TMPID 6

1020 Words
AELE'S POV: "Sorry nga pala kay James. Ayos ka na ba? Hindi na ba masakit 'yang panga mo?" Sunod-sunod na tanong ni Alieha matapos umalis ng lahat. Nakikain lang pala sa amin. At nakipagkwentuhan. 'Yung James ang hindi talaga nakisabay sa pagkain, pero pagdating sa tsismis pulidong-pulido ang pakikisali. Hindi ko na lang din siya pinapansin, baka saan pa talaga mapunta ang lahat. "Ayos lang ako. Wala namang masakit. Grabe 'yung kaibigan mo, wala man lang '1,2,3'... action agad." Nakanguso kong komento sa naalala ko. Naiiling na lang si Alieha bago ako tapikin sa aking balikat. Nakaupo kami ngayon sa kama niya. Malapit na naman mag-alas otso ng gabi. Aalis na naman siya para pumunta sa kuta nila. Dala-dala na niya ngayon ang kaniyang baril na itinatago na lang niya sa ilalim ng kama. Minsan ko na itong nahawakan. Magaan lang siya kahit na sinabi ni Alieha na mabigat ito kapag hindi ka sanay sa mga baril. Hindi na rin ako nag-abala pang pilitin siya na dalhin ako sa kuta nila. Kasi mapapasama pa siya sa buong ka-myembro niya kapag namilit ako. Hahayaan ko na lang ang sarili ko rito. Kahit na gustong-gusto ko ng makatulong. 'Panigurado na kapag nalaman ito ni Mom o ng kakambal ko. Papagtawanan nila ako. Sino bang siraulo ang mananatiling kalmado at nagtatago lang habang ang ibang tao ay nasasaktan na? Eh di ako.' Pangangantyaw ng aking utak dahil sa naiisip. "Ganon lang talaga si James. Parehas kaming minaltrato. Pero magkaiba kami ng sitwasyon. Ako tumakas ako. At si James naman ay iniligtas ng kaedaran niya noong 14 years old pa lang siya. Nauna siyang naligaw sa lugar na ito. At tinulungan ng pinuno namin. Mahirap lang talaga sa kaniya na magtiwala, dahil 'yung pinagtitiwalaan niya... siya pa pala ang mananakit at muntikan na siyang halayin nito. " Natahimik agad ako sa aking nalaman. Kaya pala... Hindi na ako magtataka pa. Dapat na ba akong maawa sa lalaking nagngangalang James o laging itatak sa aking isipan na may kakaiba talaga sa damuhong 'yon? 'Kung may magawa man siyang kamalian sa lugar na kinatitirhan ko. Sisiguraduhin ko na ako mismo ang sisira sa buhay niya. Pero joke lang syempre.' "Kawawa naman pala si James. Ngayon naiintindihan ko na. Kaya mas lalo ko pa siyang iinisin para mapalapit kaming dalawa—aww! Sakit ah! " Binatukan ba naman daw ako. Napahawak na lang ako sa aking ulo na tinamaan ng kaniyang maliit na kamao. Hindi lang si James ang nanakit ngayong araw. Pati na rin pala si Alieha. Grabe naman ang araw na ito. p*******t days ba ngayon? Bakit ako pa ang naisipan nilang puntiryahin? Nyawa! Hindi man lang ako na-inform para naman makapaghanda ako. "Huwag mo siyang iinisin. Hindi mo kilala kung paano magalit ang isang 'yun, matuto kang tumingin. Huwag laging pagiging isip-bata. Be matured kung baga. Hindi lahat ng tao rito kayang makisabay sa lahat ng trip mo. Nasa lugar tayo ng kaguluhan. Tandaan mo 'yan. 'Ge, alis muna ako. Ikaw na ang bahala rito. Saka kung saan ka man tumago, doon ka manatili." Agad na siyang tumayo sa kaniyang pagkakaupo matapos banggitin ang mga katagang 'yon. "Sige ingat ka! Kayong lahat. " Ngumiti pa ako sa kaniyang direksyon. Hindi na inintindi pa ang sinasabi niya. Wala rin naman akong naintindihan. Kundi sa pagiging isip-bata ko lang. 'Ano bang konektado nito sa mga nangyayari? I'm just being happy and live like a kid with no worries. 'Yung tipong magtatanong lang at kapag sinabi nilang magiging ayos din ang lahat, ayon mananahimik na rin. Pero parang may mas tamang salita kung bakit ang pagiging isip-bata lang talaga ang naintindihan ko. Haist! Ang labo naman!' Reklamo ng aking isipan sa mga naiisip. Pati ang aking utak ay wala ring naiintindihan sa pinagsasabi ko. "Sa paraan ng pagngiti mo. Alam kong wala kang naintindihan. Haist! Pero salamat pa rin dahil dumating ka sa buhay ko. Kahit na may gulo na rito, nagawa mo pa rin kaming napatawa. Salamat. " Huling sabi niya bago maglakad palayo sa aking direksyon. Napapailing na lang ako at naisipang patayin na rin ang lampara. Kaya dumilim na ang buong paligid. Wala akong nakikita kahit ni isang bagay man lang. Napahiga ako sa kama. Pumasok na naman sa aking utak ang mga katanungang ito. Nagiging overthinker na naman ako. Hindi ko mapigilang mag-isip ng kung anu-ano. Mas gusto ko na lang bumalik sa aking pagkabata. Ako 'yung pinakamaligalig at makulit sa lahat ng anak niya. Papakialaman ang mga gamit nila. At sa mga araw na 'yon, wala pa akong alam kundi ang mag-Ingles kahit na may mga tagalog words na akong alam noon. Miss ko na ang lahat. Miss ko na ang kakambal ko, ang pagiging badboy niya sa akin. Ang palaging pagsasambit niya sa akin na 'isip-bata'. Kaya pala ganito kalaki ang epekto sa akin ng lahat. Kaya pala ang pagiging isip-bata ko lang ang naintindihan ko. Dahil naalala ko ang kakambal ko. Nakikita ko sa kanila ang kakambal ko. Ang kakambal ko na gusto kong makasama, pero siya pa ang nang-iwan. Akala ko walang iwanan? Bakit ganito ang lahat, kaya ko siyang tulungan, kaya kong punan ang lahat para maging maayos lang siya. Pero bakit ganon siya? "F*ck you twin! I hate you. I hate living without you." Muli na namang namutawi sa aking dibdib ang mabigat na emosyon. Hanggang sa maramdaman ko na lang ang pagtulo ng aking luha pababa sa aking kaliwang braso na nakapatong lang sa aking leeg. "Please...comeback..." Huling aniko at naisipan na lang na itulog na lang ang lahat. Baka sakaling sa pagtulog ko, makalimutan ko siya. Makalimutan ko na iniwan na talaga ako ng kakambal ko. Ni hindi man lang nagpaalam. Umalis na lang na hindi ako hinihintay. Pati si Kuya Zicko, Ni hindi man lang sa akin sinasabi kung saan ba siya pupunta. Nagiging tanga na lang sa bawat araw na nagdadaan. Patuloy na tinatanong sa sarili kung kapatid pa rin ba ako sa kanila? 'Muli na bang magbabago ang takbo ng ating buhay? Talaga bang kailangan na nating maghiwalay-hiwalay? Pero bakit sa paraan na sobrang sakit naman? Bakit wala man lang kayong paramdam?'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD