bc

Oops!! It was just a Mistake [Tagalog | Filipino]

book_age18+
3.3K
FOLLOW
13.2K
READ
billionaire
others
pregnant
goodgirl
maid
bxg
royal
tortured
virgin
shy
like
intro-logo
Blurb

Mayaman sa mayaman.

- may pera

- sosyal

- nabibili ang lahat

- nagpapakasaya

- makapangyarihan

Mahirap sa mahirap.

- kumakayod para may makain

- nagtitipid ng pera para sa pangangailan

- namomroblema sa utang

- komportable kahit masikip at mabaho ang tinitirhan

Kailangan bang tignan sa estado ng buhay ang pagmamahalan?

Dahil lang ba sa pagkakamali, tatalikuran mo ang iyong responsibilidad?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"Good afternoon. How may I assist you?", tanong ng receptionist sa katulong na may bitbit ng supot na pagkain. "I... I am S-Sienna Hernandez, Mr. W-Walton's maid. I-I just have to give this to him.", sagot naman niya dito at ipinakita ang dala niyang supot. "Okay. Wait a second and I'll just call the secretary of Mr. Walton. Just wait in the waiting area.", wika nito sa kanya at kinuha ang telepono. Makalipas ang isang minuto ay tinawag na siya ng receptionist. "Miss Sienna.", tawag nito sa kanya at siya naman ang lapit sa desk nito, "...Go to 12th floor and look for Mr. Dave Lee." Pagkasabi nito sa kanya ay naglakad na siya papunta sa elevator bitbit ang supot na ang laman ay pagkain. Pinindot niya ang up button. Hinihintay muna itong magbukas. 'TING' Sabay bukas ng elevator. Pumasok na siya at pinindot ang 12 button. Naka-tingin lang siya sa monitor sa taas nang paakyat na ang elevator na sinasakyan niya. Sa bawat hinto ng elevator ay siya naman ang kaba ng dibdib niya. Huminga siya ng malalim para kumawala ang kaba sa kanyang dibdib. Ito na... Kaya ko ito... Paulit-ulit niya lang ito binibigkas ng mahina sa bawat paghinto ng elevator at sa bawat sasakay at aalis na tao dito. Nang biglang... 'TING' Huminto na ang elevator sa 12th floor. Dahan-dahang nagbukas ang pinto. Lumakad siya papalabas dito. Bungad sa kanya ang front desk ulit ngunit isang lalaking mukhang nasa 20's. Wooh... Wala ng atrasan ito. Lumakad siya papunta dito at agad naman siyang inasikaso nito. "You are Miss Sienna Hernandez?", panimula ng lalaki, "I'm Mr. Dave Lee. Please, have a sit. I'll tell Mr. Walton that you are here." Na-upo naman siya sa single couch at nanatiling naghintay. Nakita niya namang kumatok at pumasok sa loob si Mr. Dave Lee. Ngunit, wala pang ilang segundo ay lumabas din ito at sinabi sa kanya na pumasok sa loob. Ang kaninang nawalang kaba niya ay tila nabuhay at mas lalong dumoble pa ito. Sa bawat hakbang niya ay tila lumulutang siya sa ere. Binuksan na sa kanya ni Mr. Dave ang pinto upang pumasok siya. At nang makapasok siya ay pinagmasdan niya ang kwarto na pang manly ang design nito. "Are you done staring at my room?", wika ng isang mala-adonis na boses nito. Napatingin naman siya dito at laking gulat niya na nakatingin ito sa kanya. Bigla siyang napayuko at napahigpit sa hawak na plastik. "Take a seat.", wika nito sa kanya. Na-upo naman siya sa sofa at inilapag ang plastik na laman ay pagkain sa lamesa. "Ito po pala iyong pagkain niyo.", wika niya dito. Kita niya ang pagkunot-noo nito. Alam niya sa sarili niya na ito ang unang pagka-kataon na siya lang ang gumawa nito. "Thank you. But how strange... Ikaw lang ang katulong na nagdala sa akin ng pagkain. May kailangan ka ba, Sienna?", tanong agad nito sa kanya. Napakuyom siya agad at huminga ng malalim. "Buntis po ako.", sambit niya dito. Walang pag-aalinlangan niyang sinabi ito. Nakayuko lang siya at ayaw niya makita ang reaksyon ng binata. "Bakit mo sa akin sinasabi ito?", takang tanong nito sa kanya. "K-Kasi po... Ikaw po ang ama ng pinagbu-buntis ko.", nasabi niya rin sa wakas. Naghi-hintay siya ng sasabihin nito sa kanya ngunit wala siyang narinig dito. Inangat niya ng bahagya ang kanyang ulo at nakita niya ang mukha nito na sobrang seryoso. Tahimik lang ito at mukhang