MULING MAGING AKIN Chapter 65: ARYM ZCHRYNNE “MaiMai” – . . . “Bakit hindi ka nagsasalita? May ka-table ka ba na babae? OO at hindi lang ang sagot, Jasper.” Nagsisimula na uminit ang bunbunan ko sa inis sa kanya. Nakatanga lang kasi siya sa akin. “Hon, naman…. Wag mo naman akong tawaging Jasper.” Nagtatampo niyang sabi. Hate niya talaga na tawagin ko siya sa pangalan niya at hindi sa endearment namin. “Bilisan mo sagutin ang tanong ko bago ako mapikon. Palalayasin talaga kita ngayon.” Pagbabanta ko pa. “A-ahm, w-wala, h-hon.” Nagkanda utal-utal niyang sabi. Hindi ako kumbinsido sa sagot niya kaya naman tinignan ko siya ng malamig at walang emosyon. “Umuwi ka na ngayon din. Matutulog na ko.” Tumalikod ako sa kanya pero mabilis niya din ako nahila paharap sa kanya. “B-biro lang, h

