TMPID 7

1008 Words
AELE LEVI’S POV: Habang nagmumuni ako sa loob ng bahay at nakaupo sa malambot na kama. At nag-iisip nang mabuti sa mga nangyayari. May parang kakaiba akong nararamdaman sa araw na ito. Instinct lang ba? “Sh*t! Why are they here?!” Inis na singhal ko nang makarinig na naman ako ng mga yabag palapit sa direksyon ng bahay na ito. Dali-dali akong tumayo sa aking pagkakaupo sa kama. Kailangan ko nang makapunta sa tinataguan ko, pakingsh*t! Sinasabi ko na nga ba, tama nga ang instinct ko. May masama talagang mangyayari sa akin sa araw na ito. Bakit ba masyado akong nakampante na wala ng susugod pa sa direksyon ng bahay na ito? Haist! “Huwag ka ng magtago. Dahil huling-huli ka na!” Bago pa man ako tuluyang makapasok sa ilalim ng kama napansin ko na ang limang mga kalalakihan na suot ay purong pulang kasuotan lamang. Ang nagsalita ay ang lalaking nasa unahan habang ang apat ay nasa likuran niya. Wala silang kahit anong maskara. Kaya kitang-kita ko ang mga mukha ng mga ito. Lahat sila ay may mga tattoo sa kanilang kanang leeg. Tattoo ng mukha ng dem*nyo kahit sa totoo lang ay walang nakakaalam sa tunay na kaanyuan ito. P-pero... ‘Sh*t talaga! Paano nila nalaman na nandito ako? Magaling naman akong magtago at magpanggap na wala rito, a’! Kainis!’ Napalingon-lingon ako sa buong paligid nitong kwarto. Naghahanap ng aking malulusutan, hindi dapat ako nag-iisip ng mga bagay na hindi makakatulong sa akin. Kailangan ko ng gumalaw kung hindi ay yari ako nito! Hanggang sa mapadako ang aking paningin sa kaliwang bintana. Nakabukas ito. Pinapanatili ko itong bukas upang malaman ng lahat na wala ng tao sa loob. Kaso ngayon, bokya ako. Napasulyap ako sa mga ito nang ilang minuto saka pumikit. Kailangan kong makapag-concen— ‘Bahala na.’ Piping turan ng aking sarili. At nang dumilat na ako ng aking mata dali-dali akong tumakbo sa direksyon na iyon. Napakilos na rin ang lahat dahil sa nangyari. Rinig ko pa ang singhapan nila. Kaso malakas ang reflexes ko kaya nakatalon ako sa bintana palayo sa kanila. Akala ko ito na ang tagumpay ko dahil nakawala ako sa limang iyon. Ngunit gano’n na lang ang gulat ko nang makita sa aking harapan ang mga pulutong na armado na puros pula ang mga kasuotan. Marami pala sila? Akala ko apat lang ang nandito sa ngayon, naloko ako no'n a'! “Sh*t. Buhay nga naman. Paktay.” Mahinang paninisi ko sa aking sarili. Napayuko na lang ako sa kanilang harapan. Naghihintay na sa aking kamatayan. Kahit sa totoo lang ay ayoko pa talaga, paano na ang kakambal ko? Si Kuya Zicko? Paano na ang mga maiiwan ko? Si Daddy at Mommy? Ang bunso naming kapatid? Hindi pwede! Hindi maaari! Sayang din ang kagwapuhan ko, wala pa akong nahahanap na mapapangasawa ko. Mamatay ba ako na v*rg*n? ‘Aist! Bakit ko pa ba iniisip ang ganitong mga bagay sa oras ng aking kamatayan?’ Inis na singhal ko sa aking isipan. Kaso napaangat agad ang aking ulo nang hawakan ng lalaki sa harapan ko ang aking baba. Marahas ang kaniyang ginawa kaya napangiwi ako sa sakit. Ta*na! Kung hindi lang talaga ako nagpapanggap kanina ko pa sila nata—paksh*t! Wala rin pala akong laban, sila may mga baril, ako walang-wala. Kamatayan talaga ang hinahanap ko. “Wala ka ng takas. Kahit saan ka pa pumunta, mahahanap at mahahanap ka namin. Isa ka lang daga na magaling magtago, pero hindi magawang proteksyunan ang kaniyang sarili.” Mapang-uyam na turan sa akin ng lalaking ‘yon habang nakangisi nang wagas. Gustong-gusto ko na siyang duraan sa mukha dahil nasusuka ako sa nakikita ko. Kaso hindi dapat ako kumikilos nang hindi pinag-iisipan. Siya lang ang nag-iisang nagsasalita, at napansin ko na siya rin ‘yung lalaki na nakatayo sa bahay ni Alieha noong unang araw ko pa lang dito sa lugar na ito. Siya ba ang leader nila? ““Anong kailangan ninyo sa akin? Hindi naman ako lumalabas ng bahay, a’! Kaya wala rin kayong—*pak*” ‘Gg! Hindi ko pa nga natatapos ang pagsasalita ko, sinampal na agad ako.’ Inis na singhal ko sa aking isipan habang nakahawak sa aking kaliwang pisngi na sinampal niya. “Wala kang karapatang magreklamo. Hindi ka taga-rito.” “H-huh? B-bakit ‘yung iba mga hindi rin naman taga-rito? Bakit hindi ninyo sila—tama na! Masakit na e’! Oo na, sasama na nga ako!” Pagsusuko ko agad nang mapansin na naman ang leader nila na handa na naman akong sapakin sa pisngi. Pero agad kong sinangga ang dalawa kong palad sa harapan niya. Ayos na’ng katawan ang masaktan, huwag lang ang mukha. Ito ang panlaban ko sa lahat e’! Kapag nasira, paano na? Wala ng chiks pa ang darating na biyaya. “Tsk. Susuko ka rin pala,” nakita ko pa ang pagngisi niya sa akin bago ibaling ang paningin sa mga kasamahan niya, “Boys, alam na ninyo ang gagawin ninyo.” Malamig na utos niya sa apat na ito. “Yes, leader.” Mabilis na sagot ng mga ito at nagsilapitan na sa aking direksyon. Dalawang lalaki ang humawak sa aking dalawang kamay. Habang ang ilan naman ay nakapalibot sa amin. Hindi talaga nila hahayaan na makatakas ako, as if may pag-asa pa talaga. Kairita! “Tara na. Huwag na huwag kang gagawa ng kalokohan kung ayaw mong mawala na nang tuluyan sa mundong ito. Pasalamat ka, naawa pa kami sa iyo.” Muling babala sa akin ng leader nila bago ibaling na ang paningin sa harapan. Nauna siyang naglakad habang kami naman ay sumusunod lang sa kaniya. Palihim pa akong napapasulyap sa aking paligid. Mga nakasarado ang kanilang mga bintana. Walang kahit anong ilaw man lang sa bawat bahay. Pero may naririnig akong mahihinang iyak sa kung saan. Natatakot ata sila sa kanilang sasapitin. Hindi ko rin naman sila masisisi. Sino bang hindi mababahala sa kanilang mga sarili kung may mga taning na ang kanilang buhay? ‘ Kaso teka lang… saan naman kaya nila ako dadalhin?’
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD