AELE'S POV:
"Arghh! Sh*t!" Inis na singhal ko nang bumangon ako sa aking pagkakahiga.
Nagtataka pa ako kung bakit iba na ang nasa paligid ko.
Ang naalala ko lang ay tumatakbo ako sa isang daan papunta sa may kagubatan. Nakita ko pa ang kotse na sinasakyan ng bunso naming kapatid na si Levian. Hanggang sa hindi ko makita ang dinadaanan ko kaya napatihulog ako sa bangin paibaba. Napatama pa ang aking ulo sa isang kahoy na nahulugan ko.
Pagkatapos ng pangyayaring iyon ay wala na akong maalala pa. Kaya nakakaalerto sa akin ang bagong paggising ko.
'Teka...nasan nga ba ako sa mga oras na ito?'
"Where am I?" Nagtatakang tanong ko.
Hindi ko alam kung ano bang lugar ito, ang tanging natatandaan ko lang ay lumayo ako sa aming bahay at tumakbo palayo para hindi nila ako mahuli.
It's not my intension to runaway. But, I have no choice. I don't want too, I don't wanna be a Mafia King of Tomizara Clan.
"You're in the land of chaos. And I am the one who carried you. Hindi ko alam kung saan ka ba nagmula, nakita lang kitang walang malay sa gitna ng kagubatan." Mabilis akong napalingon sa aking kaliwang direksyon.
Nakita ko ang isang babae na simple lang ang pananamit.
Ngayon ko lang din nasilayan ang buong paligid. Tama nga siya, nasa bahay nga ako. Ngunit. . . anong tinutukoy niya na 'Land of the Chaos' meron ba talagang ganon na isla? Saka isla ba talaga ang napuntahan ko? Sa pagkakaalam ko nahulog lang ako sa isang bangin.
"Ako nga pala si Alieha Marien Soriena. Ikaw?" Nilahad niya ang kaniyang kamay sa aking harapan.
Pinagmasdan ko lang iyon at nag-isip kung ano ba ang sasabihin ko, o ano ang dapat na pangalan ko?
"I-I. . . I am Levi. . . Levi Radson." Wala sa sariling wika ko at malugod na tinanggap ang kamay ng babae. Masaya kaming nag-shake hands at hindi na inisip pa ang kabayaran nito sa dulo.
Kung ano man iyon. Sana nga lang ay makayanan ko.
"This is my first time to know about this land. May ganon ba talaga sa mundo? Aren't you kidding me?" Naninigurado ko pang tanong sa babae.
Naghiwalay na rin ang aming mga kamay sa isa't isa. Umupo rin siya sa tabi ko pero may limang distansya.
Hindi siya nagsalita nang ilang segundo lang. Narinig ko pa kung paano ba siya magpalabas ng buntong-hininga.
"This is not really or literally the name of this land. Pero sa bawat araw na dumaraan ay maraming gulo ang nangyayari. May mga p*****n, sakitan at awayan na palagi na lang dumarating. Para sa kanila, this is their happiness. At mas lalo silang nagiging mas malakas sapagkat naniniwala sila sa isang nilalang na hindi dapat sinasamba. Alam mo naman na ang ibig kung sabihin." Lumingon pa siya sa akin nang seryoso habang binibigkas ang mga katagang iyon.
Napayuko pa ako at inilagay sa aking baba ang kaliwang kamay ko. Ginalaw-galaw ko pa ang palad ko upang masehin ang buto rito.
"Does anyone know about this place?" Umiling agad siya sa tanong ko matapos kong sulyapan muli si Alieha na nakamasid lang sa aking direksyon.
"You're the only one who found out this hidden land near the forest. Sa mga oras na ito ang kailangan mo lang gawin ay magtago at huwag magpapakita sa kanila. Hindi mo alam kung ano ba ang kaya nitong gawin. . ."
"Tulad ng ano?" Sabat ko agad sa sinambit niya upang may dahilan na rin ako upang makapag-isip man lang.
Saka gusto ko rin may malaman pa sa lugar na ito. At tanging si Alieha na lang ang makakapagbigay sa akin ng impormasyon para makaingat ako sa maaaring mangyari sa akin mula sa loob.
"Kamatayan ang kaparusan. They will torture you first, before they shoot your head using their guns." Napangiwi naman ako sa narinig ko mula sa kaniya.
"Masdyado naman brutal pala. Hindi ko maatim ang maaaring mangyari sa akin kung ganon."
"Kaya nga't mag-iingat ka. Ayos lang sa akin na dito ka muna titira sa bahay ko. Saan ka ba nagmula?" Tanong niya muli sa akin sapagkat hindi niya nalaman ang kasagutan kanina.
"Running away from family. Then boom, I don't know where I am now." Tanging naisagot ko na lang.
Sana lang ay hindi siya makahalata na nagsisinungaling ako, I mean may hindi ako sinasabi na tama.
"You are little bit familiar. . . I mean you look a like with the Notorious Mafia Boss Rizhui. Do you know him?"
"E-eh?" Natatawa naman ako habang tinatago ang pagkailang. Kita sa mukha niya ang pagtitig talaga sa aking direksyon.
Napahawak pa ako sa aking batok at kinamot iyon.
"H-hindi ah! Maraming nagsasabi rin na kamukha ko siya. Pero paano mo nasabi?"
"Ah. . . wala lang. Saka kung ikaw man ang anak niya hindi ka ganiyan makipag-usap sa isang mahirap lang. Naalala ko na wala iyon pakialam sa mundo, lahat ng anak nila ay may kaniya-kaniyang buhay. Nagkamali lang ako." Paliwanag niya sabay ngiti nang alanganin.
Napatango na lang ako at tipid na nagpalabas ng ngiti. Hindi niya alam na ako talaga 'yung anak ni Daddy Rizhui.
Pero hindi naman ako tanga para ibalandra lang na ako ang anak nito. I'm not that person who will proud having a dangerous and richest parents.
Gusto kong ipagmalaki sa iba ang napagtagumpayan ko na. Hindi ang napagtagumpayan ng pamilya ko.
"Anong oras na nga pala?"
"8 in the evening. Gutom ka na ba?" Napailing naman ako sa sinabi niya.
"Nope. It's okay. I'm not hungry anyway."
"Magsabi ka lang kung gutom ka na, may pagkain sa kusina. May kailangan ka pa ba?"
"Uhmm. . . how can I get out on this land? Or possible pa ba akong makalabas dito. . . ng buhay?" Napangisi naman siya sa naging tanong ko bago umiling.
Tumayo na rin siya sa pagkakaupo at dumiretso ng lakad papunta sa nag-iisang bintana malapit lang naman sa may pintuan.
Pinagmamasdan ko lang nang mabuti ang bawat kilos ng babaeng ito. Napalingon pa ako sa suot ko na simple lang din ngunit hindi katulad ng sa kaniya na may butas na sa bandang beywang niya.
Muli ko siyang sinulyapan. At ngayon ko lang napansin kung paano ba maging seryoso ang mukha ng babae.
"Walang makakalabas dito ng buhay. Nakakalat lahat ng mga gwardiya ng namamahala sa lugar na ito. Kapag hindi ka nila kilala, susugurin o babarilin ka na lang ng walang alinlangan. Kung hindi ka naman kasing tapang nila, mas mabuting manatili ka na lang para hindi ka mamatay ng maaga." Seryoso niyang bilin sa akin pero hindi pa rin sa akin siya nakatingin.
"Okay. . ." Iyon na lang ang nasabi ng aking bibig.
Kahit na gustong-gusto kong ilabas na kaya ko silang patayin kung kailan ko nanaisin.
Pero masyado naman ata akong mayabang. Kaya mas mabuting manahimik na lang.
Hanggang sa makakaya ko. . .
"Uh~"
Napabilog ang aking bibig nang makita na lumabas ang babaeng nagngangalang Alieha sa may pintuan. Ni hindi man lamang ito nagpaalam sa akin kung saan pupunta.
Nang makalayo na ito sa direksyon ng bahay ay napahalumbaba na lang ako habang nakaupo sa may kama. Nag-iisip na rin kung ano ba ang dapat kong gawin sa mga oras na ito.
"Hayss. . .napakaboring naman dito. Wala bang kahit anong laro o cellphone man lang. D*mn! I forgot my cellphone! But," napasalampak na naman ako sa kama sa biglang pumasok sa aking utak.
Ang mukha ni Mom na kalmado at wala man lang pag-aalala. Ano bang mayroon sa isipan niya at masyadong napakakomplikado naman?
"Mom? If you're here. . . alam kong may matatanggap na naman akong batok mula sa iyo. Hayss! Ganito ba talaga kapag tumatanda na? Kailangan may magbago sa pakikitungo natin sa isa't isa? Miss ko na ang dati, miss ko na ang kulitan at pagiging sweet mo sa aming tatlo. Simula lang ng iwan ni Aeze ang bahay bigla ka na lang nagbago, unti-unting nabawasan ang pagiging maalaga mong ina. Kung ibabalik ko ba si Aeze, babalik na rin ba ang dating sigla mo?"
Malungkot naman akong napahagikhik sa aking naiisip. Simula ng iwan din ni Aeze ang bahay sapagkat nagiging brutal at hindi niya kayang kontrolin ang sarili dahil sa eksperimento sa kaniya noon.
Biglang nagbago si Mommy, hindi man niya sa akin o sa 'min sabihin. Alam kong nalulungkot siya sa pagbawas nang pagbawas ng anak niya.
Si Kuya Zicko naman ay isang traveler. Lahat ng mga bansa sa mundo ay pinupuntahan niya. Minsan lang sa isang taon siya bibisita sa bahay. Marami na rin siyang naipatayo na mga eskwelahan at mall sa iba't ibang panig ng Asya.
Kahit na masyado siyang busy sa pagta-travel. Nagagawa niya pa ring pokusan ang sarili sa business niya.
About his lovelife, mayroon na rin siyang asawa subalit ni minsan hindi ko pa ito nakikilala.
Masyado akong pasaway at layas na anak ng mga panahon na iyon. Ni minsan hindi ako nakaattend sa mga okasyon. Palagi akong nasa bundok para magpahinga o hindi kaya ay namnamin ang magandang simoy ng hangin.
At makalimutan ang mga problema na dumating sa buhay naming pamilya.
Minsan din ay papasok ako sa isang misyon na tanging ako at ang Tito Aethon ko lang ang nakakaalam. 53 na siya at hanggang ngayon wala pa ring kupas ang kaniyang galing sa pakikipaglaban.
"Maawa kayo! H-huwag. . .h-huwag ninyo akong papatayin. H-huwag. . . hu–Ahh!" Mabilis akong napaupo sa aking pagkakahiga.
Sobrang lakas nang boses na iyon galing sa isang babae. Umiiyak habang nagmamakaawa hanggang sa marinig ko na lang ang malakas na pagkasa ng baril at nagpaputok nang maraming beses.
Hindi ito kalayuan sa direksyon ng bahay ng babae. Kaya nagmadali akong tumayo sa aking pagkakaupo at dumiretso agad sa may bintana.
Ngunit napaatras din at napatago sa may pintuan matapos kong maramdaman ang mga yapak nito na paparating sa direksyon ko.
Hawak-hawak ko pa ang dibdib ko sa matinding pagdagundong nito sa kaba.
Namamawis na rin ang aking noo sa bawat eksenang naririnig ko.
Ang bawat pagkasa ng baril at pagputok nito sa kung sino.
'This is hell...'