AELE'S POV:
Napapailing na lang ako sa aking nakita matapos ang pangyayari kanina. Humigit sa labing-limang minuto ang pambabaril ng mga nakapulang mga armadong kalalakihan.
Iba't ibang hugis ng kanilang katawan. May mataba na tumatawa pa habang pinagmamasdan ang kawawang babae.
Ang hindi ganon katabaan pero mayroon pa ring umbok ang t'yan. Siya naman ang bumaril kasama ang maskulinong tao.
At ang lumapit naman sa bahay na ito ay ang may tattoo sa leeg na mukha ng isang demonyo.
Hindi pa naman nakikita ang mukha ng demonyo sa personal. Pero may nag-a-assume na agad na ito ang tunay na katauhan nila.
Wala naman akong alam dito. Pumapatay rin ako. Hindi sa ganitong paraan na pati inosenteng tao pinapatay na lang nila nang walang kalaban-laban.
"Tsk." Naiiling na aniko at napag-isipan na lang na bumalik sa kama.
Muli akong humiga at pumikit. Dinadamdam ang aking pagtibok ng puso.
Kumakarera pa rin ito dahil sa aking nakita. Kalunos-lunos. Hindi ako takot sa nakikita ko. Naiinis lang ako na hindi man lang ako nakagawa ng paraan para tulungan ito.
Gusto kong ipaghiganti ang namatay na babae. Gusto kong patayin ang mga taong walang halang ang kaluluwa.
Pero,
Kailangan ko munang magpanggap na isang mahina. Katulad lang ng ginawa ng aking ina noong mga panahon na walong taong gulang pa lang ang kuya namin ni Aeze na si Kuya Zicko.
"Pathetic." Naisambit ko na naman sa aking sarili.
Siguro nga'y ganon ako.
Ayokong may malaman si Alieha sa tunay na pagkatao ko. Ayokong tingnan niya ako na parang ang taas-taas ko.
Sa sinabi niya nga kanina,
Hindi lumalapit ang mga katulad namin sa mahihirap na tao. Little she did know that I have a lot of friends that also poor.
Tambay lagi ako sa kanto. Nakikipagbarkada sa mga taong nakikilala ko. Kilala nila ako bilang si Aele na mapagkumbaba raw at hindi katulad ng mayayaman na hinuhusgahan daw agad sila.
"May nakita ka?" Napabalikwas agad ako sa aking pagkakahiga. Umupo nang maayos at tiningnan ang nagsalita.
Nakita ko si Alieha na kakapasok pa lang sa loob ng bahay. May dala na rin pala siyang baril. Hindi ko alam kung saan ba niya nakuha.
Napataas naman ang aking kilay dahil doon.
"Bakit may dala kang baril?" Nagtatakang tanong ko. "Anong klaseng b—I mean paano ginagamit 'yan?" Dagdag ko pa sa aking sinabi pero muntik ko na ring sabihin kung anong klase ba na baril ang hawak niya.
Mahaba ito. May telescope rin sa itaas nito. At lagayan ng bala na sobrang laki at pabilog.
Ngayon lang ako nakakita ng ganitong baril. Saka hindi ako tulad ni Tito Jack at Tito Aethon na mahilig sa baril.
Ang gusto ko 'yung iba't ibang klase ng katana at dagger. Matutulis na bagay ang gusto kong gamitin.
"Isa akong myembro ng Hell's Slayer." Tipid na aniya.
"Hell's Slayer? You're the one who will manage to kill every hell in this land? Am I right?" Mabilis naman siyang tumango at muling gumawi ang tingin sa may bintana.
Hanggang ngayon gabi pa rin. Wala akong alam kung ano na bang oras. Wala akong relo at maski cellphone.
"Isa kang mayaman, tama ba?" Napalabi naman ako sa aking narinig.
"What's the matter of being a rich one? At saka ang pagsasalita ba ng English ang kasagutan na mayaman ka talaga? Pero umi-english ka rin, 'di ba?" Sunod-sunod na tanong ko na para bang isang bata na wala pang kamuwang-muwang sa lahat ng bagay.
"Mataas ang tingin ng mga mayayaman sa sarili nila, akala nila sa kanila na ang mundo. Akala nila kayang-kaya na nilang pasunurin ang mga mahihirap na katulad ko. At saka hindi pagsasalita mo ng English ang nagpatunay na mayaman ka, nararamdaman ko lang. " Pagtugon naman niya sa aking tanong na nahihimigan ko ang kaniyang pagkamuhi sa mga mayayamang tao.
Nagpalabas naman ako nang mahinang buntong-hininga at saka napalingon sa itaas. Maraming sapot at lawa na naglalaro sa kaniyang ginawang spider web.
