AELE'S POV:
"Narinig ko mula sa kabilang bahay na may pumasok sa loob. Hindi ka ba nasaktan?" Iyon ang pagbungad sa akin ni Alieha pagdating ng umaga. Kararating lang niya at napansin ko naman siyang walang galos sa buong katawan.
Umiling naman ako saka ngumiti sa naging tanong niya sa akin. Nilabas ko na rin ang niluto kong pang-umagahan naming dalawa.
Mabuti may mga nakatabi siya na ingredients at maging iluluto ko na gulay o hindi kaya ay karne na sa pagkakaalam ko ay hinuli lang niya sa kagubatan. Wala akong alam kung ano bang klase ng karne ito. Kakaiba sa mga nakikita ko sa market.
Saka bata pa lang talaga ako mahilig na akong magluto.
Nahusgahan na agad na baka raw tumulad ako kay Tito Jack na lalaki ang napangasawa.
Pero who knows. Hindi natin alam kung sino ang patatamaan ni Kupido. Ang mahalaga kaya ninyong labanan ang bawat unos na dumating sa buhay ninyo.
Saka wala naman akong pakealam kung kanino ba ako matatamaan ng pana ni Kupido. Ang mahalaga 'yung taong 'yun kayang makipagsabayan sa akin sa lahat ng bagay. At kaya niya akong ipaglaban.
"Hey! Nakikinig ka ba, Levi? Nasa'n ang utak mo ngayon?" Napabalik lang ako sa aking diwa nang may pumitik sa aking noo.
Kanina pa pala ako wala sa sarili.
"Ah ewan ko rin. Saka sa tanong mo, hindi naman ako nasaktan. Medyo masakit lang sa ilong sa kakamot ko kagabi dahil sa alikabok sa ilalim ng kama mo." Pagsasabi ko ng totoo. " Upo ka na at kakain na tayo. Masarap akong magluto." Dagdag ko pa at ngumiti pa nang malawak. Pangdagdag charms lang sa kaniya.
" Sana all caring." Napatawa na lang ako sa sinabi nito at saka napailing na lang din sa huli.
Parehas kaming umupo sa may upuan. Tumapat kaming dalawa sa lamesa at nagsimula na ngang kumuha ng aming kakainin.
Hanggang ngayon ito pa rin ang suot kong damit at pati pantalon. Hindi ko alam kung kailan ba ako makakapagpalit.
Hindi ako sanay na palaging ganito ang suot ko. Gusto ko naliligo rin ako.
Kaso wala akong magagawa. Nasa isang magulong lugar ako. Kailangan ko pa bang intindihin ang sinusuot ko?
Ang mahalaga raw nakakapaghilamos pa. At may tubig.
"Nga pala Alieha. Napansin ko lang na tuwing gabi lang sumusugod ang lahat. Hindi ba sila sumusugod sa umaga? Sa sinabi mo sa akin nakapaligid ang mga nagbabantay. Saka paano mo ako nakita? Ganon ba kalayo ang paglagapak ko sa bangin kaya nakarating ako sa lugar ninyo? Malapit ba ang lugar na ito sa kalsada? Sorry ang dami kong tanong. " Napahawak pa ako sa aking batok.
Kanina pa talaga pumapasok sa utak ko ang mga katanungang 'yon. Hindi ko lang masagutan dahil wala si Alieha.
Nag-signal siya sa akin na hintayin na muna akong malunok niya ang nginunguya niya. That's what I do.
Nang mapansin kong ayos na siya ay saka lang siya umiling.
"Ayaw nilang makita ng mga tao rito ang mukha nila. Kaya sa gabi lang sila sumusugod. Oo nagbabantay sila pero sa ibang katauhan nga lang. Gaya ng magbabalatkayo silang ordinaryong mamamayan lang din. Kung kaya't hindi namin matukoy kung sino ang totoo at hindi. Saka nakita kita sa mismong gate ng lugar na ito. May alambre na puro matitilos ang nakapalibot sa paligid. Nilagyan din nila ng sign na 'Trespassers not allowed.' Galing ako sa pangangaso. Binuksan ko ang gate nang mapansin na walang katao-tao. Kapag nanatili ka ro'n at makita ng mga bantay, baka dakpin ka at dalhin sa bilangguan kaya inunahan ko na sila. Saka ang kalsada? Malayo na ito sa lugar natin. Nasagutan ko na ba ang mga katanungan mo? Ang dami ko ng nasabi, akala mo nagkwekwento ako ng buhay ko. Para kang bata na walang kaalam-alam sa mundo." Naiiling na sagot niya kaya napahagikhik na lang ako at saka napayuko.
