Fourteen : Kiender
KIELYN ROSE
Nak ng rainbow chips! Ba't ba kasi di ako lumaban nung makidnap ako? Edi sana hindi ako nagkaganito ngayon!
Saan na ba sina Mara? Welengye naman oh!
Pagkagising ko kaninang umaga eh wala na sila! Naman, eh! Gusto ko pa namang pumasok!
Tumayo na ko sa kama ko at lumabas sa kwarto ko.
Nanghihina pa yung mga paa ko dahil dun yung mas maraming sugat at pasa na natamo ko.
Hayy.. Ba't ba kasi bigla nalang ako natumba sa school kahapon! Yan tuloy di nila ako pinayagan na pumasok!
"Waahh!"
Pinikit ko ang mga mata ko. Na out of balance kasi ako habang pababa ako sa hagdan.
Teka.. Ba't hindi ako bumagsak sa sahig?
Iminulat ko ang mga mata ko at bumungad sakin ang itsura ng isang greek god.
Este ni Xander.
Ano ba naman yan. Kie! Nababaliw ka na!
"You okay?" Tanong niya.
"Y-yeah." Sagot ko.
Bigla niya naman akong binuhat.
"Waah! Ibaba mo ko!" Sigaw ko sakanya.
Pero di niya ko pinakinggan. Ibinaba niya ko sa Sofa.
"Wag kang tumayo." Sabi niya sakin at tumungo sa kusina.
Whatever.
Pero teka, bakit nandito siya sa bahay namin?
"Here. Kumain ka na. Nagluto ako kanina." Di ko namalayan, Nakabalik na pala siya.
Inilapag niya ang mga niluto niya sa harap ko.
"Ba't dito pa? Pwede naman sa Kusina, ah?"
Umiwas naman siya ng tingin. I look at him suspiciously.
"Basta! Dito kanalang kumain." He said.
Nag kibit balikat nalang ako.
"Nga pala, Ba't nandito ka?" Tanong ko.
"Sabi ni Mara eh babantayan daw kita ngayon."
Ay grabe! Pinagkatiwalaan nila agad ako kay Xander? Pano kung ma r**e ako neto? Kami lang kaya ang tao sa Bahay na to!
"Okay lang sayo?"
Tiningnan niya lang ako.
"Yeah."
In-on niya ang tv.
NBA
"Tamang tama." Sabi niya.
OKC vs. GSW
Nanood nadin ako. What? I love basket ball.
"Yes! Panalo ang GS! Muntikan nayun ah!" Sigaw ko sa sobrang tuwa.
Buti nalang at nakahabol pa ang GS dun!
Teka, Did I just shouted?
Tiningnan ko si Xander na nasa tabi ko.
"Ngayon lang kita narinig sumigaw ah." Sabi niya.
I just rolled my eyes.
Kinuha ko na yung kinainan ko at tumungo sa kusina.
Napatigil naman ako ng Makita ang buong kusina.
"XANDER, ANONG GINAWA MO SA KUSINA NAMIN?!"
***
Nakasimangot akong naka upo sa higaan ng kwarto namin.
Nakakainis naman kasi si Xander eh! Kaya naman pala hindi niya ko pinayagan na kumain sa kusina namin dahil- Aish!
Maraming kalat!
Bigla naman bumukas ang pinto.
"Kie." Tawag ni Xander sakin.
Di ko siya hinarap. Nakatalikod kasi ako sa pinto eh.
"Kie. Sorry na. Di ko naman sinadya yun kanina eh."
Naramdaman kong umupo siya sa tabi ko.
Bahala ka dyan.
"Kie, Sorna.Di ko alam kung pano magluto eh kaya nagpaturo ako kanina kela Mara. At dahil nagmamadali sila kanina di na nila ako tinulungan na linisin yung mga kalat."
"Ba't di mo nilinis ang kalat mag isa?" Mataray na sabi ko.
"Lilinisin ko na sana kaso bumaba ka na eh."
Bumuntong hininga naman ako at nilingon siya.
"Sa susunod, sabihin mo sakin, Okay? Para di ako magagalit sayo."
Tumango naman siya.
"Nalinis ko na yung kalat sa baba." Sabi niya.
Ngumiti naman ako.
"Good."
------
May kinilig ba? Hehuehue.