Chapter 3

2892 Words
"Bakit ang ingay sa baba? Ano'ng meron?" tanong ko sa isang kasambahay paglabas ng kuwarto. Hindi na ako nag-abalang magblow dry ng buhok pagkatapos maligo kaya medyo basa pa ito. "Dumating po kasi ang mga kaibigan ni Sir Revo. Nandoon rin ho ang dalawang pinsan niyo. Nasa hapag-kainan." I sighed and nodded. She proceeded with her work while I stepped down on the staircase. No wonder the house is noisy again. Hindi naman kasi iingay ang mansiyon kung wala ang grupo ni kuya. I was eight years old when I first met his friends, aside from our cousins, Kuya Sage and Kuya Markus. Kaya nasanay na rin ako sa loob ng limang taon. Dumiretso ako si dining area kung nasaan silang lahat. They are laughing and talking loudly. I snorted. Noisy boys. "Morning, Maddy!" I glanced at Kuya Markus. Kagaad rin nitong ibinalik ang tingin sa mga nag-uusap na kaibigan. "Yeah bro, Christine is a catch!" "Her boobs are small." "Come on Sage, it will develop soon!" "She's immature." "Sino ba kasi ang gusto mo? Si Valentina?" Napailing-iling ako sa tawanan nila. Their usual boys' talk about girls. Wala ng bago roon. I'm still thirteen, pero dahil sa kanila ay nasanay na akong makarinig ng mga ganoong pag-uusap. Kaya imbes na makinig ay kumuha ako ng fresh milk sa fridge at nagsalin sa sariling baso. "Hindi ka kakain, Maddy?" tanong ni kuya. Napatigil ako sa pag-inom ng gatas. I licked my lower lip. The boys are still talking about something worldly. Naririnig ko pero hindi ko na lang pinapakinggan. It's just all about maniac stuffs and it's unhealthy to my ears. Morris looked at me. Saglit lang na nagtama ang paningin namin dahil agad kong ibinalik ang atensiyon kay kuya. Among my brother's friends, he's my least favorite. Hindi naman ibig sabihin na may paborito ako sa mga lalaki rito. It's just, I hate him for no reason. I'm civil with the other boys, but to him, I easily get irritated. Sa simpleng tingin lang niya ay naiirita na ako. He's not doing any bad thing, alright. Pero di ko lang mapigilang mainis sa walang rason. Maybe because he's a playboy. Actually, silang lahat naman. "Milk is fine, kuya. Siguro babawi na lang ako sa lunch," I answered and continue drinking my milk. "Kaya ka mukhang patpatin. You're not eating enough healthy foods. You're too slender for a girl on your age." Napataas ang kilay ko sa sinabi ni Morris. Inilapag ko ang baso sa mesa, hindi na inubos ang gatas. Pairap ko siyang tiningnan. "I'm still young that's why I'm slender." He smirked. Uminom siya ng tubig, hindi nakisali sa tawanan ng mga kaibigan at nanatiling nakatingin sa akin. Looking so amused of something. Aalis na sana ako doon nang bumaling sa akin si Kuya Revo sa gitna ng kanilang usapan. "Mama will not come to the orphanage. Kami ang magdadala ng mga pagkain sa mga bata roon. She told me that you should come with us." "She's on work?" Tumango siya. Mas lalo tuloy akong nawalan ng gana sa araw na ito. Every Saturday kasi ay may pinupuntahan kaming orphanage malapit sa aming eskuwelahan. My family is supporting it for years. At nakagawian na naming pumunta doon tuwing Sabado para mamigay ng mga pagkain. Hindi naman sa ayaw kong pumunta ngayon. But with these boys as my companions, I'd rather stay at home and do movie marathon. Pero dahil may mga bata ring inaabangan ang presensiya ko ay pupunta na lang ako kahit hindi gusto ang mga makakasama. "Alessandra is a nice girl, Livius." "Plus she's sexy," sabat ni Morris. Napailing-iling akong nagsalin ng tubig sa ibang baso. Kapag sila talaga ang nagsama-sama ay walang kabuluhan ang mga pinag-uusapan. That's why instead of listening to whatever they're talking about, I just went back upstairs after drinking some water. Sinalubong kami ng ngiti ng mga bata pagdating sa orphanage. Their smiles are so genuine to ignore. Kaya napangiti na rin ako nang makitang excited sila sa mga dalang pasalubong. "Hi Ate Maddy!" Alisha, the cute four-year old girl hugged me. Lumapit rin si Roy at Anne na kasing edad lang nito para yakapin rin ako. "Makikipagpalaro ka po ba sa amin?" "Aba, syempre naman!" "How about Kuya Morris? Don't you want to play with me?" Nag-angat ako nang tingin sa biglang lumapit. My forehead