Ngayon ko lang naalala na wala ritong kuryente. Hindi sakop ito ng meralco o kahit canoreco. Tanging lampara lang at kandila ang bumubuhay sa madilim na kasulukan.
Kaya hindi rin ako napansin ng mga taong pumasok. Dahil sa sobrang dilim ng paligid. Tanging lampara lang na malapit sa bintana ang gamit ni Alieha.
Pero bakit ganon?
Bakit nakita ko pa rin ang kabuuan ng mukha nila? Dahil na rin siguro sa liwanag na nagmumula sa buwan.
"Nasan ang pamilya mo?" Takang tanong ko nang mapansin na siya lang ang naninirahan mag-isa rito.
"Katulad mo lumayo rin ako sa kanila. Hindi ko kaya ang pangtatrato nila sa akin, broken family ako. Mama ko nasa kabilang bahay at papa ko naman ay nag-asawa na rin na sobrang ubod ng sama. Mayaman ang napangasawa ni Papa kaso nga lang masyadong mapagmataas. Alipin kung ituring ang katulad ko. Ikaw ba bakit ka umalis ng bahay ninyo? Ganyan din ba ang trato nila sa iyo?" Umiling naman ako sa kaniyang sinabi. " Ibig sabihin masaya ang pamilya mo? Sana all talaga. Pero bakit lumayas ka pa rin?"
Napakibit-balikat naman ako. Hindi ko masabi ang aking dahilan. Kapag sinabi ko baka magbago na ang kaniyang pakikitungo.
At ipalandakan sa iba na nandito ang anak ng Mafia Queen. At ang susunod na magmamana ng trono. Kahit hindi naman talaga. Hindi ko kaya ang ginagawa ni Mommy, mamumuno sa napakaraming organisasyon at tao?
Like hell... wala pa sa isang linggo gusto ko na lang saktan ang sarili ko. Wala sa isipan ko ang maging pinuno. Lagi akong tambay at hindi pumapasok sa school kapag nalalaman ko na may groupings at kailangan ng leader.
Para sa akin, ang pagiging pinuno ang pinakamahirap na gawain sa mundo.
Kaya nga't saludo ako sa magulang ko at sa mga namumuno. Dahil sila kaya nilang makipagsapalaran para lang maging tahimik at walang gagawa ng gulo sa sinasakupan nila. Kaso alam ko rin naman na mayroon pa ring mga lumalabag sa mga batas na itinatakda nila.
"Natahimik ka ata? Hindi mo sinasagot ang tanong ko?" Napabalik ako sa aking diwa.
Nakita ko si Alieha na sumubo na naman ng panibagong pagkain sa kaniyang bibig.
Napangiti na lang ako nang mapait.
"Sobrang komplikado ng pamilya namin. Ilang taon lang naging masaya ang bawat isa hanggang sa magkawatak-watak na ang lahat. Pinipilit nila na maging katulad ko ang mga kapatid ko. Para bang sinasabi nila na maging isa akong pusa kahit na isa naman akong aso. Kaya wala akong choice kundi ang umalis. Baka sakaling matauhan sila na mali ang pamimilit nila. Kaso nga lang ganito pala ang kahahantungan ng pag-alis ko, sana lang hindi na ako umalis. Ayoko pa kayang mamatay, mawawala na ang gwapo sa mundo. "
" Hindi ka lang pala isip-bata may pagkabolero ka rin pala." Naiiling na aniya saka uminom ng tubig na nakalagay sa baso na plastic.
" Hindi ako bolero. Nagsasabi lang ng totoo."
" Kumain ka na lang. Saka may mga damit at pantalon ako na hindi nasusuot. Mukhang kasya lang naman sa 'yo. Hindi naman ako pandak."
" May sinabi ba akong pandak ka?" Inosenteng tanong ko naman na ikinailing na lang niya pero kita ko pa rin ang kiming pagngiti niya.
" Mahiram lang ako ng pang-loob mo sa kakilala ko. 'Yung hindi niya ginagamit. Nakakahiya naman sa 'yo. Ikaw na lang ang maglaba, tutal naman may gripo sa loob. Mayaman sa tubig dito kaysa sa pagkain."
" Salamat sa 'yo." Nakangiti kong pagpapasalamat sa kaniya na ikinatango lang niya.
" Wala 'yon. Kumain na lang tayo. Kung ganito naman kasarap ang pagkain, hindi na ako hihingi ng kapalit."
Nagtawanan na lang kami dahil sa kaniyang sinabi. Hindi rin pala masama.
Kahit na napunta ka sa lugar na ito.
May tao pa rin ang nandiyan para tumulong sa iyo.
Masaya akong makilala ka Alieha.
Sana lang sa huli itong pagtitiwala ko sa iyo ay hindi mawala.