"Naku maraming salamat ha, Nicholo. Sa uulitin ulit." Pagpapasalamat ni Liling at sumakay sa backseat ng sasakyan. *** [PRIAM] Nang makarating sila sa mansyon ay nagulat sila sa dalawang sasakyan sa mansyon. "Kanino kaya itong sasakyan? Hindi kaya...." Paghinala ni Priam. Kinukutuban siya na may hindi magandang mangyayari. Pagpasok nilang tatlo ay bumungad sa kanila ang tatlong taong naka-tayo sa sala. "Ohh they're here tita. See... Kaya po nakipaghiwalay sa akin si Leander dahil sa babaeng yan. Inakit niya po si Leander." Paawang sabi ni Thalia habang umaarte na umiiyak. Pati sila Sienna, Priam at Liling ay nagulat na nandito si Thalia. Hindi naman nagulat si Lavender dahil alam na nito ang ugali ng dating nobya ng kanyang kuya. "Is this true, Priam?" Seryosong tanong ni Peach.