"Not all of them. We're not the same as you think. Magulang ko ang mayaman, hindi ako. Katulad din ninyo ang iba sa amin. . . parang patapon kung ituring, " Mahinang bulong ko sa huling sinabi ko. " Pero wala akong pakealam sa mga tao kung ano iniisip nila sa akin o sa amin. Who cares! That's their problem. Mamatay pa sila wala akong pakealam sa sasabihin nila. That's your life, ikaw ang magdidikta kung anong kapalaran ang mangyayari sa iyo."
" Hindi ko sinabing katulad ka nila. Ang dami mong paliwanag. Tinutukoy ko lang ang mga taong namamahala rito."
" Ah-eh ganon ba, sorry na nadala lang ako ahaha!" Tumawa pa ako nang medyo mahina lang. Baka marinig ng nasa labas.
" Siguro isip-bata ka,"
"Huh? Paano mo nalaman?" Nagtatakang tanong ko naman.
" Sa medyas ng sapatos mo. Minions talaga?" Naiiling na aniya.
Napamulahan naman ako saka napanguso na lang.
"Grabe ka naman. Ang cute kaya nila."
"Huwag kang ngumuso, mamaya may kumagat sa 'yo. Lumapad pa 'yan. Nga pala alis na muna ako. Kailangan naming mag-meeting para sa aming pag-atake."
" Hindi ba p'wedeng sumama sa inyo?"
" Ayoko ng abala. Kailangan kong makapunta na walang nakakaalam sa aming kuta. Baka pagalitan pa ako ng pinuno namin." Dahilan niya sa akin kaya hindi na lang ako naghimutok na sumama pa.
" Okay!" Napa-thumbs up na lang ako kay Alieha.
Ngumiti naman siya at saka sumaludo pa sa akin. "Magtago ka kapag may parating. Mag-iingat ka."
"Ikaw dapat ang mag-ingat." Natatawa kong pagbabalik naman ng salita sa kaniya.
Naiiling na lang siya at nagsimula na namang maglakad palabas. Naghintay ako na makawala siya sa paningin ko. Ilang minuto ang hinintay ko.
Nagawa ko pang maglakad para lang makapunta sa direksyon ng pinto at palihim na nagsilip sa labas.
Wala na nga akong mak—
"Sh*t." Inis na singhal ko sa aking sarili at saka tumakbo na kung saan ba ako p'wedeng tumago.
Palingon-lingon pa ako sa buong paligid pero tang*na ano bang klaseng bahay ito?
Wala man lang pagtataguan kahit isang. . .
"Got yah!" Mahinang sigaw ko at nagmadali nang nagtago sa ilalim ng kama.
Medyo makipot kung papasok ka. Mabuti na lang hindi ako ganon kalaking tao. Nagkasya lang sa loob ng kama na mahaba rin.
Mabuti rin ay medyo mataas ito at natatakpan ng mahabang tela ng kumot kaya tagong-tago ako.
Napatigil ang hininga ko sa biglang pagbukas ng pintuan.
Mga pumasok pa ang mga sundalong tao na 'yun.
Narinig ko pa ang kanilang mga yapak na akala mo nagmamasid sa buong paligid. Inaalam kung tama ba ang kanilang nakita sa loob.
"Nagmamalikmata lang tayo. Walang katao-tao rito. Umalis na tayo at magronda sa buong paligid. " Dinig kong utos ng lalaking nabosesan ko dahil hindi pa naman lumilipas ang araw sa pagpaslang nila sa babae.
Siya 'yung may tattoo sa leeg na demonyo. At pangalan niya ay Brando. Nakatatak din 'e.
Hanggang sa marinig ko na lang ang pagsarado muli ng pinto. At ang mga yapak nila na palayo.
Nakahinga naman ako nang maluwag. Napabahing pa ako nang mahina dahil sa alikabok na aking nasinghot.
Mabilis akong umalis sa ilalim ng kama. Inalis ko ang mga sapot na nasa aking mukha na pala.
"Ayoko talagang magtago. Para akong takot na takot." Naiinis kong sambit sa aking sarili.
Napag-isipan ko na ulit na umupo sa kama. Napahalumbaba. Nakatukod ang dalawa kong siko sa aking hita. At ang aking dalawang palad ay nasa aking baba.
Nag-iisip na naman ng nangyayari sa lugar na ito.
'Land of Chaos. Sa madilim lang kung pumuntirya. Laban nila ay sa dilim lang din makikita. Kaguluhan ay nandiyan, hindi mo alam na ikaw na pala ang next target nila.'