AELE LEVI'S POV: Napatawa naman ako nang mahina sa kaniyang sinabi sa akin. Napailing-iling pa ako bago tingnan muli ang itaas ng bangin. "Hindi mo alam kung ano ang si-nu-suhestiyon mo sa akin. Kapag umalis ako sa isla na ito, may chance na hindi na ako bumalik. Si Aeze ang tanging sandata at buhay ko. Kaya ako nanatiling malakas despite of being a weak brother, ay dahil sa kaniya. Kapag pumunta ako sa ospital na kinaroroonan niya, hindi na ako aalis pa. Gusto kong makita ang kakambal ko hanggang sa paggising niya. Mahal na mahal ko ang kakambal ko kahit na nagbago ang pagkatao niya," napangiti naman ako nang mapait sa inilalabas ng aking bunganga na mga kataga. Ayokong maging ma-drama ngayon, ayokong ipakita kung gaano ako nakakaawa sa panahon ngayon, pero hindi ko lang mapigilan. Hin