creased. Sila kuya ay tumutulong sa pag-aayos ng mga pagkain samantalang siya ay nakikisali sa usapan namin ng mga bata. "Ano bang laro ang alam mo?" sarkastiko kong tanong. Knowing him, baka puro kamanyakan lang ang matutunan ng mga bata sa kanya. He looked at me, smirking. "Don't underestimate me, Maddy. I also know some games." "Ako na ang makikipaglaro sa kanila. Just help your friends their. Isa pa, you're old to play with the children." His lips parted. Kalauna'y umiling-iling habang ngumingisi. "I'm just seventeen, not that old." Umirap ako at hindi na nagsalita pa. I'm always like that everytime we see each other. I don't know, I just hate his whole being. Hindi ko maiwasang mairita kapag nakikita ko ang pagmumukha niya. I always found him playful, the chickboy type. Kung sinu-sino na lang ang mga babae, papalit-palit. Growing with those boys made me witnessed how they handle girls. Mukha lang silang matitino dahil sa mga respetadong apelyidong dinadala. But the truth is, they are playboys with a bunch of girls in their arms. Hindi makuntento. Palagi na lang naglalaro na para bang walang emosyon ang mga babaeng sinasaktan. They are like bees, jumping from one flower to another. Heartless and insatiable. "s**t!" Sa pag-iwas ko sa nagbibisikletang si Morris ay nasapid ako sa bato, nawalan ng balanse at nadapa sa daan. Alarmed with my situation, he stopped his bicycle instead of coping up with his friends. Bumaba siya at agad akong dinaluhan. "Are you okay?" Inabot pa niya ang kamay para tulungan ako sa pagtayo. I rolled my eyes. Walang balak hawakan ang kamay niya. Kahit mahapdi ang tuhod ay nakaya ko namang tumayo ng mag-isa. Suminghap ako, handa ng bugahan siya ng apoy. "Careless! Kung bakit ba kasi kayo dito nagbibisikleta sa harap ng bahay namin! Tingnan mo kung anong nangyari!" He sighed. Sinuyod ako ng tingin. His eyes stopped on my knees. Bumaba rin ang tingin ko at mas lalo lang nagalit nang makitang bahagyang dumudugo ang kanang tuhod. And even my skirt is ruined with dirt! "Pumasok tayo. Let's treat your wound," aniya sa mas mahinahong boses. "Shut up! I can treat my own wound! Habulin mo na lang 'yong mga kaibigan mo! You already ruined the mood!" Nagmartsa ako papasok at iniwan siya roon. Agad naman siyang sumunod at nagtawag pa ng katulong para kumuha ng first aid kit. "O, ba't ka sumunod? Did I tell you to follow me? I don't want you here." Sumalampak ako sa couch. Nakatayo lang siya sa harap ko, hinihintay ang inutusang kasambahay. Ako nama'y todo ang irap dahil sa inis. "Saan ka ba kasi pupunta at ganyan ang suot mo? Your skirt is too short. Showing too much skin is not right, Maddy. Especially for a fourteen year old girl like you," now he sounds like an older brother to me. I snorted. "Don't expect me to wear long skirts. I'm not old-fashioned. Isa pa, ba't mo ba ako pinupuna? You're not my brother!" Umiling-iling siya. Hindi na nagsalita pa hanggang sa dumating ang kasambahay na inutusan. Tatayo sana ako mula sa couch ngunit tinulak lang niya ako pabalik habang hawak-hawak ang kit. "Ano ba?!" Hindi siya natinag sa singhal ko at yumukod sa harap. I tried to stand again but he hold the side of my knees firmly. Inayos ko ang maiksing palda dahil kaunting galaw ay masisilipan na niya ako. Mas lalo tuloy akong nainis. "Don't touch me! For all I know, gusto mo lang akong silipan d'yan!" Inalis niya ang mga kamay. A smirk plastered on his face. Para bang katawa-tawa lang sa kanya ang sinasabi ko. "I won't do that. You're still a kid, Madeline." ● Umirap ako at hindi nagsalita. Medyo napahiya sa pag-aakusa. He just gave me an amused smile as he opened the first aid kit. Kumuha siya ng bulak doon at nilagyan ng disinfectant. "Akin na, ako ang maglalagay!" saad ko at sinubukang agawin sa kanya ang hawak. He just glared at me and hold my leg to made me steady. Pumiksi ako ngunit nang makita ang madilim niyang tingin ay natigil. "Stay still, you little devil." Napangiwi ako nang maramdaman ang hapdi na dulot ng disinfectant. Nang mapansin ang reaksyon ay hinipan niya sugat at mas naging maingat sa bawat pagdampi ng bulak. Seryoso ang mukha at para bang kung sinong doktor na gumagawa ng surgery kahit galis lang naman ang natamo. Nilagyan niya ito ng band aid matapos linisan. After that, he sighed and stood up. But even if he treated my wound, I still hate him. I snorted and marched towards the staircase. Kailangan kong magpalit ng skirt dahil nadumihan na itong suot ko dahil sa pagkadapa kanina. Damn that Morris! Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit gustong-gusto siya ng mga kaibigan ko. Not that he doesn't have the looks. But given the reputation? Bagsak na siya agad sa standards ko. Yet here are my friends, very fond of him. Kulang na lang ay sambahin siya ng bawat babaeng nakakakita sa kanya. And that made me hate him even more for the succeeding years. "Maddy, doon tayo sa mansiyon niyo gumawa ng project. Hindi kasi puwede sa amin," saad ni Emarie, hindi mapigilan ang pagngiti. "Oo nga, at saka para na rin makita namin yung mga kaibigan ng kuya mo," segunda ni Lyla na kagroupmate ko rin sa group project. "Oh my, can't wait to see Morris!" si Lucy. I shook my head. Napangiwi sa mga naririnig. I know those boys for years. Kaya hindi ko talaga mapigilang madismaya sa tuwing nadadagdagan na naman ang mga babaeng nahuhumaling sa kanila. They are a good catch, alright. Pero kung attitude ang pagbabasehan, lugmok na lugmok silang lahat. Nangunguna pa ang Morris na 'yon. "They won't be there. Busy sila sa buhay kolehiyo." At syempre, sa mga babae. Hindi ko na lang iyon dinagdag para hindi mapahaba ang usapan. Pareho lang naman kami ng pinapasukan ni kuya. Hindi nga lang masyadong nagkikita dahil nasa grade nine pa ako samantalang sila ay nasa kolehiyo na. Pero kahit ganoon ay hindi pa rin nakakaligtas sa mga tenga ko ang mga balita tungkol sa kanila. "Ay, sayang." Emarie sighed, disappointed. "Doon na lang tayo kina Lucy. Mas malapit ang kanila dito," suhestiyon ko na sinang-ayunan naman nila. That year's summer, I spend my two months in De Luca's mansion. Sila mama at papa kasi ay maraming kailangang asikasuhin sa ibang bansa. They were worried of leaving the two of us in our big house. Agad namang nagsuhestiyon si kuya na doon muna kami sa mansiyon nila Morris. I disagreed. Sinabi ko na puwde naman kami kina Kuya Markus o Kuya Sage. Pero dahil mas nakakatanda si kuya, siya ang sinang-ayunan nila papa. Wala namang problema sa mga magulang ni Morris. I already met them a few times, and I can say that they are good people. Respetado ang pamilyang kinalakihan, pero hindi naman iyon nakuha ng anak nila. Kaya kahit ayaw ko, wala na rin akong nagawa sa desisyon nila mama. Napasimangot ako habang nakatayo sa balcony, tinatanaw sila kuya sa may pool. Nagtatawanan silang magkakaibigan habang may kasamang mga babae. Almost everyday, ganitong sitwasyon ang nakikita ko. Wala akong ibang magawa kundi ang aliwin ang sarili sa loob ng malaking mansiyon. Hindi naman kasi ako pinapayagan ni kuya na lumabas para makipagkita sa mga kaibigan. Dahil sa inip, bumaba ako. Pumunta sa malawak na hardin na nasa kaliwang bahagi ng mansiyon. Marami kasing mga bulaklak doon kaya napagdesisyunan kong mandilig na lang ng halaman bilang pampalipas oras. Kinuha ko ang sprinkler at sinimulang magdilig. Paminsan-minsan sa aming hardin ay nagdidilig naman ako. Yun nga lang kaunti lang ang klase ng mga bulaklak namin. Hindi kagaya dito. Maybe Tita Laura has eyes on flowers, puwede ring si Cheska. She's Morris younger sister. Magkasing edad lang kami ngunit hindi naman palaging nag-uusap kahit dalawang linggo na ako dito sa kanila. She always stays in her room or in the library to read her favorite novels. Kaya heto ako, inaaliw ang sarili dahil wala naman akong ibang nakakausap na matino dito. It's so boring. Idagdag pa ang maraming babaeng naglalabas-masok sa mansiyon ay mas lalo lang akong naiinis. Sa tuwing nagtitipon-tipon ang grupo nila kuya ay may mga kasama silang mga babae. And as what I've observe, those girls are freaking aggressive. "Ineng, pakikuha nga ako ng tubig." Napalingon ako sa boses na narinig. It's from a girl. Kasama siya nila Morris. Siguro'y isa sa mga babae nila. Her brows furrowed, mukhang nainis sa pagtitig ko. "Ano? Ba't ka nakatunganga lang diyan?" Natigilan ako. My brow shot up on her tone. Did she just command me? Aba'y