sa kakalingon sa'yo."
I laughed a bit, trying to hide my irritation.
"It's not about the dress, Morris. Maybe they just find me beautiful. I can't see any wrong with that. Normal lang sa mga lalaki 'yan."
He sighed. Imbes na pahabain pa ang usapan ay kaagad ko siyang iniwan doon. Hindi nga pinuna nila kuya ang damit ko, tapos siya na hindi ko naman kaano-ano, nangengealam. I want to be civil to him. But if he'll continue to act like that, I'll hate him more, for sure.
He still have the air that I hate. I don't want to put fuel on that feeling out of respect to his friendship with my brother and cousins. Kaya sa mga sumunod na pagkakataon, pasimple ko na lang siyang iniiwasan.
Pero ang pag-iwas ay nauwi lang sa wala. It all started with my best friend, it was very clear on my memory.
Napahinto ako sa pagkain ng fries nang dumating si Neri. Mukhang aburido, inilapag niya ang mga gamit sa lamesa bago umupo sa tapat ko. Ganitong maagang natatapos ang klase ay ako ang naghihintay sa kanya sa cafeteria ng university. Magkaiba kasi kami ng course. I'm on culinary while she's pursuing fine arts.
She sighed heavily.
"Ano'ng nangyari sa'yo? Para kang lantang gulay. You should eat."
"Kainis si Professor Minchin. Pinag-initan na naman ako. Sus, sarap patalsikin!" aniya at kumuha ng fries.
Tumawa ako.
"Chill, Neri. Masyado kang aburido d'yan."
"Hi Maddy, Neri!" Pareho kaming napatingin kay Peter at Shawn. Kabatchmates namin na classmates rin noong high school. I waved at them. Pekeng ngumiti si Neri.
"Your smile is obviously fake."
Muli siyang sumubo ng fries. "Ano naman ngayon? They don't know, anyway. Ikaw lang ang nakakahalata kaya okay lang."
"Ewan ko sa'yo."
Sa gitna ng pag-uusap ay nahagip ng mga mata ko ang pagpasok ni Beatrice Vasquez. She's from the higher batch. A daughter of a famous socialite. I've seen her in some social gatherings for the past months. Nasa fashion industry ang pamilya nila dahil nagmamay-ari ng clothing company.
Tumaas ang kilay ko nang makita siyang nakikipagtawanan sa mga kasama.
Her classy appeal doesn't compliment her personality. She's aggressive when it comes to men. I've seen her try so hard to flirt with my brother and his friends. Ilang beses na rin niyang sinubukang makipaglapit sa akin para mapalapit lang kina kuya.
Bitches nowadays.
I heard Neri chuckled. Ibinalik ko sa kanya ang tingin. Looking at fake person makes my eyes sore. That's unhealthy.
"Nakita mo lang si Beatrice, sumimangot ka na. Gigil lang?"
"Sinabi mo pa. Malandi kasi."
"Hi, Maddy!" Beatrice waved at me like we're close friends. Sa kabilang mesa sila ng mga kasama kaya kitang-kita ko. I smiled fakely. Kung peke-an lang ang pag-uusapan ay may panlaban naman ako.
Tinawanan lang ako ni Neri.
For the following days and weeks, pareho kaming mas naging busy sa eskwela. Kapag patapos na kasi ang semester ay medyo hectic ang schedule. Maraming deadlines na hinahabol. Lumuwag lang nang matapos ang final examination.
"Here you go! It's done, 'ma!" I smiled to her as I showed the cake that I baked. Masaya ako dahil mukhang maganda ang naging resulta. Kaagad siyang lumapit.
"Oh, you've made a job well done."
"Maupo na muna kayo d'yan. I'll just get a plate for you."
Inilapag ko ang cake sa hapag at kumuha ng dalawang platito. I sliced a piece of it. Nilagyan ko ang sa kanya pagkatapos ay ang akin. Ipapatikim ko sana kina papa at kuya pero busy sila. Siguro mamaya na lang. Nasa trabaho pa kasi si papa. While kuya, maybe he's busy tutoring that Desire Fontana.
As what I've heard, he's investigating Tito Theo's death through that girl. Kahit ayaw ni mama ay na siya mismo ang gumawa no'n ay nagpumilit siya kaya wala na rin lang kaming nagawa. He's hardheaded.
"Does it taste good?" I asked.
"Excellent, hija."
I smiled with her remark. I tasted it and it's true. Talagang masarap nga. Well, it's not that I doubt my skills. Minsan lang kasi akong magbake. I'm not into pastry. Pero unti-unti, nagugustuhan ko na rin ito.
"Si dad, ano'ng oras uuwi? Gusto ko rin po siyang patikimin nito."
"Maybe seven or eight. It depends," aniya at sumubo. I smiled. Ititira ko na lang ang iba para kina kuya.
Nang mapadaan si Agnes ay tinawag ko siya. Shyly, she walked towards us.
"Ano ho 'yon?"
"Dali Agnes, tikman mo ang cake ko. I want to hear a feedback from you."
Ako na mismo ang kumuha ng platito niya. Ako na rin ang naglagay ng cake doon dahil mukhang nahihiya talaga siya at mas lalong nailang dahil nandito si mama.
"You can also bake for the children in the orphanage, hija. Siguradong magugustuhan nila ito lalo na't ikaw mismo ang gumawa."
Ibinigay ko kay Agnes ang platito. She's obviously hesitating in getting it. Ngunit sa huli'y wala siyang nagawa kung hindi kunin 'yon. I smiled to her.
"Sige, 'ma. Maybe sa susunod nating bisita doon. I'll bring some for them."
Kaya ganoon nga ang nangyari. Though it was a bit tiring to bake multiple of cakes, at the end, my effort was still worth it when I saw the smiles on the children's faces. They looked satisfied and genuinely happy. Kaya kahit mapagod ay okay lang. I love watching their happy expressions.
Siguro, talagang namana ko kay mama ang hilig ko sa mga bata. Especially orphans. Gusto ko kasing magdala ng saya sa kanila. Because I know, having a life without parents is not easy. At least, I'm doing something to make them feel better. And I won't get tired inspiring them as much as I could.
"Slow down, Kitty. Hinay-hinay lang at baka mabulunan ka," sabi ko sa limang taong gulang na batang babae.
Bago pa lang siya dito kaya medyo mahiyain pa. She's not socializing with other children, too. Kaya sa tuwing gumagawi kami rito sa nakalipas na mga Sabado, siya ang mas pinagtutuonan ko ng atensiyon. I want her to adjust to the place and start playing with other kids.
"Gusto mo pa, Kitty?" I asked her when she finished eating the piece of cake on her plate. Nahihiya siyang umiling. May mga bahid ng icing ang kanyang pisngi na pinunasan ko gamit ang sariling panyo. She looks so cute and adorable.
I gave her a glass of water. Habang umiinom siya ay mapatingin ako sa isa pang bata nang kalabitin ako nito. It's Andrei. Magiliw itong nakangiti sa akin. He's done eating his cake. Ang iba nama'y kumakain pa. Mama is busy talking with Sister Ana.
"Hmm, yes baby?"
"Ang sarap ng cake mo, Ate Ganda."
"Talaga?" My smile widened. Ginulo ko ang buhok niya. Such a handsome kid.
"Opo."
"Hello kids! Yuhoo!" Napatingin kami sa mga bagong dating.
It's Kuya Markus, Jonas, Livius and Morris. May mga dala silang pasalubong para sa mga bata. The children yelled in happiness. Usually, silang lahat na magkakaibigan ang pumupunta rin dito. Kaso minsan na lang dahil abala sa kanya kanyang buhay. Kuya Revo is not around. Aside from being busy in the company, he's also busy in his personal affairs.
"Hi Kuya Markus, Kuya Jonas, Kuya Livius at Kuya Morris! Dinalhan kami ni Tita Helena at Ate Ganda ng cake! Sobrang sarap po!" ani Andrei. Napangiti ako.
"Ikaw ang nagbake, Maddy?" tanong ni Livius.
"Yup." Saglit na napadako ang tingin ko kay Morris ngunit agad ring iniwas.
"Sana nagtira ka rin ng para sa amin. Maddy naman. Bias ka."
"Next time, Livius. Sapat lang kasi para sa mga bata ang ginawa ko." I smiled. Pansin ko ang pagtaas ng kilay ni Morris. Sila Jonas at Kuya Markus ay inilagay ang mga dalang pagkain sa mesa. Tinulungan naman sila ng mga Madre.
Morris walked closer. Akala ko, ako ang lalapitan niya. Ngunit kalauna'y napagtanto kong si Andrei pala. He stopped in front of me. Bumaba ang tingin sa batang nasa gilid ko. He disheveled the boy's hair.
"Hi, big boy."
"Ang guwapo niyo po, kuya. Bagay kayo ni Ate Ganda," anito.
Morris chuckled. Napatikhim ako, bahagyang nailang sa sinabi ni Andrei. Ang tabil talaga ng dila nito. Kung ano-ano ang pinagsasabi.
"Talaga?" Morris glanced at me, smirking.
I looked at him sharply. Talagang pinatulan pa ang sinabi ng bata.
The innocent child nodded. Tumawa si Morris. Napailing-iling ako at dinaluhan na lang ang iba pang mga bata imbes na tumayo roon at panoorin silang nag-uusap.
"Kitty, upo ka rito," inilahad ko ang isang upuan sa kanya.
Ang ibang mga bata'y sinimulan ng kantahin ang bagong kantang itinuro sa kanila ng mga madre. Mama is smiling while watching the children sing. Hindi ko rin napigilang ngumiti. It seems like they're determined to amaze us. This sight is so damn heart melting.
"I thought Kuya Sage will come?" I asked Jonas. Siya lang kasi ang malapit sa akin.
"May gagawin daw," he said and shrugged.
Itinikom ko ang bibig. Hindi na nag-usisa pa at pinanood na lang ang mga batang magiliw na kumakanta.
It was a long day for me. Pagkatapos nilang kumanta at nag-story telling ay sinamahan ko sila sa paglalaro sa labas. Kitty was just beside me the whole time. Ayaw pa rin kasi niyang makihalubilo. Naunang umalis sila Kuya Markus. Hapon na nang umuwi kami ni mama ngunit sulit naman ang buong araw ko dahil sa mga batang napasaya.
"Sabay tayo maglunch, Maddy," yaya ni Gary pagkatapos ng klase. He's my blockmate.
"Pasensiya ka na, may kasabay na kasi ako," agad kong tanggi.
I smiled to him curtly before walking out from the laboratory. Pagkalabas ko ay bumungad sa akin ang mukha ni Neri. She's talking with someone. Nang makita ay agad niyang iniwan ang kausap na lalaki para lumapit sa akin.
"Sino 'yon?" usisa ko. Sabay kaming naglakad sa pasilyo ng building.
"Si Benjamin. Bakit, type mo?"
"Hindi. Tinatanong ko lang. Kung sino-sino kasi ang mga lalaking kinakalantarya mo."
"Kikalantarya? Wala kaya. I'm not even dating anyone, Maddy. Don't use that term. Kasalanan ko ba kung maganda ako at lapitin ng mga lalaki?" She laughed.
"Well..." Nagkibit-balikat ako.
"By the way, I have a favor to ask."
"What is it?"
May iilang bumati sa amin paglabas ng building kaya hindi siya nakasagot agad.
"It's about Morris."
Natigilan ako at napatingin sa kanya.
"What about him?" Tumaas ang kilay ko at matalim siyang tiningnan.
"Huwag mong sabihing may gusto na sa kanya ngayon?"
Tumawa siya at umiling. "No way."
"Ano nga?"
"Gusto kong ilakad mo si Jesyl kay Morris."
"Jesyl Rivera? The cheerleader?"
She nodded.
"I really want to enter Arts Club. Pero dahil puno na, nagspecial request ako sa kanya since she's the club's president. But I should do this in exchange. That b***h likes Morris. So please, Maddy. Tulungan mo ako. Ikaw lang naman ang madaling makalapit do'n dahil kaibigan siya ng kuya at mga pinsan mo. You can easily ask him."
"No, Neri. I won't gonna do that--"
"Maddy, please?" She hold my hands and look at me with pleading eyes.
But no way! Ayaw ko ngang mapalapit sa lalaking do'n tapos ilalakad ko ang isang babae sa kanya? That means I need to talk with him more! And I don't like that!
"Neri, hindi 'yan puwede. Alam mo'ng sa lahat ng mga kaibigan ni kuya siya ang pinakaayaw ko. Pakiusapan mo na lang ang coordinator."
"I already did that. Pero ayaw talaga. Puno na daw kasi. I even let her see my works! Pero di gumana! That professor hates me. Kaya last resort ko si Jesyl."
Bumuntong-hininga ako at nagpatuloy sa paglalakad.
"Sige na, Maddy. Lahat gagawin ko para sa'yo. Sa club kasi sila kukuha ng representative sa competition next month. You know it's always been my dream to show my passion in arts."
Hindi ako nagsalita.
"Gusto kong ipakita kay daddy na hindi ako nagkamali sa pagsunod sa yapak ni mommy. Gusto kong ako ang mapili. I want to show him that I'm born for this. Na may maibubuga ako sa larangan na pinili."
Tumigil ako at pumikit ng mariin. I know she's striving so hard to earn her father's trust. Kaya nahihirapan akong tanggihan siya.
"Maddy, please? Sagot ko ang lunch mo for the whole month." She smiled.
"Mukha ba akong pulubi, Neri?"
"Hindi naman sa gano'n. Ano ba'ng gusto mo? Wala kasi akong maisip na compensation."
"Tss. Whatever, Neri. Susubukan ko. Pero susubukan ko lang ha. Hindi pa ako sure na kaya ko nga. Ihanda mo 'yang si Jesyl kung 'yan talaga ang gusto niya. Let's see what I can do with it."
She grinned and hugged me. "Thank you!"