Sa mga apat na sumunod na araw ay naging mas lalong nakilala nila ang isa't isa. Ang mga kaibigan ni Priam ay hinahayaan nalang siya. Ngayon lang ulit nakita ng mga ito na masaya siya. Natutuwa din sina Lavender dahil iyon naman ang gusto nila na makitang masaya si Priam. Botong-boto pa nga ito kay Sienna. Na-ipapakita nga nilang dalawa na masaya sila ngunit ang pagbubuntis ni Sienna ay patuloy pa ring lihim sa iba nilang kasama. Pero ang katanungan ay kung ano ang estado ng kanilang relasyon ngayon. *** [PRIAM] Nasa may billiaran sina Priam. Silang apat lang magka-kaibigan ang nandito. "So Priam, dude. How was your status with Sienna?", tanong ni Eros sa kanya habang nagbi-billiard. Napa-isip siya. Nitong mga nakaraang araw na kasama niya si Sienna ay masaya siya. Talagang nakita ni

