MULING MAGING AKIN Chapter 94: ARYM ZCHRYNNE “MaiMai” – . . . “Maraming salamat talaga, ate Mai. Malaking tulong sa akin ang moral support mo.” Pasasalamat ni Zab ng makauwi na kami. Hinatid kami ni Cosmo pero hanggang sa terminal lang. Hindi kasi ako pumayag na sa mismong bahay namin niya kami ibaba. “Walang anuman, Zab. Support lang ako sayo palagi basta wag lang sa pag-aadik. Ibang usapan na yan.” Ang reaksyon ni Zab, siguro kung pwede lang mamili ng kapatid, hindi ako ang pipiliin niya. Na stress pa yata sa akin si buntis. Kanina sa restaurant na pinuntahan namin, nang mag banyo saglit si Zabrynna, nakiusap ako kay Cosmo na wag na wag niya babanggitin ang tungkol dito kay Jasper. Nangako naman siya na hindi niya daw ichi-chika sa boss niya kahit nagtataka siya kung bakit. Hi

