AELE'S POV:
Isang linggo na ako sa lugar na ito. Tumatago kapag kailangan talaga. Hindi makatulog kapag naririnig ko ang pagmamakaawa.
Pero sa isang linggo ring 'yon ay nasanay na ako. Kailangan ko talaga na gawin 'yon. Kapag hindi ako nasanay, baka kung saan pa mapunta ang lahat.
At patuloy pa rin akong magpapanggap na inosenteng tao lang ako na walang kaalam-alam sa pakikipaglaban. Kaya minsan ay naiiling na lang si Alieha sa akin. Minsan, hindi ko rin makuha ang tumatakbo sa kaniyang isipan.
Masyadong napaka-komplikado ni Alieha.
"May pupunta ngayon dito. Tatlong kaibigan ko. Huwag kang mag-alala mapapagkakatiwalaan sila. Hinding-hindi sila gagawa ng bagay na ikakasama mo. Basta makisama ka rin sa kanila. Ayos lang ba?" Paalala sa akin ni Alieha habang nagtatanghalian kami sa loob ng kaniyang bahay.
Tuwing umaga at sasapit ang alas singko ng hapon, parang isang normal na lugar lamang ang kinaroroonan ko. Ngunit, bigla itong magbabago kapag sasapit ang ika-anim na gabi. Lalabas na naman ang mga taong kinatatakutan ng lahat.
Mga armadong kalalakihan na gumagawa ng krimen para sa kanilang sariling interes.
Ngunit saktong pagkakasabi niya nito ay ang pagbukas naman ng pinto sa aking likuran. Nakita ko ang tatlong tao na pumasok. Isang babaeng pandak pero may dimple kasi nakangiti. Lalaking medyo wala ata sa mood kasi nakasimangot at kasing tangkad ko lang. At isang lalaking naka-jacket kahit na mainit. Sanayan na rin panigurado.
Sa kaniya ko lang naramdaman ang pagkailang. Parang may kakaiba sa lalaking ito na hindi ko maintindihan.
Pero ipinagsawalang-bahala ko na lang muna ito, hindi dapat ako agad huhusga ng mga taong kakikilala ko pa lamang.
Kung gagawa ako ng maling hakbang sa harapan nito. Baka masira ang pagiging magkaibigan namin ni Alieha. Lalo na ngayong malapit na kami sa isa't isa.
Siya lang ang mapagkakatiwalaan ko sa lugar na ito, at sa kaniyang bahay lang din ako pwedeng magtago sa mga araw na ito. Kaya dapat kumilos ako ng naayon sa eksena.
Mabilis akong tumayo sa aking pagkakaupo. Inalis ko na rin ang pinagkainan ko sa lamesa.
"Upo kayo. Gusto ninyo bang kumain? Kukunan ko kayo?" Suhestiyon ko agad at ngumiti nang malapad sa kanila.
Napalingon ang dalawa. 'Yung lalaking nawala ang pagkasimangot at ang babaeng may makahulugang tingin kay Alieha nang ibaling nila ang sarili rito.
Tinaasan lang sila nito ng kilay. "Ano na namang pagkakatingin 'yan? Siya si Levi, nakita ko siya sa labas ng gate ng teritoryo ng Hell Society. At dinala sa bahay. Wala siyang alam sa pakikipaglaban kaya pinapanatili ko siya sa loob ng bahay ko."
" Hi pogi! Ako nga pala si Caren, pero p'wede mo ring tawaging honey." Napatawa na lang ako sa kaniyang sinabi.
" Sure! I love honey too. Joke lang, kakain ba kayo? Para mapaghandaan ko na kayo?" Muli kong saad na ikinatango na lang nila.
Kaya pumunta ako sa bandang lutuan. Hindi naman malayo sa lamesa. Pero rinig ko ang sinasabi ng lalaking naka-jacket kay Alieha.
Pinaparinig na rin pala sa akin.
"Paano kung mapahamak ka sa ginagawa mo? Dapat hinayaan mo na lang siya sa labas ng gate. Hindi ka dapat nag-aampon ng walang silbi at walang kalaban-laban na lalaki." Napailing na lang ako sa naririnig ko.
May galit ba ito sa akin?
Nagseselos ba siya dahil magkasama kami nitong kaibigan niya?
Baka nga, hindi ako tanga para hindi maramdaman 'yon. Lalaki rin ako, kilala ko ang galaw ng isang lalaking nagmamahal. O baka naman nagkakamali lang ako?
'Uh! Nevermind!'
Huwag mo na lang pansinin ang mga taong kulang sa aruga.
Tinuon ko na lang ang sarili ko sa pagsandok ng kanin at ulam. Marami akong naluto dahil akala ko hanggang gabihan na namin ito. Pero huwag na pala, andito na ang kaibigan niya.