nag-iisip. "Kailan ito nangyari?", sunod na tanong nito habang nilagay ang isang kamay sa ulo. "N-Noong kaarawan po ni Miss L-Lavender.", sagot naman niya. Sa bawat sagot niya sa tanong ng binata ay siya namang kaba at panla-lamig ng kanyang katawan dahil sa nakikita niyang awra nito. Naka-kunot pa rin ang noo nito at hindi nagsalita. Tila iniisip ang mga nangyari noon. Napa-iling ito. "Isang pagka-kamali lang ang nagawa ko. Ano naman ngayon kung buntis ka? Anong gusto mo? Panagutan kita? Sustentuhan? O gusto mo ng pera para manahimik ka lang? Ipalaglag mo nalang para walang problema.", histerikal na sabi nito sa kanya. "Wag ka pong mag-alala, hindi ko po sasabihin kahit sa kanino lalong lalo na ang magulang niyo. Wag mo lamang po ako paalisin.", nalu-luhang sabi niya dito. "Bahala ka. Wala kang mapapala sa akin. Malalagot ka sakin pag nalaman kong may maka-alam nito.", babala nito sa kanya. ----------------------------------- The Begining [SIENNA] 'CLACK' "Sorry po ma'am. Hindi ko po sinasadya. Lilinisin ko nalang po yung kalat.", paumanhin niya sa babaeng anak ng amo. Siya si Sienna Hernandez. 20 yrs. Old. Hanggang third year high school. Nahinto siya sa pag-aaral dahil hindi na siya kayang pag-aralin ng kanyang magulang. Mayroon pa siyang dalawang nakaba-batang kapatid. Ito ay sina Sabine at Sergio. Si Sabine ay nasa ika-anim na baitang na sa elementarya at si Sergio naman ay nasa ika-apat na baitang sa elementarya. Ang nanay niya ay nagti-tinda sa palengke. Gulay ang kanilang itinitinda at ang tatay niya naman ay isang construction worker. Nakaka-kain pa naman sila, tatlong beses sa isang araw. Kontento na sila kung anong mayroon sila. Hirap man sa buhay ay gumagawa pa rin ng paraan ang magulang nila para mabuhay sila. Ngunit sa hindi inaasahan ay namatay ang kanilang tatay. Hindi nila alam na may dinaramdam ito. Nabalitaan nila ito nang tumawag ang isang ka-trabaho ng kanilang tatay. Habang nagpapahinga daw sila ay akala nila na natu-tulog lang ang tatay niya. Napansin ng ka-trabaho ng tatay niya na hindi na ito humihinga. Kaya dali-dali nilang pinuntahan ang ospital na sinabi sa kanila at doon nila nalaman na inatake pala ito sa puso. Halos hindi nila matanggap ang nangyari. Nag-abot ng tulong ang may-ari na pinagta-trabahu-an ng tatay niya ngunit hindi pa rin ito sapat dahil malaki ang bayarin nila para sa tatay niya. Hindi rin sapat ang pagti-tinda sa palengke. Isang araw habang nagti-tinda ang nanay niya ay sinabihan ito ng kaibigan na tindera din ay kung gusto ng ina niya na ma-masukan ito bilang isang katulong. Malaki daw ang sahod buwan-buwan. Hindi na nagdalawang-isip ang nanay niya kaya tinanggap din nito ang alok at noong sumunod ding taong iyon na magfo-fourth year high school na sana si Sienna ay pinatigil siya ng kanyang ina sa pag-aaral para kasama siya nito sa magtrabaho bilang katulong. Hindi naman nagdalawang-isip si Sienna at mas kailangan nila ng pera. *** [LAVENDER] "Dapat lang!!! Tatanga-tanga ka kasi! Sa susunod ayusin mo ang ginagawa mo at mag-ingat ka naman. Nakaka-irita ka ha! Bilisan mo at marami ka pang lalabhan. Bwisit 'to!.", inis na sabi ng babaeng anak ng amo. Sabay alis nito sa harap ni Sienna. Bunsong anak ng amo ni Sienna. Ito ay si Lavender Plum Walton. Labing-pitong taong gulang na ito. Maganda at maputi ang dalaga. Matangkad ito. Kung ta-tantyahin ay 5'8 ang taas nito. Kaya nga lang ay kung anong kinaganda ng kanyang panlabas ay iyon naman ang ka-pangitan sa kanyang ugali. Simula palang na pumasok si Sienna bilang katulong sa mansyon ay inis na inis siya dito. Dahil sa malaking bulas ang dalaga ay pinagbu-buhatan nito ng kamay si Sienna. Binabalaan din niya ito na kapag magsumbong siya sa nanay niya ay gagawa siya ng paraan para lang mapaalis sila. *** [SIENNA] Sa bawat araw na ginagawa ni Lavender, tikom lang ang bibig ni Sienna tuwing tinatanong siya ng nanay niya. Hindi man niya masabi ay iniiyak niya nalang ito kung saan walang may makakakita sa kanya. Habang nililigpit niya ang nabasag na flower vase ay malalim ang kanyang iniisip. Wala sa sariling pinupulot niya ang pirasong nabasag. Hindi niya napansin na nasugatan pala ang kanyang hintuturo. Unti-unti narin nagsipagbagsakan ang kanyang mga luha habang patuloy pa rin ang pag-agos ng kanyang dugo. Malaki ang pagkasugat. Hanggang sa dumating ang kaibigan niyang katulong na si Liling na mas matanda sa kanya ng dalawang taon. "Naku, Sienna. Anong nangyari? Halika at malaki ang sugat mo sa kamay. Ako na maglilinis dito." Sabi nito sa kanya habang inaalalayan siyang tumayo. *** [LILING] Nang sila ay nasa silid na ay ginamot muna ni Liling ang sugat ni Sienna. Habang ginagamot niya ito ay nakatulala lang ito at patuloy pa rin sa pagluha. Kahit anong kausap niya dito ay hindi pa rin nagsasalita. "Sienna, ano bang nangyari? Lagi nalang ganito. Pag-umiiyak ka ng ganito ayaw mo naman sabihin. Kahit sa nanay mo ayaw mong sabihin.", puno ng pag-aalala niyang sabi. "Ano bang ginawa kong kasalanan? Bakit ang laki ng galit nila sa akin? Sana pinatay nalang nila ako.", sabay ang paghagulgol ni Sienna. "Sienna, magsabi ka ng totoo. Iyon bang nakikita naming pasa mo sa labi mo noong isang linggo ay gawa ni ma'am Lavender?", tanong ni Liling habang hinahagod ang likod ni Sienna. "O-oo... H-Hindi ako pwedeng magsumbong kahit kanino dahil pag ginawa ko daw iyon ay gagawa siya ng paraan para matanggal ako. I-iyon n-naman ang a-ayaw kong mangyari dahil k-kami lang ni i-inay ang nagpapaaral sa mga naka- kabatang kapatid ko. Kung paalisin man ako ay mahihirapan naman akong tanggapin sa trabaho dahil hindi pa ko nakapagtapos ng high school at hindi pa ko nakatuntong sa kolehiyo.", pahayag nito habang pinupunas ang mga luha. "Tahan na basta pag tinawag ka ulit ni ma'am Lavender ay susunod ako. Ako ang lalaban dun. Wala akong pake kung ano man ang gawin niya basta lalaban tayo. Wala siyang karapatan na apihin tayo. Pare-pareho lang tayong tao iyon nga lang ay ipinanganak siyang mayaman at malaya niyang nagagawa ang gusto niya. At kung ta-tanungin ka ulit ni nanay Sonia ay sabihin mo ang totoo.", sabi ni Liling habang nakakuyom ang mga kamay nito. Naiinis siya sa inasal ng babaeng anak ng amo nila. *** [NAY SONIA] Habang inaalo pa rin ni Liling si Sienna ay sabay ang pagbukas ng kanilang silid. Napalingon silang dalawa. Ang Inay Sonia pala. Namalengke ito para sa panghapunan. Ang inay rin ni Sienna ang nagluluto pero kahit may toka sila sa mansyon ay tinutulungan pa rin ng dalaga ang inay. Nagtatakang pumasok si Inay Sonia sa kanilang silid nang tignan niya ang anak niya. Bakas ang pag-alala sa mukha ni Inay Sonia. "Anak. Lagi nalang ganito ang nada-datnan ko sayo. Sabihin mo nga sa akin anak kung bakit lagi ganyan ang naabutan ko sayo. May problema ba? Anak nag-aalala na ko sa iyo. Kung pwede lang sabihin mo na sa akin ang totoo.", umiiyak na sabi ni Inay Sonia. At sinabi na rin ng dalaga ang lahat. Halos hindi malaman ni inay Sonia ang gagawin. Ang akala niyang magalang ng anak ng amo nila ay hindi pala. Isa lang palang pagpa-panggap ang ginagawa nito. Sinabihan niya rin ang anak na kung ano man ang mangyari at ginawa pa rin sa kanya ni Lavender ay sabihin ito sa kanya. Maski siya ay hindi natatakot. Ayaw niyang nakikitang nagkaka-ganiti ang anak niya dahil pag nagkataon at makita nalang isang araw ang anak niya na patay dahil sa bigat ng dinaramdam niya ay hindi niya makakayang mawala ang anak niya. Ikamamatay niya iyon.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

CEO, Unstoppable Love

read
799.5K
bc

Heiress Bodyguard (Tagalog / SPG)

read
13.7K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
318.2K
bc

SYLUS MONTENEGRO

read
14.9K
bc

BAD MOUTH-SSPG

read
19.8K
bc

Devirginizing My Hot Boss

read
116.2K
bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
50.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook