Chapter 4

3074 Words
Magkakasunod na katok ang umagaw sa atensiyon ko. Tamad akong bumangon sa pagkakahiga nang marinig ang boses ng isang kasambahay. "Miss Maddy, pinapababa na po kayo ni sir Morris. Handa na ang hapunan," aniya. Napangiwi ako, ayaw lumabas ng kuwarto pagkatapos ng nangyari kanina. Naiinis pa rin ako. Naiirita kay Morris. Kung hindi sana siya nagdadala ng kung sinu-sinong babae ay hindi sana mangyayari iyon. But who am I to decide, anyway? Nakikitira lang naman ako. Pero kahit na. He should have picked girls who have better etiquettes. "Sabihin mo, mamaya na ako kakain." Wala naman sila Tita Laura kaya okay lang na hindi sumabay. She's busy with her husband on some business stuffs. The maid didn't insist and just go back downstairs. Wala akong ganang kumain. Masakit pa rin ang anit ko hanggang ngayon. Damn that girl. Sana talaga hindi na siya pumunta dito. Dahil kung babalik pa siya ay hindi na sprinkler ang ipangliligo ko sa kanya kundi hose na talaga. Kainis. I jumped out of my bed. Pumunta ako sa harap ng tukador. Umupo at mas piniling ayusan ang sarili. I combed my hair silently while looking at my reflection. Kung bakit ba kasi kailangan pa akong tumira sa mansiyong ito. I could have stayed on my cousins' house. Hindi na nga ako nakakalabas, tapos wala pa akong mabuting nakikita sa lahat. I'm so bored. Gusto kong makipagkita sa mga kaibigan pero ayaw naman akong payagan ni kuya. Bata pa daw ako at ayaw baka mapahamak. Kid? I'm fifteen! I even look older than my age because of my height! Malapit na rin akong magsixteen kaya hindi ko maintindihan kung bakit kailangan kong magkulong rito. I reasoned out to our mother, but she just said that I should follow kuya's order. Siya daw kasi ang mas nakakatanda. Age discrimination again. Inis kong nilingon ang pintuan nang marinig ang pagbukas nito. Sisinghalan ko na sana dahil akala ko'y kasambahay, pero hindi pala. My eyes narrowed looking at Morris holding a tray of food. Padabog kong inilapag ang suklay sa tukador at tumayo para harapin siya. I crossed my arms. Inilagay niya ang pagkain sa bedside table. Sinundan ko ng tingin ang bawat kilos niya. "Bakit ka nandito?" "I brought your food. Ayaw mo kasing sumabay sa amin kaya dinala ko na dito." Iritado akong umupo sa kama. He stayed standing. He crouched his head a bit, enough to look at me. "Hindi ka na sana nag-abala. Bababa rin naman ako mamaya. I'm still not hungry. Maybe you're just doing this because you're guilty of your girlfriend's rude action. Saan mo ba 'yon napulot? Asal-kalye. Such a bad taste." "She's not my girlfriend, Maddy," he said firmly. I rolled my eyes. "What is she, then? Your f**k buddy?" His lips parted. Nabigla sa sinabi ko. "What the f**k, Madeline? You shouldn't use such words like that! Saan mo ba natutunan ang mga salitang 'yan?!" "Don't act like a saint, Morris. Sa tingin mo ba, bulag at bingi ako sa mga pinag-uusapan at pinaggagagawa niyo ng mga kaibigan mo? I maybe younger than you, but I'm not that naive when it comes to those things." His eyes became darker. Napahilot sa sentido at mukhang problemado. "Don't talk like that again. It's inappropriate for your age." "Oh, shut it. I'm in a democratic country, I can say what I want to say. I can be vulgar when I want to. Don't act like I'm Cheska. We're different. At ikaw, stop acting like you're my brother." "I just want you to act appropriately." "Kung makapagsalita, akala mo kung sinong mabait. Stop bullshitting me. Just manage your girls, well. Baka sa susunod, hindi lang