Third Person POV: Humigit sa anim na araw na ang nakalilipas magmula ng mangyari ang aksidente na naging sanhi ng hindi maayos na pagkakalakad ni Aele. Pero isa na rin 'yung opportunity nila para makapagpahinga bago mangyari ang pagsugod nila sa pinaka-teritoryo ng kalaban. At mag-isip pa ng ibang plano kung paano nila matatalo ang mga ito. Ngayong araw nagkukumpulan ang lahat sa malawak pero hindi makitid na bahay ng mga ninuno ni Carl. Nasa gitna si Aele habang nasa harapan niya ang lamesa na kinalalagyan ng iginuhit niya at ng mapa. Maski na rin ang katana ni Aele na minsan na lang niya nagagamit kapag hindi baril ang gamit ng kalaban niya. "Ngayon na ba tayo susugod?" Tanong agad ni Joe kay Aele na nakasuot na ng damit na pang-armado na kinuha pa ng tatlo na sina Joe, Jacob, at Carl

