[SIENNA] Narinig ni Sienna ang pinag-uusapan ng mga ito. Nag-aalala siya dahil dito. Iniisip niya ang mga susunod na pangyayari. "Sienna?", tawag sa ngalan niya. Napalingon siya dito at laking gulat niya na si Priam ito. "Ano...", hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Nagulat nalang siya ng hilahin siya nito sa isang gilid na walang makakakita sa kanila. "Anong ginagawa mo dito?", tanong nito sa kanya. "Sorry... Hindi ko intensyon na makinig sa usapan niyo.", paumanhin niya dito. "Narinig mo lahat?", tanong pa nito. Tumango siya dito bilang sagot. "Kahit anong gawin ko. Gumagawa pa rin si mommy ng paraan.", paliwanag nito. "Siguro ay pagbigyan mo nalang muna ang gusto ng mommy mo.", sagot niya dito. "Okay lang sa iyo?", pag-aalangang tanong ng binata sa kanya. Tumango naman si

