MULING MAGING AKIN Chapter 93: ARYM ZCHRYNNE “MaiMai” – . . . Tumaas ang isa kong kilay sa pag-uusap ng dalawa. “Bigyan mo muna ako ng sapat na oras para mapag-isipan ang mga dapat kong gawin. OMG talaga! Ang beauty ko pinagpawisan!” Sapat na oras na pinagsasabi ng baklang bakulaw na ito? Sapat na oras para tumakas ba ang ibig niya sabihin??? Subukan niya! Tatayo na sana ako para komprontahin si Cosmo. Kahit secretary siya ng asawa ko, kakalbuhin ko talaga ang buhok niya sa ibaba! “Kumusta ang kalagayan ng baby natin?” Napatigil ako sa balak kong gawin ng marinig ko ang tanong ni Cosmo. Pinaghalong excitement at pag-aalala ang mababakas sa boses niya. “M-malusog siya. Iwasan ko lang daw ang magpuyat at ma-stress.” “Mabuti naman kung ganun. Kailan ang balik mo sa doktor? Sas

