MULING MAGING AKIN Chapter 92: ARYM ZCHRYNNE “MaiMai” – . . . Paano??? What the heck?! “A-ayos lang. M-maupo ka.” Kinakabahan na wika ni Zab. Mabilis akong tumalikod ng makita kong titingin siya sa gawi ko. Mabuti na lang naisipan ko mag dala ng scarf kaya binalot ko kaagad ito sa ulo ako at kahit baduy tignan, nag suot na rin ako ng shades. Imagine, nasa loob ng coffee shop, naka shades? Eh?? Mataas ang sikat ng araw! Bakit ba? Nag-order muna ang lalaki ng kape nito at frappe naman para kay Zab. Kinuha ko ang face powder ko para tingnan sa salamin ko ang reaksyon ng mukha ng kapatid ko. Nakayuko siya na parang nahihiya sa kaharap. “Naku, Zabrynna! Makukurot ko talaga ang singit mo. Marami kang ipapaliwanag sa akin nito pag-uwi!!” Pag kausap ko sa aking sarili. Hindi rin nagt