gaga pala ang babaeng 'to. Inakala pa talaga na isa akong kasambahay. I looked at her from head to toe, and my lips parted in disbelief. My skin is even fairer and healthier than hers! How dare she! "What are you talking about?" inis kong tanong, kulang na lang ay irapan siya. Hindi naman kagandahan pero kung makaasta ay parang kung sinong reyna. "Katulong ka di ba? Kaya inuutusan kita. Huwag mo akong supladahan, ingrata." Nagngitngit ako sa galit. Hindi na ako nag-isip pa at dahil sa inis ay hinarap ko sa kanya ang sprinkler na hawak. "Hindi ako ingrata! At mas lalong hindi ako katulong! Ikaw nga itong mas mukhang kasambahay! You b***h!" Nanlaki ang mga mata niya at sumigaw dahil sa pagkabasa ng tubig. When I got satisfied with her look, I put down the sprinkler. Tumawa ako sa kanyang galit na galit na mukha. I was about to leave her but before I could move, she closed the gap between us and pulled my hair harshly. Walang kahirap-hirap niya iyong ginawa dahil bukod sa mas matangkad, mas malakas rin siya. "Ikaw na bata ka! Wala kang respeto sa mas nakakatanda sa'yo! Anong karapatan mong sirain ang damit ko?!" "Bitawan mo ako!" Sinubukan kong kumawala sa higpit ng pagsabunot niya ay hindi ko nagawa. I scratched her skin with my nails because of anger. Naiiyak na ako dahil sa sakit at galit. "What the f**k is happening here?!" Morris voice thundered. Napatigil ang ingrata sa ginagawa at itinulak ako. Tears formed in the corners of my eyes because of frustration. My head is badly hurt because of his woman! "Morris!" she cried like she's the victim here. Inayos ko ang buhok at nanatiling nakatayo, nagpupuyos sa inis. "That girl! Inaway niya ako! Binasa niya ako sa water sprinkler niya!" Dumako ang tingin ni Morris sa akin. His jaw clenched as he walked towards me. Siguro'y pagagalitan ako sa ginawa sa babae niya. Hindi ako nagsalita. Alam ko namang hindi rin siya makikinig. "I hate that girl Morris! Sisantehin mo ang katulong na 'yan! She's so--" "Shut up Alessandra! She's not a f*****g maid!" Naitikom ng babae ang bibig dahil sa galit na galit niyang boses. Even me was stunned after hearing his tone. My lips pursed. Akmang aalis na sana doon nang hinaklit ni Morris ang braso. He's eyes are so serious while looking at me. Sinubukan kong kumawala sa hawak niya, ngunit sa huli'y walang nagawa. "G-Get off me! Daluhan mo na 'yang babae mo! Pavictim akala mo naman hindi siya ang nanguna!" Tumulo ang luha ko sa inis. I didn't bothered to wipe it. Umawang ang labi niya habang tinitingnan akong umiiyak. Kalauna'y pumikit ng mariin, para bang nagagalit. Napatiim bagang siya at muling tiningnan ang babaeng matalim ang tingin sa akin. "M-Morris, I'm hurt--" "Get out." Her eyes widened. "W-What?" "Lumayas ka sa pamamahay ko." He said firmly. Her lips parted in disbelief. "A-Anong... Teka--" "Get out of my f*****g place or I'll let the security throw you out!" Sa galit na nakikita sa ekspresyon ni Morris ay agad itong tumakbo. Bahagya pang nanginginig habang umiiyak. He looked at me again. Pumikit siya ng mariin at bumuntong-hininga. "Are you hurt?" he asked gently. Imbes na sumagot ay kumawala ako sa paghawak niya. I'm still angry. Ayaw ko siyang kausapin. Masakit rin ang ulo ko dahil sa pagsabunot ng babae niya. Mabuti na lang talaga at pinaalis niya 'yon. She deserves it, anyway. "Hindi ba halata?" I wiped my tears with my one hand. "She hurt me so bad! Ininsulto niya rin ako!" suminghot ako, hindi mapigilan ang iyak dahil sa galit. His expression softened. He caressed my cheeks with his fingers. Inilayo ko ang ulo ngunit sinusundan niya lang ang kilos ko. "I'm sorry." "Shut up, I don't need that." He sighed. Napalingon kami pareho nang nagsidatingan sila kuya at iba pang mga kaibigan nila. "What happened?" Kuya's eyes became darker as he saw me crying. Naglakad siya palapit. Pero bago pa siya makalapit ay hinaklit ko na ang braso kay Morris. Hindi niya nilagyan ng puwersa ang paghawak kaya nakawala ako. I turned my back on them. Tumakbo ako papasok, hindi pinakinggan ang pagtawag sa akin ni kuya o ng mga pinsan. Sobrang naiinis ako at gusto kong magkulong na lang sa kuwarto buong maghapon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD