MULING MAGING AKIN Chapter 64: ARYM ZCHRYNNE “MaiMai” – . . . Maaga ako nakatulog matapos namin magkwentuhan ng anak ko. Hindi ko na rin namalayan na tumawag pala si Jasper at napakarami din niyang text messages. Nagising na lang ako ng hating gabi dahil sa walang tigil na pagtunog ng doorbell ko. Iniisip ko na baka si Sven pero nagulat na lang ng bumungad sa akin ang lasing na lasing kong boyfriend. Muntik ko pa hindi masalo si Jasper dahil bigla na lang siya natumba sa harap ko at hindi ko yun na paghandaan agad. Mabuti na lang nahawakan ko kaagad siya. “Hon! Sorry to wake you up at this hour. I just want to see you.” Lasing na wika ni Jasper. Nailing na lang ako sa kanya, ang mga mata niya ay halos hindi na niya maidilat. Pulang -pula din ang mukha niya at amoy alak. Hindi ko a

