Thirteen : Childhood Crush (someone's jealous)
JANA CARYL
"Buti naman at naisipan niyo pang bumalik." Sabi ko.
"Ulol." Sabi ni Mara. Ouch ha.
"Oh, aalis na kami. Maaga pa kayo bukas." Sabi ni Tito Kirk at tumayo na.
Tumayo na din si Tita Marlisse.
"Oo nga. Sige na, matulog na kayo. Tara na boys." Sabi ni Tita.
Tumayo naman sina Kuya Jino at sumunod na kela tita na papalabas na ng pintuan.
"Take care, okay?" Bilin ni Mark kay Mara.
Tumango naman ito at umalis na nga si Mark.
"Ang sweet niyo namang magkapatid." ani Cass.
Napatingin naman ang kambal kay Cass at sabay na nag, "YUCK!"
Nagkatinginan naman sila at sinuntok naman agad ni Mara si Mark sa balikat.
"Jinx!" Sabi ni Mara.
"Aray naman!" At hinimas ni Mark ang braso niya.
Tiningnan naman kami ni Mark.
"O siya, aalis na kami. Bye." Ani Mark at umalis na.
Umupo naman si Mara sa tabi ko.
“Kamusta lakad niyo ni Mark? Nagsapakan ba kayo?” Nang aasar na tanong ni Cass na sinundan naman ng tawa ng iba.
"Ewan ko sainyo. Aakyat na ko." At tumayo na si Mara.
Sarap niya talagang asarin.
MARA JESSICA
Mga loko loko talaga. Umakyat na ko at tumungo sa kwarto namin ni Kielyn.
tatlo lang yung bedroom dito kaya may roommates kami, lul. Yung isang room, si Cass dapat dun kaso ginulo namin. Yung higaan baliktad. Mga bed sheets at comforter sira sira. Yung tipong ganun!
Kaya napag desisyunan niya nalang na maki share ng room kela Ren at Jana. Tamad kasi si Cass pag dating sa pag aayos eh.
Binuksan ko na ang pinto at pumasok sa kwarto.
"Hi, Kie." Bati ko.
Nginitian niya naman ako at nagbasa ulit.
Umupo ako sa kanyang kama at tumabi sakanya.
"Okay na ba yung mga sugat mo?" Tanong ko.
Tumango naman siya.
"Oo naman." Sagot niya at tiningnan ako.
Sinara niya ang libro at nilagay sa bedside table.
Umalis na ko sa higaan niya at pumunta sa higaan ko.
"Matutulog na ko, good night Kie."
Humiga naman si Kie. "Good night din."
Humiga na din ako.
"Kie, kaya mo pa bang pumasok bukas?" Tanong ko.
"Syempre. Pasa at sugat lang naman ang natamo ko." Sagot niya.
"Pero wag kang gumawa ng mga mabibigat na gawain ha?"
"Oo na po, Madam."
Ngumiti nalang ako.
Matutulog na sana ako ng may kumatok sa pinto.
Bumukas naman ito at iniluwa si Rena.
"Pwede bang dito nalang ako matulog? Ang ingay kasi ng dalawa eh."
Tumawa naman ako at umisod.
"Sige. Dito ka sa tabi ko." Sabi ko. Sumunod naman siya at agad humiga sa tabi ko.
Good night.
*****
7:00 palang ay nandito na kami sa school.
"Aga natin ngayon, ah?" Sabi ni Anthony na kakapasok lang kasama ang apat na tukmol. Ay harsh hahahaha.
"Bakit, di ba pwede?" Mataray na tanong ni Cass sakanya.
"Chill, Taray mo masyado." Nakangiting sabi ni Anthony sakanya at umupo na sila sa likod namin.
Hmm.. I feel something fishy.
'Teka, bati na ang BRG at ang mga transferees?'
'Malamang, girl!'
'OMG!'
'Paano nalang yung fight?'
'Ewan.'
Hayss. Kelan ba mawawala ang mga chismosa? sabagay, boring naman ang life pag wala sila. Pero nakakabwisit lang ang mga bunganga nila eh. Tss.
"Listen up, guys! Mara Jessica is my long lost twin sister so don't you dare do anything stupid at her! Pati nadin sa mga kasama niya, got it?" Sigaw ni Mark.
Nag yes lang naman ang mga ka klase namin.
________
Lunch break na at naglalakad na kami ngayon sa hallway.
Grabe, ang ingay ingay namin! Whoa!
Napahinto lang naman kami ng may sumigaw.
"JAMES!"
"Uh oh."-Christian.
Naka akbay sakin si Mark ng lumingon kami.
Isang magandang babae, syempre ako yung pinaka, pala ang tumawag kay Mark.
Huminto siya sa tapat namin ni Mark.
Nakangiti siya at napatingin naman siya bigla sakin.
Tiningnan niya ko mula ulo hanggang paa. Ano, mas maganda ako sayo no?
"Uhm. Sino siya?" Tanong niya sa mga boys habang tinuturo ako.
Sasabat pa sana si Mark kaso inunahan ko na. I kinda hate this Girl. The way she looks at me kasi eh.
"I'm Mara Jessica. Kambal ni Mark." Sagot ko habang naka ngiti.
Tiningnan niya ko na parang nagulat tapos tiningnan si Mark.
"Talaga Mark? May kakambal ka pala." Sabi niya at tiningnan uli ako.
"Hi! Ako pala si Melanny Morgan, Nice to meet you."
Nginitian ko siya at nag shake hands kami. She's pretty pero I don't like her. Yes, she has an angelic face at sa tingin mo ay mabuti siyang tao pero ewan ko ba, Basta I don't like her, period.
"Guys! Kamusta kayo? " Nakangiting tanong niya sa boys.
Sumagot naman sila na ayos lang sila.
Tumango naman siya.
"Great! I have to go na, Pumunta lang kasi ako dito dahil may binigay lang ako kay ate Mimi. Sige Got to go. Bye guys! And nice meeting you, Jess. " At nag paalam na siya.
JANA CARYL
Tahimik akong kumakain ng lunch kasama sila.
"Ahh.. Mark, Kaano ano mo ba yung si Melanny?" Tanong ni Cass.
"Childhood crush siya ni Mark." Sagot ni Xander sakanya.
"Ba't hindi mo niligawan, Mark?" -Mara.
"Torpe siya, eh. Wala tayo magagawa diyan." Sagot ni Anthony at tumawa naman ang lahat.
"Ulol!" Sigaw ni Mark.
Tumango tango naman kami.
"Himala, Jana. Tahimik mo ah." Asar ni Cass sakin.
Inirapan ko lang siya, "La kang pake."
***
Nasa bahay na kami ngayon. Di parin matanggal sa isip ang Child hood crush ni Mark. Argh! Ba't ba iniisip mo yan ha, Jana? Eh kasi naman. Buti pa siya! Crush siya ni Mark noon ako nga- anyways.
May tumabi naman bigla sakin.
"Iniisip mo, Jan?" Tanong ni Cass.
Nasa sala kami ngayon, okay?
"Oo nga." Sang ayon ni Mara at tumabi sakin.
"Is it about Mark's Child hood crush?" at ngumisi si Ren na nasa harapan ko na pala na naka upo.
"Bakit naman, Jana? Ba't mo naman iniisip kung sino yung Child hood crush ni Mark? At tsaka ang tahimik mo pa kanina pagkatapos natin ma meet si MELANNY na CHILDHOOD crush ni Mark" -Kielyn at umupo sa tabi ni Rena.
Tumango naman silang lahat.
"Hmm.. I think.." -Mara.
"Someone is JEALOUS!" They said in unison at tumawa pa.
Umirap naman ako.
"Very funny, guys." I said sarcastically.
Ba't ba ako trip ng mga to? Tss.