"Anong walang silbi? Hindi ko na kailangan pang pumunta sa bahay ni Caren para makikain. Nandiyan si Levi para lutuan ako at bonus pa! Masarap siyang magluto. Propesyonal na propesyonal. Kaya may silbi siya. May galit ka ba sa lalaking ito? Kilala mo ba siya, James?" Sabay turo pa sa akin ni Alieha nang makarating na ako sa direksyon nila.
Binaba ko ang dala ko na pinaglalagyan ng kanin at ulam. Nakalagay na sa lamesa ang mga plato at kutsara. Kaya hindi na nagsalita pa ang dalawa.
Mabilis silang kumuha ng kanin at ulam.
"Nag-iingat lang ako. Kapatid na ang turing ko sa iyo kaya inaalala lang kita." Matalim pa akong tiningnan nitong lalaking nagngangalang James.
Napataas agad ako ng aking dalawang kamay. "Easy bro! Hindi ko naman ilalagay sa peligro si Alieha." Pagtatanggol ko sa sarili ko.
" Huwag mo akong tawaging bro. Hindi kita kaano-ano." Malamig na aniya saka umupo sa katabing upuan ni Alieha kung saan ako nakaupo kanina.
" Grabe ka naman, James. Tikman mo na lang itong luto ni Levi. Sobrang sarap! Grabe!" Suhestiyon naman nitong si Caren at tinuro pa ang niluto kong adobong karne.
"Hindi ako kumakain ng luto ng ibang tao. Mamaya niyan may lason pa." Sabay ismid pa nito.
" Bakit ko naman kayo lalasunin? Hindi naman ako ganon kasamang tao na kilala mo."
" James naman. Huwag mo ngang ganiyanin si Levi. Mabait siya." Pananabat naman nitong si Alieha kaya napangiti ako nang malawak.
" Hindi lahat ng mabait, mabait talaga. Sa una lang 'yan, sa huli ilalapa ka na pala niya sa demonyo." Natahimik naman ako saglit sa sinabi niya.
Pinapakalma ang aking sarili sa bawat katagang lumalabas sa bibig niya. Kanina pa ako nagtitimpi sa lalaking ito.
Kung hindi lang siya kaibigan ng tumulong sa akin, kanina pa siya nag-aagaw buhay sa harapan ko.
Mabait ako sa mabait. Kaya kong magpasensya hanggang kaya ko pa. At kaya ko ring rumespeto sa taong karespe-respeto.
Pero hindi ko rin magawa. Kailangan kong magpanggap hanggat kaya ko pa.
Bakit ba ang hirap ng sitwasyon kong ito? Aeze naman! Tulungan mo kaya ako rito!
Napansin naman ng lahat ang pagkatahimik ko.
Lalong-lalo na ang loko.
"Kitams? Nakokonsensya siya. Kaya palayasin mo na 'yan hanggat maaga pa."
" Hindi ah! Naalala ko lang lolo ko sa 'yo. Akala mo menopause, laging galit sa mundo. Na-mi-miss ko lang siya." Pagdadahilan ko naman.
Ginawa ko talaga ang best ko para maging makatotohanan. Napanguso pa ako sa kanilang harapan.
Narinig ko ang malakas na tawa ng tatlo.
"Ta*na! Lolo ka na pala, James! Ha! Ha!Ha!" Malakas na sigaw nitong lalaki.
" Idol na kita Levi ahaha!" Pagsasali naman din nitong si Caren.
" Grabe for the first time of my life! Ikaw na talaga Levi! Ahahaha!"
" Salamat. Ako pa ba!" Nakangiting wika ko.
Pero nakaramdam ako ng masamang awra.
Napalingon naman ako sa lalaking ito na ang sama na ng mukha. Akala mo kakainin ka na niya sa paraan ng pagtitig niya.
Tumayo pa siya sa kaniyang pagkakaupo.
Mabilis naman akong lumayo sa kanilang harapan.
"Hindi ako lolo! Tang*na mo!"
"J-Joke lang naman! Hindi ko naman sinasadya! Alieha tulungan mo ako! Wahh!"
Ginawa kong shield ang dalawa kong palad. Napapikit pa ako. Inaabangan ang parating na kamao.
Kaso kanina pa ako naghihintay. Wala pa ring nadating.
Kaya napamulat ako ng aking mata. Dahan-dahang lumingon sa aking harapan.
Gayon na lang ang gulat ko nang malakas ako nitong sinapak.
Para maging makatotohanan na nasaktan niya ako nang todo. Napaupo ako sa sahig. Hawak-hawak ang aking pisngi na malakas niyang binigyan ng nagliliyabang palad.
Napalingon pa ako sa kaniyang mukha. Kita ko ang mukha niya na namumula.
"Pasalamat ka mabait pa ako sa lagay kong ito. Hindi ako nakikipaglaro sa iyo, kaya huwag kang isip-bata."
Huwag kang isip-bata...
Tama...
Isip-bata nga pala ako.
F*ck! Ikaw ba talaga 'yan, Aele? Seriously? Are you nuts? Bakit hinahayaan mo na lang ang ibang tao na saktan ka?