sabunot ang makuha ko. I don't like your type. Aggressive. Delikado at warfreak." "I don't have girls. Sa mga kaibigan ko ang mga babaeng 'yon," he said, seems like convincing me. "Don't sugarcoat your actions. Kilala na kita. You're a playboy just like your friends. Imposibleng wala kang sa'yo sa rami ng babaeng dinadala niyo." He smirked and shook his head. "Let's stop talking about this nonsense. Kumain ka na. Eat more so you could grow fast, Maddy." Umirap ako at itinikom ang bibig. Sinundan ko na lang ng tingin ang kanyang paglabas sa kuwarto. I just sighed and decided to eat the food he brought for me. Sa sumunod na linggo ay ibang mga babae naman ang dinala nila sa mansiyon. Like the usual, they are on the pool area, enjoying themselves. Nalalanghap ko ang niluluto nilang barbecue ngunit hindi ako nag-abalang makisama. Obviously, I'm out of their league. Bukod sa mas bata ng ilang taon, hindi ko rin kavibes ang mga babae nila. Maybe it's because of the age gap, or maybe I just really don't like their attitudes at all. "Nagluto kami Maddy. Punta ka roon, you'll enjoy," saad ni Livius nang madatnan ako sa kusina, umiinom ng juice. He's holding a barbecue. Sumandal ako sa sink at pinanood siya habang nagsasalin ng tubig. "Huwag na. Baka awayin pa ako ulit ng mga babae niyo. Your girls are aggressive. Masyadong nakakainis." Tumawa siya at lumapit sa akin. "Pakihawak ako saglit. May kukunin kasi ako sa fridge." Inabot niya sa akin ang barbecue na hindi pa nakakagatan. A playful smile plastered on my face as I grabbed it. Habang may hinahalukay siya sa fridge ay kinagatan ko ang barbecue. Kanina pa ako gustong manghingi sa kanila kaso nangingibabaw ang pride ko. And since he gave me an opportunity to taste it, I want to satisfy myself. "What the--" Napatawa ako sa reaksiyon niya nang makitang ngumunguya ako. His lips are half-open, natuod sa kinatatayuan na para bang isang malaking kasalanan ang ginawa ko. I just smiled cutely and gave him a peace sign. "Sorry, ang bango kasi." "Maddy naman, e! Akin kasi 'yan!" Inilapag niya ang nga canned softdrinks sa mesa at lumapit sa akin. Mukhang may planong agawin ang barbecue. I laughed with his reaction. "Marami naman kayong niluto! Akin na lang 'to. I'm hungry, don't you pity me? Huwag mo akong aawayin. Isusumbong kita kay kuya." "Paborito ko kasi 'yan! Akin na, Maddy!" Itinaas ko ang stick at iwinagayway kahit alam kong maaabot pa rin niya iyon dahil mas matangkad siya sa akin. "C'mon, Livius. Bakit ba big deal sa'yo ang barbecue na 'to? Maraming iba do'n. Akin na lang ang isang 'to, please?" I pouted. "Kinuha na nila lahat. Paniguradong di na nila ako bibigyan. Pero kung ikaw ang manghihingi, they would give you for sure. Kaya akin na, Maddy." "Ayokong pumunta roon. Kaya di mo ito maaagaw." I chuckled. "Gotcha!" He laughed when he captured my wrist. Sumimangot ako. "Nakagatan ko na. Huwag mo ng agawin. You're like a patay-gutom." Pumiksi ako sa paghawak niya, walang balak ipaagaw ang barbecue. "Aw!" Natigil ako nang mapansing nasugatan ako ang pisngi niya. For sure it was hit by the stick's sharp edge. "Oh my... sorry!" agap ko at tumingkayad para makita ang sugat niya. Galos lang naman ito at bahagyang dumugo. Nakagat ko ang ibabang labi. Now, I feel guilty for playing around. Nagkasala tuloy ako. "f**k! Nasugatan ang guwapo kong mukha!" "Sorry," I smiled. "Ikaw naman kasi, kung bakit hindi mo ma lang ibinigay sa akin ang barbecue. You're too childish that's why you got hit. You're at fault too." Hinawakan ko ang panga niya para masuri ang sugat. I was about to step back when I saw Morris entered the kitchen. "What the f**k Livius?!" His voice thundered. Napasandal ulit ako sa sink. Si Livius nama'y napaharap sa kanya, hawak-hawak ang pisngi na para bang napakabig deal para sa kanya ang magkasugat. "Sinugatan ako ni Maddy. Damn, my face is ruined!" "Don't overreact, Livius. Maliit lang naman," I said and continue eating the barbecue. Nagpalipat-lipat ang tingin sa amin ni Morris. Mukhang iritado sa hindi ko malamang rason. "Ano ba kasi ang ginagawa niyo? Huh?" I can sense a hint of accusation on his voice. Matalim niyang tiningnan si Livius. I just stayed standing, watching them two. "Wala akong ginagawa, Morris. Inagaw ni Maddy ang barbecue ko kaya sinubukan kong kunin. And look what happened!" I laughed while chewing. "I already apologized! Stop acting like a gay, Livius. Kaunti lang 'yan, guwapo ka pa rin naman. So, don't worry." Morris looked at me sharply. Agad nawala ang ngisi ko. Pinagtaasan ko siya ng kilay. "Lumabas ka na nga Livius bago pa kita masapak diyan sa kaartehan mo!" "Kaartehan? f**k you!" sigaw nito bago naglakad palabas ng kusina. Aalis na rin sana ako doon nang maglakad palapit si Morris. Umayos ako sa pagtayo, para bang natatakot na may mapuna siyang kahit ano sa akin. He stopped a few inches away from me, blocking my sight with his built. Matangkad siya, katamtaman lang ang laki ng pangangatawan. But I admit, aside from his friends, he looks more mature than the boys on his age. Maybe because of his built and height. Maybe because of the way he moves, which is like a full grown man. And that gap between us intimidates me more for some reason I can't fathom. "Ano ba? Alis nga at dadaan ako!" "Bakit kailangan mo pang agawin ang barbecue ni Livius? Puwede ka namang pumunta roon at manghingi sa amin kung gusto mo." Itinulak ko siya pero imbes na umalis ay itinukod niya ang dalawang kamay sa sink. Locking me with his arms. "Are you crazy? Ayaw ko doon? I hate your girls! Baka mamaya pagkamalan na naman akong katulong at masabunutan!" "You should have called me instead! Hindi kung kani-kanino ka nanghihingi!" "Why would I? We're not close." Umirap ako. "And you're close with Livius? Huh?" His eyes turned darker. Napalunok ako sa intensidad ng kanyang tingin. "I like him." "What?!" "Bingi ka ba?! Alis nga!" "Tangina anong sabi mo?! Gusto mo ang hinayupak na 'yon?! Umayos ka Maddy!" Napakunot-noo ako. "Ano ba kasi ang iniisip mo? Ang ibig kong sabihin, mas gusto ko ang ugali niya kaysa sa'yo! That doesn't mean I like him romantically! Don't be stupid, Morris!" Malakas ko siyang itinulak kaya nagkaroon ng espasyo para makaalis ako. I quickly grabbed the opportunity to walk away from him. Pero bago pa ako makalabas sa kusina ay narinig ko ang malakas niyang sigaw. "Siguraduhin mo 'yan Maddy!" I just ignored him and run towards the staircase. Humihingal ako nang pumasok sa library dahil sa bilis na pagtakbo. Cheska's eyes shifted to me. Nakaupo siya sa harap ng isang lamesa, nagbabasa ng libro gaya ng nakagawian. Inubos ko muna ang barbecue at itinapon ang stick sa basurahan sa gilid bago siya nilapitan. "May humahabol sa'yo?" she asked casually. Compared to his brother, she have this angelic features. Mabait rin siya at matino. Ibang-iba sa kapatid niya. Hinila ko ang isang upuan at umupo sa tapat niya. I shook my head. Her eyes narrowed. "May ginawa kang masama 'no?" "Oh, don't accuse me like that Cheska! Hindi ako ganoon. Tumakbo ako kasi nakakairita 'yang kuya mo. Pinapakialaman ba naman ang mga ginagawa ko. He's so feelingerong babaero! Kainis!" She chuckled. "You really hate him, don't you?" "Naku, sinabi mo pa!" Sa mga sumunod na araw ay mas lalo akong nabagot. Kahit pinakiusapan ko si mommy no'ng huli siyang tumawag ay hindi pa rin niya ako pinayagang lumabas at makipagkita sa mga kaibigan. It's summer, but I feel like I'm a prisoner. Hindi ko man lang magawa ang mga gusto ko. Meanwhile, kuya is enjoying every bit of this. Nagagawa naman kasi niya ang lahat ng gusto. And that's because he's older than me. Dahil doon, hindi ko maiwasang hilingin na sana mas bumilis pa ng kaunti ang panahon. "Mukha ka yatang matamlay ngayon, Maddy. May problema ba, hija?" tanong ni Tita Laura nang magkasalo kami sa hapag. Nag-angat ako ng tingin. "Ah, wala ho. May iniisip lang." I noticed Morris' persistent stares at me. Nagsalin siya ng tubig sa baso, ang mga mata'y nanatiling nakamasid sa akin. Beside him is Cheska who looks absentminded. Si kuya nama'y lang tahimik sa gilid ko. Nag-iwas ako ng tingin. "Is it a boy? Your crush, perhaps? O baka naman boyfriend?" She smiled like it's just a normal topic for her. "Uh... hindi po." "She's not allowed to have a boyfriend, 'Ma. She's still too young," si Morris. I glared at him. Nakikisali pa talaga. "But it's okay to have a crush. Right, hija?" Naiilang akong tumango sa ginang. "Pero hanggang doon lang muna, tita. Mamaya na siya puwedeng magboyfriend kapag nasa legal na edad na. But for sure, I'll have a headache if she'll start entertaining suitors," si kuya na nakisali sa usapan. Though I don't want to be the topic, I don't want to be rude to them. So, I just ended up answering tita's questions. "Well..." Tita laughed a bit. "Talagang mahihirapan ka talaga, hijo. Maddy is just so beautiful. Talagang pagpipilahan ito ng mga binata kapag nasa hustong gulang na." Morris glanced at me again. Tinaasan ko siya ng kilay. He just smirked darkly. "Maganda rin naman po si Cheska," saad ko, nililihis ang usapan. Napatingin sa akin si Cheska, tila ba ngayon lang natauhan dahil sa pagkakarinig ng pangalan. Ngunit hindi siya nagsalita at nanatiling tahimik. "Of course, but she's not that active when it comes to these things. She'd rather read her books. She loves it so much." Well, I already know that. Pagkatapos naming kumain ay hindi ko na kailangan pang tumulong sa pagliligpit ng mga pinggan dahil sa rami ng mga kasambahay. Isa pa, hindi rin ako sanay sa ganoon dahil buhay-prinsesa naman ako sa aming mansiyon. It's really an advantage if you're born rich. Hindi mo na kailangan pang isipin ang maliliit na mga bagay dahil may ibang tao na gagawa nito para sa'yo. "You have a crush? Huh?" Napalingon ako. My brow shot up when I confirmed who it was. Sinundan pa talaga niya ako dito sa teresa. "What about it?" iritado kong tanong. "You're not allowed to like someone, Maddy." I gave him an annoyed look. "No one can tell me what to do, especially if it's you. You don't have a hold on me, Morris." "Masyado ka pang bata. Hindi 'yan ang dapat mong inaatupag." "What a nice advice from a playboy!" I really can't get him. He always acts like an honorable person, when he knows that I saw how he plays with different girls at a time. Or maybe, for him, I'm a little sister he needs to take care of. Siguro tinuturing niya ako bilang kapatid kaya ganoon niya na lang ako pangaralan. That thought made me hate him, a lot. I don't know. Maybe because I don't want him to control or command me. Maybe because I don't need another brother's care. Siguro iyon nga talaga ang dahilan kung bakit mas lalo lang akong naiinis sa kanya sa tuwing umaakto siya na parang kapatid niya ako. "Ma, please? Isang beses lang," muli kong pangungumbinsi kay mama. I really want to hangout with my friends even just for once. "Pero, Maddy..." "I'm so bored here. I feel like I'm a prisoner! Wala akong magawa bukod sa magbrowse ng social media accounts at panoorin sila kuya na nagsasaya. I can't even join because I'm way younger than them. Mama, please..." "No. That's final." Nagkulong ako sa kuwarto dahil sa labis na iritasyon. I can't get it. Si kuya hinahayaan lang nila. Pero kapag ako ay hindi man lang magawang pagbigyan kahit isang beses. Hapon na nang lumabas ako sa araw na 'yon. Iritado pa rin dahil sa pag-uusap namin ni mama kanina. After eating some snacks, I went on the wide front yard. May mahabang upuan doon na yari sa kahoy kaya doon muna ako namalagi. The mansion is peaceful. Wala ang mga kaibigan nila kuya kaya walang nag-iingay. But I wonder if kuya is around. I didn't see him anywhere. Maybe he's out with his friends. Mabuti naman at naisipan nilang sa ibang lugar naman magsaya. I'm so tired of watching them flirt with random girls. Nang mabagot sa pagtingin sa mga bulaklak ay pinili kong magcellphone. I opened an app and saw a lot of messages from my friends and acquiantances. There are also boys who are trying to hit me through chat. The usual cheap tactics of today's generation. Nagreply ako sa malalapit na mga kaibigan at inignora lang ang iba. Nasa ganoong posisyon ako nang makarinig ng hagikhikan. Nag-angat ako ng tingin at hinanap ang mga boses. Sa di kalayuan, nakita ko ang kakapasok na dalawang babae sa gate. Sunod na pumasok ay si Jonas at Morris. The other girl hold Jonas' arm. Ang isa nama'y nakadikit kay Morris na animo'y linta. What a beautiful sight. "Hi, Maddy!" Jonas waved. Dumako ang tingin sa akin mga babae. Nagbulungan sila. Kapagkuwa'y ngumiti ang mga ito sa akin. Maybe Jonas told them that I'm Revo Mongreco's sister that's why they're smiling. Ganoon naman talaga palagi, they act that they like me because of my brother. Nothing's new. Tipid akong ngumiti. Morris just stared at me blankly. Mukhang wala ang atensiyon sa mga sinasabi ng babaeng nasa gilid. "Kayo lang? Sila kuya?" "May ibang lakad sila," aniya. Morris looked at him. May sinabi siya at agad namang tumango si Jonas saka iginiya ang dalawang kasama papasok sa mansiyon. Morris was left. Humigpit ang hawak ko sa cellphone nang maglakad siya palapit. "Baka naman hindi talaga si Revo ang hinahanap mo?" "Huh?" He's still at it? Iniisip pa rin na niya na gusto ko si Livius? Napakagago talaga. Pati iyon ay pinapakealaman niya. "You're still to young to like anyone, Maddy." "You don't decide for me, Morris. At hindi ko gusto ang kahit sino sa mga kaibigan mo. I have high standards. I won't settle for a playboy like you," I rolled my eyes. "Ano ng nangyari do'n sa huling babae mo? Ba't iba naman ngayon?" He smirked. "Why do you look so bothered with my girls, anyway?" "I'm not! Why would I? I don't care what you do! Bahala ka sa buhay mo." I glared at him, showing how I despise his attitude. I stood up and walked away, leaving him alone. Bumalik na lang ako sa kuwarto imbes na panoorin sila ng babae niya. They'll just make my eyes sore and it's annoying. That summer I spent in their house was the worst summer I've experienced in my life. Thank God, the following three years, I don't need to see him anymore.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD